CHAPTER 008

2 0 0
                                    

ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS

CHAPTER 08

彡RENNA MONTEVERDE — POV彡

Oras na ang dumaan at tapos ko na din gawin ang mga documents na pinaasikaso niya, pero heto parin ako dito sa loob ng office ko nakatunganga habang nangangalumbabasa ibabaw ng mesa, nilaro ko sa isa kung kamay ang ballpen ko habang iniisip ang kahihiyang nagawa ko kanina. Kasalanan yun ng mga mata niya eh! Bakit kasi ang gaganda? Yung feeling na parang hinihigop ka papalapit dito tapos didikit ka—para itong magnet

Napahilamos nalang ako sa sariling pagmumukha at inis na tinignan ang mga documents sa ibabaw ng mesa ko, dapat ibinalik ko na to sa kanya pero hindi ko kaya—Nahihiya ako dahil doon sa nagawa ko, pano na to? Naiisip ko pag lang na kumakatok doon sa pintuan ng office niya kinakabahan na ako, pano na kung kakatok na talaga.

'Hysss tanga mo kasi Renna grrr nagpadala ka doon sa mata eh'

*Kringggggg*

Agad akong napatingin sa telepono dito sa office ko ng tumunog ito, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo sa pagkakaupo at lumapit doon sa telepono, kinuha ko ito at saka dinikit sa tenga para sagutin kung sino man yung tumatawa.

"Lancaster Company, sino po ito?" Tanong ko sa tao doon sa kabilang linya nitong telepono.

"Helo si Leon Fortaleza ito sabihin mo kay Mr. Lancaster nasa restaurant kami mag me-meeting" Sagot nito sa akin.

"Sige po, saang restaurant po ang sasabihin ko?" Tanong ko dito.

"Sabihin mo lang na sa sarili kung Restaurant okay" Saad nito kaya tumango naman ako

"Sige po" Sabi ko, binaba naman nung tao sa kabilang linya ang tawag kaya linapag ko na sa kinalalagyan niya ang telepono na hawak ko.

Kinuha ko naman agad ang mga documents sa ibabaw ng mesa ko at saka lumabas ng office ko, napakamot naman ako sa ulo ko ng bumalik sa alaala ko ang ginawa ko kanina, takte ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ramdam kuna ang pag bilis ng tibok ng puso kahit na sa harap lang ako ng pintuan ng opisina niya at hindi pa kumakatok.

Itinaas ko ang isa kung kamay at akmang kakatok na pero takot akong humarap sa kanya, kaya naglakad muna ako sa harap ng pintuan niya ng pabalik-balik, pansin ko naman ang mga empleyado dito na nakatingin sa akin—parang naguguluhan sila kung bakit ganito ang inaasta ko.

'Renna isipin mo nalang na aksidente yun at isa pa hindi mo yun sinasadya at kasalan yun ng mga mata niya, kaya pumasok kana lang sa loob ng office niya at baka na late pa kayo sa meeting na pupuntahan niyo ngayon' Pagkumbinse ko sa sarili at saka huminto na sa pabalik-balik na paglalakad.

Huminga ako ng malalim at saka kakatok na sana ng bigla siyang sumigaw sa loob ng office niya.

"Sino ba yang palakad lakad sa labas ng office ko? Pumasok kana lang kung may kailangan ka!" Rinig kung sigaw niya kaya wala akong nagawa at pihitin ang doorknob ng pintuan at pumasok ng tuluyan habang nakayuko.

"S-sir i-ito n-apo yung m-mga d-documents na p-pinagawa n-niyo t-tapos na po" Gusto kung sampalin ang sarili ko dahil sa utal utal kung pananalita.

'Bakit kasi ang bilis ng pintig ng puso ko—nakakainis na ah'

"Hmm ilagay mo lang diyan" Alam kung may tinuturo siyang lugar kung saan ko ilalagay tong mga to pero ayaw kung tignan.

"Opo sir saan po ba" Tanong ko habang hindi tumitingin.

"Doon" Saad niya pero ayaw ko paring tumingin.

"P-po?" Tanong ko uli at rinig ko naman ang buntong hininga niya.

Ang Probinsyanang Sekretarya ng Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon