ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 010
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡
Pilit kung inaalis sa isipan ang mga sinabi sa akin nung amo ko, pero kahit anong gawin ko ay ayaw nitong mabura! Sana panaginip lang to. Wala siya dito ngayon dahil nag-paalam siyang may pupuntahan muna sandali at babalik lang daw siya agad, kaya mag-isa lang ako ngayong nakaupo dito sa harapan ng bilog na mesa na may gold na telang naka balot.
Medya nasa parteng may sulok ang mesa'ng kinaroroonan ko kaya hindi ito masyadong pansinin ng mga tao, ginawa kung panukod ang dalawang siko ko sa ibabaw ng lamesa at doon nangalumbaba at pasimpleng pinanood ang mga taong nandidito. Halata sa kanilang lahat ang yaman na meron sila, masyadong elegante din sila kung tignan at kung kumilos yung mga kababaihan ay subrang hinhin—babaeng babae.
Nabaling ang paningin ko sa isang medyo may katandaang lalaking kakapasok palang, may bitbit itong case na kulay itim 'Yung hitsura ng case ay yung parang nilalagyan ng pera sa mga napapanood ko' at may mga taong nakasunod sa kanya mga bodyguard ata niya ang mga ito. Diretso lang ang lakad nito papunta sa isang pintuan na pinasukan din ng amo ko kanina, medyo nakaramdam ako ng kuryusidad kaya hindi ko inalis sa kanila ang paningin ko, kahit nakapasok na sila doon sa pintuan ay nakatingin parin ako habang hinihintay kung may lalabas pa ba.
Mga ilang minuto na din ang lumipas at doon lang ang paningin ko, hanggang sa may dumaang waiter sa harapan ko habang may dalang tray na may limang baso ng Red wine, kumuha ako ng isa sa mga basong iyon at tinikman ang lasa ng inuming iyon. Matamis ang lasa nito pero may pakla kang nararamdaman pag ni lagok mo na siya, may hilab din ng init na dadaloy sa lalamunan mo—masarap siya kaya nung dumaan uli ang waiter na iyon ay kumuha uli ako ng isa! Hindi naman siguro ito nakakalasing diba? Matamis naman siya.
Mga anim na baso na ng wine na iyon ang nainum ko ng makaramdam ako ng kunting pagkahilo, kaya pumikit nalang ako para mawala itong hilong nararamdaman ko at hindi na muna nanghingi doon sa waiter. Habang nakayuko ako dito sa mesang kinaroroonan ko at hinihintay na humupa ang damang hilo ay nakarinig ako ng isang putok—B-baril.
Hindi ko nalang ito pinansin sa kadahilanang baka guni-guni ko lang iyon dala ng hilong nararamdaman ko sa ngayon, hinawakan ko ang sintido ko at pasimple itong hinilot nagbabakasakaling mabawasan ang pagkahilo, matagal tagal din ako sa ganu'ng posisyon ng may biglang humawak sa pulsuhan ko at saka bigla akong kinakaladkad papalayo sa mesang kinaroroonan ko kanina, linabanan ko ang hilong nararamdaman ko para lang sulyapan kung sino itong kumakaladkad sa akin.
"Dylan" Usal ko ng mapagtanto siya ito may hawak siyang baril sa ngayon habang mabilis na naglalakad habang kaladkad ako.
'Anong nangyayari? Hindi ko lang ba guni-guni yung putok ng baril na narinig ko?'
彡DYLAN LANCASTER— POV彡
"Nandiyan na siya" Bulong sa akin ni Red kaya agad naman ako tumingin sa
pintuan nitong malaking silid na kinaroroonan namin.Isa isa silang pumasok kasama ang amo nila na may dala ng pera, lumapit ito sa akin at naki pag kamayan muna bago inabot ang case na kinalalagyan ng pera.
"Mr. Lancaster ito na ang pera na utang ko sayo" Saad nito.
"Sige nandodoon sila sa likod" Agad naman itong tumango at saka naglakad muli papunta sa kwartong tinuro ko.
Pumasok ito sa isa pang pintuan na nandoon kaya agad kung sinenyasan si Kaira na gawin ang plano, agad naman itong tumango at umalis na sa aking likuran. Bumaling naman ako kay Red na ngayo'y may kinakalikot sa cellphone niya —'Ano nanaman ang ginagawa ng lalaking to? Hindi niya ba iniisip na nakikipag transaksyon pa kami dito'