ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 09
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡q
Pagkatapos ng meeting namin kay Mr.Fortaleza ay umuwi na agad kami sa bahay ng boss ko, tulad ng sinabi niya kanina, pagkarating namin sa bahay nila ay pinasunod niya ako sa office niya. Kaya heto ako ngayon naglalakad sa malawak na hallway habang nakasunod sa amo ko, tahimik ang paligid at tanging yabag lang ng sapatos namin ang maririnig mo.
Wala din nagsasalita sa aming dalawa o wala lang talagang maisip na gawing topic, pansin ko din na bumalik na siya sa pagiging seryoso hindi tulad kanina na parang nasa good mode. Topakin ata tong lalaking to! O may problema sa pag-iisip—masyadong Moody, hyss wag ko na nga lang isipin.
Ng marating na namin ang office niya ay pumasok agad siya at sumunod naman ako, dumeretso siya sa lamesang naroroon at may linagay sa hunos—yung maliit na pulang box na ibinigay kanina ni Red sa kanya.
'Ano kaya talaga laman non'
Pagkatapos niyang ilagay ang box na iyon doon sa hunos ay kinuha niya naman ang tatlong paperbag na nakapa ibabaw sa lamesa niya, bumaling siya ng tingin sa akin at saka naglakad papalapit tumayo siya sa harapan ko at saka inabot sa akin ang tatlong paperbag na hawak niya.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin, kaya bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Mga dress yan na pwede mong suotin doon sa party mamaya"
"Po? Eh hindi ba ako mag-uuniform ng pang secretary?" Tanong ko dito na agad naman niyang ikinailing.
"Hindi, syempre party yun! Mag mumukha kang tanga doon kung mag uuniform ka" Napaismid nalang ako dahil sa sinabi niya.
'May punto naman siya'
"Sige po, pero lahat po ba ito ay akin?" Tanong ko uli.
"Hmn sayo" Saad niya kaya napatango nalang ako at saka tinaggap ang paperbag na kanina niya pa inaabot sa akin "6:30 dapat okay kana, may mga tao din na pupunta sa room mo para pag-ayosan ka ng mabuti" Tumango uli ako.
"Sige po Sir" Ngumiti siya at saka tumalikod na.
Ako naman ay lumabas na sa office niya at mag-isang tinahak ang daan papuntang kwarto ko, habang naglalakad ako nakasalubong ko si butler James kaya binati ko ito at ganoon din ang ginawa niya. Narating ko ang sarili kung kwarto na hindi naliligaw sa unang pagkakataon, pumasok agad ako dito at saka lumapit sa sariling kama at doon humilata.
Pinikit ko ang dalawa kung mga mata para matulog muna total 3:45 pa naman kaya may dalawa't kalahating oras pa akong bakante at yung kalahating oras na iyon ay itutulog ko muna para mabawasan ang pagod na
dama ko sa ngayon..
.
.
.*Tok! Tok! Tok! Tok!*
Agad kung na imulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng ingay sa labas dulot ng mga katok sa pintuan nitong kwarto ko, agad akong na pabalikwas sa pagkakahiga at nanlaki ang mga matang nakatingin sa wall clock, lagot mahigit isang oras akong tulog! Bumangon ako sa kama at saka tumayo, patuloy parin ang mga katok sa labas ng kwarto ko kaya naglakad ako papunta dito.
Sinilip ko kung sino ang mga ito sa maliit na butas ng pinto, dalawang babae ang nakita kung nasa labas ng kwarto ko may mga bitbit silang box na kulay pink. Agad ko silang pinagbuksan at saka binigyan ng nagtatanong na tingin, pareho silang ngumiti ng makita ako.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa dalawa at pareho naman silang nagkatinginan sa isa't isa.
Lumingon sa akin ang isang babae na may mahabang buhok at saka ngumiti uli. "Kami po yung pinapunta ni Mr. Lancaster para ayusan po kayo" Napatango naman agad ako dahil sa sinabi niya at saka ngumiti.