ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 03
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡
Katahimikan ang bumabalot sa boong kwarto kung na sasaan ako ngayon, nandito parin ako sa harap ng mismong study table ko habang patuloy na binabasa ang mga papeles na nasa harapan ko, halos maubos ko na itong basahin ng may kumatok sa pintuan dahilan upang napatayo ako at silipin ito sa maliit na bilog na butas dito.
Nang wala akong makitang tao sa labas ay nagpasya akong tatalikod na at babalik nalang doon sa study table, pero napahinto ako sa paghakbang ng makarinig uli ako ng katok dahil dito, napalunok ako dahil nakaramdam ako ng kaba. Baka may pinatay sila dito sa mansion na ito tapos ngayon kumakatok na yung kaluluwa ng pinatay nila sa kwarto ko upang humingi ng tulong.
'Lagot ako dito, takot pa naman ako sa mga multo'
"Sino yan?" Kabado kung pagtatanong umaasang may sasagot pero wala akong nakuhang reply galing sa labas ng kwarto.
Unti-unti akong lumapit sa pinto at pilit na linalabanan ang nararamdamang takot, sinilip ko uli ang labas gamit ang butas na iyon ngunit isang anino lang ang nakita ko.
'May anino ba ang multo?'
Dahil sa naghihinala ako sa multong nasa labas ng kwarto ko, kumuha muna ako ng pamalo bago biglang binuksan ang pintuan. Akmang eh papalo ko na sa hinayupak na multo ang pamalo ko ng may kamay na pumigil dito.
Napataas tingin ako doon sa lalaking nasa mismong harapan ko ngayon, magkasalubong na magkasalubong ang parehas na kilay nito habang nakakunot ang noo. Ginamit niya ang isang kamay niya para kunin sa pagkakahawak ko ang pamalo na muntik ko ng mapalo sa kanya, inalis niya naman ang suot niyang headphone sa kanyang tenga at binaba ito sa leeg.
"Muntik mo na akong mapalo" Rinig kung saad nito habang nakatingin sa akin.
"Katok ng katok akala ko na multo" Inis kung sabi at akmang tatalikuran ko na siya.
"Hey Miss Assistant Secretary! Saan ka pupunta?" Tawag nito sa akin kaya nilingon ko siya at binigyan ng nakakatakot na tingin. "Wow im scared, tsk!" Bulong nito pero narinig ko parin.
"Anong sadya mo boss" Naiirita kung tanong dito at saka nag cross arm pa.
"Mag ayos ka may pupuntahan tayo Miss Assistant Secretary" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Pano yung mga papeles na binabasa ko boss" Tukoy ko sa una niyang pinagawa sa akin.
"Mamaya na yan basta sundin mo nalang ako dahil ako ang boss mo, kung ano ang sinabi ko yun ang sundin mo. Maliwanag? Miss Assistant Secretary" Napamaang nalang ako at saka padabog na sinarado ang pintuan.
Inayos ko muna ang mga papeles sa ibabaw ng mesa at saka pagkatapos non ay lumapit ako sa isang aparador at binuksan ito, iba't ibang klaseng damit na pang office ang nandidito kaya medyo natagalan ako sa pagpili ng susuotin, hanggang sa napagdesisyunan kung mag black outfit nalang.
Pumasok ako sa CR upang doon mag bihis at mag ayos sa sarili pagkatapos non ay tinignan ko ang sarili sa harap ng malaking salamin na nandidito. Parang may kulang okay naman ang lahat sa pananamit ko—ay tama ang buhok ko hindi maayos. Kinuha ko ang suklay sa gilid at sinuklayan ang buhok kung hanggang leeg, yeah short hair ako at may bangs din ako pero manipis ito kaya hindi moko matatawag na Dora.
Pagkatapos kung ayosin ang sarili ko ay lumabas na ako sa CR pero napabaling ang tingin ko sa mga paa ko, ang panget naman kung mag tsinelas ako diba kaya binuksan ko ang isa pang malaking aparador na nandidito at bumungad naman sa akin ang iba't ibang klase ng sapatos. May high heels na iba't iba ang style at taas nito, may Sneaker din na iba't iba din ang kulay pero may kumuha ng pansin ko bakit may 'Baril' dito?