CHAPTER 004

0 1 0
                                    

ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS

CHAPTER 04

彡RENNA MONTEVERDE — POV彡

Nakatingin ako sa labas ng bintana nitong kotse, manghang mangha sa mga nadadaanan namin ngayon na matatayog na building, pero mas namangha ako ng daanan namin ang pinakamataas sa kanila, grabi ang laki nito tapos ang ganda pa ng design. Gano kaya kayaman ang may-ari nito diyos ko siguro billion ang pera non o di kaya'y mas malaki pa sa salitang billion.

Biglang lumiko ang takbo nang sasakyan namin at saka pumarada ito sa mismong parking lot nitong subrang laking building. Bumaba ang amo ko kaya bumaba naman agad ako't sinundan siya, pumasok kami sa elevator nitong building at may pinindot pindot siya dito pagkatapos non ay umandar na pataas ang elevator.

"Anong gagawin natin dito Boss?" Tanong ko sa amo ko.

"May kukunin lang ako sa office" Rinig kung sagot nito.

"Dito ka nagtra-trabaho boss?" Kita kung ngumisi ito ng palihim pero agad din itong bumalik sa pagiging pormal.

"Siguro" Saad niya kaya tumango tango naman agad ako.

"Sir hehe subrang yaman siguro ng boss mo no? Ikaw nga eh ang yaman pano pa kaya ang boss" Natatawang kung sabi dito.

"Hmm mayaman" Gumuhit uli ang ngiti sa labi niya.

'Pansin ko lang mas guma-gwapo siya pag ngumiti'

"Gano ka yaman boss?" Tanong ko uli.

Kumibit balikat siya at saka tumikhim, hindi na din siya sumagot sa tanong ko kaya tumahimik nalang ako sa tabi niya.

Ramdam ko ang paghinto nitong sinasakyan naming elevator at unti-unting pagbukas nito, agad na lumabas ang amo ko at sumunod naman ako. Lahat ng nadadaanan niya ang yumuyuko sa kanya, kaano ano kaya ni boss ang may-ari nitong magarang building na to, sana makilala ko.

Pumasok kami sa isang pintuan na kulay pula ang pintura, parang katulad lang ng kwarto niya ang silid na ito at medyo pareho din ang design, may mga bookshelves din ito sa sulok at puno ito ng mga libro. Naglakad ang amo ko palapit sa malaking mesa doon at saka umupo sa upuan na nandodoon. May hinalungkat siya sa mga hunos sa ilalim ng lamesa—parang may hinahanap siya.

Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at umupo sa isa sa mga upuan na nasa harap mismo ng mesa kung saan siya ay may hinahalungkat, napansin ko ang name plate na nakapatong sa ibabaw nito kaya hinawakan ko ito at binasa ang nakasulat na pangalan dito.

"Dylan Lancaster" Basa ko sa nakasulat doon.

Medyo familiar sa akin ang pangalang iyon ah parang narinig kona nga eh, nakatunganga ako sa kisame habang nakahawak ang isang kamay sa baba ko. Saan ko nga narinig yang Dylan na yan? Parang narinig ko talaga yan eh bago lang.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok dito, agad ding nag-angat ng tingin ang amo ko at saka inayos ang neck tie niya.

"Pasok" Sigaw niya doon sa kumatok agad namang bumukas ang pintuan nitong office at iniluwal nito ang isang lalaki.

"Tsk Red bakit ka nandidito?" Pansin ko ang inis sa boses ng amo ko.

"Ehem Boss siya naba yung new sexytary mo—este secretary?" Tanong nito kay Boss.

"Tsk! Sabihin mo na ang sadya mo!" Tumaas bigla ang boses niya.

"Ops nainis ata" Binigyan siya ng masamang tingin ng amo ko.

"Get out, mukhang wala ka namang gustong sabihin" Natawa naman yung lalaki at saka medyo mas lumapit pa ito.

"Sige sasabihin kona, may party na magaganap bukas ng gabi sa mansion ng mga Mendez at may transaction na magaganap" Pagpapaalam nito at saka umupo sa upuan nabakante sa harapan ko. "Hello Miss" Kumaway ito sa akin sabay wink ng isang mata.

Ang Probinsyanang Sekretarya ng Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon