ANG PROBINSYANANG SEKRETARYA NG MAFIA BOSS
CHAPTER 06
彡RENNA MONTEVERDE — POV彡
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa gilid ng kama ko, agaran kung iminulat ang aking mga mata at saka kinusot kusot ito bago bumangon galing sa pagkakahiga, napatingin ako sa wall clock na nakadikit sa ibabaw ng pintuan alas 5:30 na. Lagot ako! Agad akong tumayo sa pagkakaupo at patakbong pumasok sa banyo upang maligo.
Binuksan ko ang shower doon at saka sinimulan ng maligo, pagkatapos kung maligo ay kinuha ko ang white bathrobe na naka hanger sa gilid at saka isinuot, sinunod ko namang inabot ang towel at binalot ito sa basa kung buhok. Lumabas ako sa shower at pumunta sa lababo upang mag toothbrush ng ngipin at pagkatapos ay lumabas na ako sa banyo.
Lumapit ako sa malaking aparador ng damit doon at saka namili ng susuotin ng makapili na ako at nagbihis na ako, binuksan ko naman ang isa pang aparador ng mga sapatos at kumuha ng isang paris ng brown high heels doon. Pagkatapos ay tinanggal ko ang towel na nakabalot sa ulo ko at saka lumapit sa tokador na nandidito, may upuan sa harap nito at doon ako umupo humarap ako sa salamin at saka tinignan ang sarili.
Kailangan ko pang patuyuin ang buhok ko bago suklayan para hindi maglagas ng hibla nito, napatingin ako sa box nasa gilid ng mesa nitong tokador at hinawakan ko ito, dahil sa makaramdam ako ng kuryusidad ay binuksan ko ito at bumungad sa akin ang iba't ibang uri ng pampaganda. Hinawakan ko ang pink lipstick na nakita ko at saka binuksan ito.
Humarap ako sa salamin at nilagyan ang labi ko nito, hindi ko masyadong kinapalan ang pag kakakulay nito sa labi ko dahil ayaw ko sa makapal na lipstick pakiramdam ko kasi namamaga ang labi ko. Pagkatapos kung lagyan ng lipstick ang labi ko ay isinauli ko ito sa kinalalagyan, kinuha ko naman ang isang eyebrow at linagyan nito ang kilay ko, pagkatapos ay kumuha ako ng kaunting foundation at nilagyan ang mukha ko.
Humarap uli ako sa salamin upang tignan ang resulta ng pagmake-up ko sa sarili, medyo naging okay naman ang mukha ko dahil sa make-up na inilagay kaya napangiti ako ng kunti. Napansin ko naman na medyo okay na ang buhok ko para suklayin kaya agad ko itong sinuklayan at pagkatapos at tumayo na ako sa harap ng tokador.
Nag marsha ako papalapit sa study table at kinuha ang notebook na binigay sa akin ng amo ko kagabi, kinuha kona din ang shoulder bag ko at saka inilagay ang notebook na iyon sa loob ng bag tinignan ko naman ang cellphone ko na nakacharge sa tabi kung fully charge naba ito at ng makita kung okay na ay hinulbot kona ito at saka pinasok na din sa bag.
Agad akong napalingon sa pintuan ng may kumatok dito, naglakad naman agad ako papunta dito at saka agaran ito binuksan. Bumungad sa akin si Butler James ngumiti ako dito at saka bumati ng 'Good morning' at ganoon din ang ginawa niya.
"Naghihintay po si Young Master sa inyo doon sa sala" Tumango naman ako.
"Sige po, tapos na din naman ako" Saad ko at tinalikuran siya para kunin ang shoulder bag ko at ng makuha ko na ito ay lumabas na ako sa kwarto.
Wala na doon si Butler James kaya naglakad nalang ako mag-isa palabas sa hallway, ng makalabas na ako doon ay pumunta agad ako sa sala at nakita ko si Gino at Boss na nandodoon habang natatawanan.
"Ehem" Agaw pansin ko na kinahinto ng pagtatawanan nila at sabay na lumingon sa kinaroroonan ko.
"Wow! She's look gorgeous" Mahinang bulong ni Gino pero rinig ko parin ito.
Habang ang amo ko naman ay makatitig lang sa akin, kaya kumaway ako sa kanya.
"Sir may mali ba? May dumi yung mukha ko?" Tanong ko dito pero hindi siya sumagot at nanatili paring nakatitig sa akin.