ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 01
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡
Nakatingin ako sa pinakamataas na building dito sa kinaroroonan ko, actually malayo talaga siya dito sa terminal na kinaroroonan ko pero dahil sa taas niya kitang kita siya dito sa kinauupuan ko, siguro ang yaman ng may ari niyan no? Subrang arogante pang tignan nito at pansin ko na halos salamin ito, yung mga ulap nga eh ay nag rereplica dito—Astig.
"Miss! Yung bag mo kinuha nung lalaki!" Agad akong napatingin sa kagamitan ko dahil sa sinabi ng katabi kung babae dito.
"H-hala! H-hoyy bumalik ka" Sigaw ko ng makita ang isang lalaki na tumatakbo palayo habang bitbit ang backpack ko.
Dahil sa hindi ako pinansin nito ay agad akong tumayo at saka tumakbo ng mabilis para maabotan ko ito, nako nakalimutan ko yung sabi-sabi sa amin na kung baguhan ka pa lang sa manila dapat bantayan mo yung mga gamit mo para iwas nakaw.
"Hoyy! Bumalik ka yung Bag ko!" Sigaw ko habang mabilis na tumatakbo "Mamang pulis! Tulong po yung lalaking iyon hinoldap yung backpack ko" Sigaw ko sa pulis na nakita ko agad naman itong pumito at tumulong na din sa paghabol doon sa magnanakaw.
"Hoyy!" Sigaw ko uli pero wala parin itong talab doon sa magnanakaw.
Huhuhu medyo malayo na kami sa terminal na kinaroroonan ng iba ko pang gamit.
Habang tumatakbo yung magnanakaw parang hindi nito napansin ang kotseng papaliko kaya nabangga siya nito, dahilan upang mapaupo ito sa lupa at namilipit sa sakit—karma!
"Hoy! Yung backpack ko" Galit kung sabi dito ng makalapit na ako dito.
Agad naman itong linapitan ng pulis na tumulong sa akin at saka pinusasan ang dalawang kamay.
"Ikulong niyo yan! Muntik niya nang makuha yung mga alaala ko kay papa" Tumango naman ang pulis at saka itinulak ang taong iyon at saka naglakad sila papunta sa pulis car sa di kalayuan.
Isinuot ko naman sa likuran ko ang backpack ko at saka lumapit doon sa magarang kotse na naka bangga doon sa magnanakaw—hindi pa kasi ito umaandar, kinatok ko ang salamin sa pintuan nito pero ayaw bumukas, kaya kahit alam kong pwede magalit sa akin ang may-ari nito ay kinuha ko ang pentelpen ko sa bulsa ng backpack ko at saka sinulatan ng 'Thank you' yung mismong salamin.
Pagkatapos ko iyong gawin ay tumalikod na ako at saka naglakad pabalik sa terminal, sana walang loko-lokong magnanakaw ang dadaan doon nako ewan ko nalang kung ano ang gagawin ko.
*Beep Beep*
Napalingon ako sa nag busina na sasakyan sa gilid ko dahil sa pag-aakalang ito yung magarang sasakyan na sinulatan ko.
"Hoy Renna" Tawag sa akin ng babaeng nakalabas ang ulo doon sa bintana.
"Hala Kiara! Ikaw pala yan" Gulat kung sabi at saka lumapit sa kaniya.
"Sumakay ka na!" Saad niya.
"Yung nga maleta ko naiwan doon sa terminal" Ngumiwi ako at saka itinuro ang terminal.
"Eh pano ka umabot dito?" Taka niyang tanong sa akin kaya agad akong napakamot ulo.
"Hinabol ko kasi yung magnanakaw kaya ayon napunta ako dito" Kita ko kung pano nanlaki ang nga singkit nitong mata at saka agad na bumukas ang pintuan nitong kotse.
"Sakay na dalian natin baka may ibang magnanakaw doon sa terminal at isa isa nang kinuha ang mga gamit mo" Sumakay naman agad ako at saka umupo sa tabi niya.
Pagkasakay ko ay sinarado niya uli ang pintuan at saka tumingin sa akin.
"May trabaho na akong nahanap para sayo pero dapat pumayag ka munang tumira sa bahay ng amo mo" Nakangiti niyang sabi.