Napabusangot nalang ako habang naglalakad dito sa field ng school namin. Pano ba naman kase nagugutom nako pero hindi pa pwede kase wala pa naman sina Kristine at Alice. May patakaran kase kami na Don't eat when we are not complete. Bata palang kami nakasanayan na talaga namin na sa tuwing magkikita kami saba'y-sabay na kaming kumakain at nadala namin to sa college tsaka ito lang din ang free time naming tatlo, minsan nalang din kami makapag-bonding. Nakuha ang atensiyon ko ng biglang may tumawag sa akin.
"CALLIIIIIII" sabay na sigaw ng dalawang kaibigan ko kaya kunot noo ko silang tignan na nasa gym kumakaway sa akin.Agad akong naglakad papunta sakanila sabay batok sakanilang dalawa. Agad naman silang nagreklamo dahil dun.psh, desurb!
"Ano ba Calli!" Agad ko silang tinignan ng masama kaya napatikom nila ang kanilang bibig.
"Bagay lang yan sa inyo no. Gutom na ako. Pinaghintay niyo ang dyosang kagaya ko" I said and flipped my hair confidently. They rolled at me pero hindi naman umangal. Ay wow, for the first time hindi sila umangal. Ano na naman kaya nakain ng mga to at hindi masyadong maingay ngayon.
Tinignan ko si Alice at nahuli ko ito nakatulala pero nakangiti. Parang buang.
Sunod ko namang binalingan si Kristine na nakangiti habang umiiling. Jusko, anong espiritu ang sumapi sa dalawang to at parang mga timang kung makangiti.
"Para kayong timang" komento ko sakanila at kumain ng pagkain. Agad nawala ang kanilang mga ngiti na parang bula dahil sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin kaya napahalakhak ako. Pero agad ding napabusangot ng bigla nalang nila akong pitikin. "A-aray. Ano ba para kayong mga others kung makapitik sa'kin" sabi ko at inirapan sila. Ngumisi lamang sila at kumain na pero ayon na naman ang ngiti na ang creepy. Goodness, anyare sa mga to?
†
"Sandali, malapit nako."
"Ano ba naman yan Calli, malapit na magsimula yung party." Saad ng kaibigan ko na nasa kabilang linya.
Sabado ngayon at ito ang araw na May party sa bahay nila. Sabi ni Kristine para daw yun sa welcome party ng kuya niya na di ko pa nakikita. Yes, kahit kaibigan kami matagal hindi ko pa nakikita ang kuya niya. Mukha syang mailap simula ng pagkabata niya.
Actually malapit lang bahay nina Kristine sa amin, Like I'm from Babak and then she's from peñaplata hindi kalayuan mga 25-30 minutes lang byahe using your own car.
Nakarating ako sa venue, nandito lang naman kami sa mansion nila kaya hindi masyadong hassle byahe ko. Ang daming tao para namang artista yung umuwi kapatid lang naman ng kaibigan ko yun, duh.
"Langga,mabuti at nakarating ka. Kanina ko pa iniintay itong maganda kong inaanak eh" napunta ang aking atensyon sa biglang tumawag sa akin. Mama ni Kristine lang pala. Kala ko kase makakasalubong nanaman ako ng mga ninang ko daw or ninong pero nung pasko naman at birthday ko hindi ako pinuntahan, ano iyon instant amnesia. Haha.
"Tita, ofcourse naman po hindi mawawala ang pinakamagandang si ako" sabi ko at sinabayan pa ng tawa kaya natawa na lamang din siya. Ang elegante tignan ni tita kahit tumawa para ngang hindi pa 40's sa lagay eh yung mukha pang 20's eh. Nagmumukha kang alalay pa nagsama kayo,echos lang pero totoo anganda ni tita tapos yung hugis ng katawan jusko teh pang dalaga.
"Ikaw talaga hija. Sige pasok kana,kanina ka pa hinihintay nina Kristine" nakangiting ani nito kaya ningitian ko na lamang siya at sinundan.
"Hello mga kaibigan kong panget kase ako yung maganda" bungad ko agad sa mga kaibigan pagkaupo ko sakanilang upuan. Agad gumusot ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko.
"Heprokita ka Calli mas maganda kaya ako sayo" sabi ni Alice habang pabirong hinatak ang buhok ko. Kaya kunwari akong naiirita na pinalo kamay niya.
"Ew, wag mo'ko hawakan lisa ka talaga" sabi ko at umarteng nandidiri. Agad ako nitong binatukan kaya tumawa lamang ako. Well normal naman sa'min to.
"Ayko landas mga bestie ko, ako kaya pinakamaganda duh" biglang sabi ni Kristine na kanina pa pala nandito. (Ayko labda is like a bisaya expression means parang wag nilang pasakitin daw ulo nila.)
"Hala,nandyan ka pala Kristine. Sorry my bad hindi kita nakita ang liit mo kase parang duwende" she looked at me in disbelief and held her chess as if she was hurt while Alice is laughing hard.
"Wao Callixta nahiya naman ako sa 5'6 mo habang ako 5'9" agad akong napanguso dahil sa sinabi niya at sila na naman ngayon ang pinagtatawanan ako. Ewan ko ba diyan ang tangkad lahat ata ng lahi nila mga matatangkad. Aangal na sana ako pero napunta ang lahat ng atensyon namin ng biglang may tumikhim.
Agad napaawang ang labi ko at nilibot ang tingin dito sa lamesa namin. Jusko naman Calli ba't kase ang tanga-tanga mo. Sabi ko sa sarili ko pagkatapos sapuin ang ulo ko. Gusto ko nalang lumubog dito sa kinatatayuan ko dahil na sa amin na pala halos lahat ng atensyon ng mga tao. Kung hindi lang ako naglagay ng blush on kunti baka malaman pa nila na namumula na'ko ngayon. Ay taray iyarn callixta sanaol blush on no.
Tapos yung tumikhim, jusko mga teh parang destiny na ata to. Siya yung nagbigay sa'kin ng jacket tapos crush ko. Tinignan ko siya na kanina pa pala ako tinitignan ng malamig kaya napaiwas na lamang ako ng tingin. Amp,lamig naman eh hindi naman siya ice.
Nawala lang ang atensiyon sa amin ng nagsimula ng magsalita ang mc dito.
Pasimple akong kumuha ng wine ng dumaan ang waiter at dahan-dahan itong sinimsim. Nilibot ko ang aking paningin ng bigla na lamang akong nabilaukan kaya napaubo ako. Hala puta, grabeng gabi 'to ang ma malas. Ba't naman kase tumitingin tong crush kong to.
"Hala Callie,dugyot mo naman" agad kong sinamaan ng tingin yung kaibigan kong epal. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi friendship over na talaga.
"Ah talaga ba Ali? Pakyu." Mahinang sabi ko sakto lang para marinig niya. Agad kong narinig ang kanyang hagikhik na siya pang mas napapa-irita sa akin.
Agad kong kinuha ang maliit kong bag bago nag-excuse para pumunta sa restroom.
"Excuse me, powder lang" nakangiti kong sabi at nagsimula ng maglakad ng tumango sila sa akin para mag-ayos ng sarili.
Habang naglalakad ako ramdam ko ang init ng kanyang tingin sa akin at kahit hindi ko siya lingunin alam ko na kung sino ito. Malamang kanina pa yan nakatingin eh.
Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko hanggang makarating sa restroom.Nang makapasok ako sa banyo agad kong sinapo ang puso ko na kanina pa tumitibok ng malakas. Shit na malagkit
" Grabeng kahihiyan yun Callixta panghabang-buhay mo yung aalalahanin." Pagkausap ko sa sarili habang tumitingin sa salamin. Mga ilang minuto pa bago ako natapos bago ko sinuri ang sarili at pinuri.
Ganda mo talaga Callixta.
I send a flying kiss to myself through mirror before I exit the restroom. Muntik na akong napasigaw ng malakas kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Sa harap ko nakasandal ang isang matipunong lalaki habang nakayuko.
"Uh- hi, what are you doing here. Do you perhaps waiting someone?" Maingat kong tanong ngunit para itong bingi dahil hindi manlang umangat ang ulo nito para tignan ako. "Oh anyway do you still remember me. Ako pala yung pinahiram mo ng jacket nung nakaraan. Sorry hindi ko nadala,hindi ko kase ini-expect na magkikita pa pala tayo" sabi ko at tumawa ng awkward dahil ganun parin ang kanyang pwesto. "Ah- aalis na ako. Ipapadala ko nalang kay Kristine. Bye" sabi ko at aalis na sana ng bigla na lamang itong magsalita. Wow himala.
"No,just give it to me tomorrow at our house. Anyway,here is your handkerchief you left this awhile ago. Take care" sabi nito at nilagay ang panyo ko sa kamay kong pwersahan niyang inilahad bago umalis at iniwan akong nakatanga rito pilit pinoproseso ang sinabi niya. Ng marealize bigla na lamang akong ipit na napatili.
Shit, magkikita ko ulit siya bukas. Mommy bye dun muna ako titira sa bahay nila.
†
Hi- yespo opo. Nag-update po ako dito kase want ko ba't ba? Charot bwahshah. Anyway take care everyone,wish me to never be lazy next days hehe.
BINABASA MO ANG
Taming Him
Roman d'amourSynopsis Callixta Azuarez is a girl of every man's dream. She's gorgeous,hot, kind, humble, and fun to be with. She also belong to a wealthy family but it doesn't mean she is a spoiled brat in disguise. If she wants a thing she will work hard for it...