CHAPTER 007

2 0 0
                                    

ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS

CHAPTER 07

彡RENNA MONTEVERDE — POV彡

"Hey hoOo!" Sabay kaming napalingon ng amo ko sa pintuan ng office niya ng bigla itong bumukas at pumasok ang isang lalaking may pilyung ngiti sa labi.

"Red, 10:30 pa ang meeting natin" Sabi ng amo ko dito.

"Hmmm" Tumingin yung nag-ngangalang Red sa relo niya at ngumiti "Aws medyo naduling lang ako kanina, akala ko 10:30 na yun pala 9:45 pa" Saad nito at saka tumingin sa akin sabay wink.

"Hello miss sexytary" Lumapit ito sa akin at akmang uupo sa katabi kung upuan, pero hindi palang naka dikit ang pwet niya sa mismong upuan ay napatigil siya.

"And who give you a permission to set beside her? Mr. Red Fuentebella!" Lumingon ako sa amo ko dahil sa sinabi niya.

"Sabi ko nga bawal" Bulong nung Red at saka tumayo ng matuwid.

"Bakit ang aga mo?" Tanong ng amo ko dito.

"Para makita si Miss Sexytary" Ngumiti ito sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"So hindi ako ang eh me-meeting mo? Pwede ka nang umalis" Isang mapamatay na tingin ang ibinigay ng amo ko kay Red, pero embis na matakot yung lalaki ay tumawa lang ito ng mahina.

"Easy Boss suko na ako" Natatawang sabi nito sabay taas ng dalawang kamay ani mo'y nag surrender sa isang pulis.

"Tsk! So let's start to talk about your f*cking business" Nilaro ng amo ko ang hawak niyang ballpen.

"Sige, upo muna ako" Akmang uupo uli si Red sa tabi ko ng magsalita uli ang amo ko.

"Sinabi ko bang umupo ka sa sofa? Dito tayo sa table ko mag-usap" Agad na naglakad si Red papunta sa harap ng table ni Sir at umupo sa isa sa mga upuan na nakalagay roon.

Hindi ko marinig ang mga pinag-usapan nila pero alam kung importante ito, feeling ko nga hindi ito business kundi tungkol ito sa organization nila—tungkol ito sa Mafia. Seryuso silang dalawa habang nag-uusap at pansin kung may kinuhang maliit na box ni Red sa bulsa niya at ibinigay ito sa amo ko.

Panandalian itong binuksan ng amo ko ano mo'y tinignan kung ano ang laman nito, umangat ang isang kilay nito at nanliit ang mga mata parang sinusuri niya ang laman ng pulang Box na iyon. Gustong kung makita ang laman non pero mali naman kung bigla akong makisawsaw sa kanilang dalawa—para na din akong chismosa kung ganon. Pagkatapos itong tignan ng amo ko ay tumingin siya sa akin at may sinabi kay Red, hindi ko mabasa ang sinabi niya dito pero sa tingin ko tungkol ito sa akin.

Ilang beses din tumango tango si Red at saka sinulyapan din ako sabay ngiti ng matamis, hindi ko siya pinansin pero medyo na cu-cute-ang ako sa kanya hehe, gusto ko ang atittude niya. Mga 15 minutes din ang lumipat bago tumayo si Red sa pagkakaupo doon at saka may sinabi uli siya sa amo ko, pagkatapos non ay lumingon siya sa akin at saka ngumiti sabay kindat kaya natawa nalang ako sa inaasta ng lalaking ito.

"Boss permission naman mayakap si Miss Sexytary kahit ilang sandali lang" Lumapit ito sa akin at saka akmang yayakap ng makarinig kami ng isang kasa ng baril.

"Mr. Red Fuentebella try to do that and I will end your f*cking life" Sabay kaming napalingon sa amo ko na ngayo'y naka-upo parin pero isang matalim na titig ang kanyang ibinigay kay Red.

"Sige na boss, isa lang" Rinig kung pakiusap ni Red.

Mas lalo namang tumalim ang tingin sa kanya ng boss ko at pansin ko din ang pag-igting ng panga niya.

"Mr. Fuentebella" Madiin nitong sabi at saka itinutok ang baril kay Red kaya napatakip naman ako sa aking bibig.

'Makakakita ata ako ng papatayin mismon harapan ko'

Ang Probinsyanang Sekretarya ng Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon