ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 05
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡
Naglalakad ako ngayon palabas ng kwarto ko upang pumunta sa dinning area, sa kadahilanang inimbitahan ako ng boss kung sumabay sa kanilang kumain ng dinner. Habang naglalakad ako may nakasalubong akong isang matandang babae, nakasuot ito ng uniform bilang katulong ngumiti ito sa akin at saka binati ako ng 'Magandang Gabi' Upang hindi nama ako matawag na bastos ay binati ko din ito.
"Magandang gabi din po sa inyo" Nakangiti kung saad dito at saka kumaway.
"Mukhang hinihintay kana nila sa dinning area" Aniya kaya tumango naman ako.
"Sige po mauna na po ako" Magalang kung sabi dito at saka tumalikod para maglakad uli.
Ng makalabas na ako sa hallway na iyon agad kung hinanap ang dinning area, bakit kasi ang laki ng bahay na to? Lahat ng pupuntahan ko dapat hahanapin ko pa, hindi kagaya sa bahay namin ni papa sa probinsya na isang liko mo lang kusina na, isang liko mo pa uli sala na, tapos isang liko mo nanaman mga kwarto na. Pero dito, hyss kailangan ko na siguro ng mapa nitong mansion nato para hindi nako hanap ng hanap sa bawat pupuntahan ko.
"Hey Miss" Napalingon ako sa batang lalaki na tumawag sa akin.
"Hello" Nakangiti kung bati dito.
Inayos nito ang suot niyang eye glasses bago ngumiti sa akin "Mag di-dinner ka din po ba?" Tanong nito na agad ko namang ikinatango.
"Oum kaso hindi ko alam kung nasa saan ang dinning area" Saad ko at hinawi ang hibla ng buhok sa mukha ko.
"Doon din po ako pupunta, siguro sabay nalang po tayo" Magalang nitong sabi at saka naglakad na, sumunod naman agad ako sa kanya.
"Diba ikaw yung batang lalaking pinagtanungan ko tungkol sa hagdan?" Tanong ko dito.
"Yeah, by the way I'm Gino and you?" Lumingon siya sa akin at inayos uli ang salamin niya.
'So siya pala yung kapatid na sinasabi ni Boss doon sa dalawa niyang pinatay'
"Renna" Kita kung tumango tango siya.
"Hmm so ikaw pala ang bagong secretary ng kuya" Rinig kung bulong niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Pansin ko lang sa batang to, parang hindi na siya bata kung gumalaw at kung tignan mo pormal na pormal ito hindi katulad ng ibang ka edad niya na medyo childish pa.
"Good evening Young Master Gino" Nakayukong bati ng mga katulong na nadadaanan namin.
"Good evening" Pabalik niyang bati sa mga ito.
Pumasok kami sa isang malaking pintuan at sumalubong sa akin ang isang napaka malawak na hapag kainan, grabe ang laki ng lamesa na nasa gitna ng silid na ito mga tig-nuwebe namang upuan ang magkakaharap na nakapalibot dito hindi pa kasali ang dalawang nasa parehong magkabilang dulo nito—ibig sabihin bente lahat ng upuan ang nakapalibot sa malaking lamesa na iyon.
May maliliit na flower vase sa ibabaw nito at puno ang bawat isa ng pinaghalong white and pink roses, may dalawa namang magkakaparehong sukat na chandelier ang naka kabit sa kisame dito. Grabe naman ang ganda ng dinning area nila pang palasyo ang design, doon kasi sa probinsya namin tamang linis lang ang hapagkainan namin tapos isang flower vase sa gitna ng mismong lamesa plastic nga lang yung mga bulaklak sa flower vase namin, tapos dito sa kanila mga fresh flowers talaga—grabe.
"Umupo kana Miss Assistant Secretary ganina kapa nakatayo diyan" Napakurap kurap ako at saka sumunod sa utos ng amo ko.
Umupo ako sa katabing upuan ni Gino at kaya napalingon naman siya sa akin.