'how lucky'
'sanaol'
'tips naman diyan callixta. Pano maging ikaw'
My classmates teased me and laugh that made me smile a bit and shook my head.
"Wag na guys, ano ba kayo. Ako lang to, ang maganda niyong kaklase" biro ko kaya naghiyawan sila. Agad akong tumayo at napansing wala si Lily. Hay, akala ko kase makakasalubong ko na naman yung nakakamatay niyang tingin. Buti nalang umalis na yun. Kinuha ko na yung mga gamit ko bago tumayo galing sa pagkaka-upo. Agad akong dumiretso sa locker ko at kinuha ang estra t-shirt dun, isasarado ko na sana ng may narinig akong pamilyar na tinig.
"Pre, may crush ka sakanya no" dinig kong pang-aasar ng isang di ko kilalang boses.
"Stop that" malamig na tugon ni Dominic. Yes guys tama kayo ng nabasa, si Dominic po iyon.
"Yiee, aminin mo na kase na crush mo siya. Binigyan mo pa nga ng tubig eh, diba." Ayaw kong mag-assume pero parang ako yung tinutukoy ng kausap niya. Ako lang naman kase yung binigyan niya ng tubig. Diba.
"Shut up. She's not my type. And i will never like her" parang biglang pumait yung pakiramdam ko sa aking narinig.
"I see. Hindi ka parin maka-move on no. Hinihintay mo parin kahit hindi ka na niya maalala" biglang seryoso ng kausap nito kaya bago ko marinig ang sagot nito dali-dali kong sinirado ang locker ko bago patakbong umalis na. It's fine Callixta. Crush mo lang yun, ano kaba.
But still bakit parang namanhid bigla yung puso ko. Paasa siya akala ko pa naman type niya ako eh, siguro si Lily yung gusto niya no. Siya yung babaeng type niya, maganda naman din si Lily tapos pareho pa sila ng course at age. Baka napilitan lang siya kanina nung bigyan niya ako ng tubig at pinunasan ang mukha ko. Baka wala lang yun sakanya, assumera ko talaga kahit kailan. Hindi ko napansin na May dumaloy na palang likido galing sa mata ko kaya dali-dali ko itong pinunasan tsaka inayos ang sarili. Argh whatever. Crush ko lang naman siya, hindi pa naman lumalalim yung nararamdaman ko.
Hindi pa nga ba o dinedeny mo lang sa sarili mo?
Napailing na lamang ako sa sarili kong pag-iisip bago umusad para kumain na ng lunch. Paniguradong hinihintay nako ng mga kaibigan ko dun sa canteen kaya lakad-takbo ang ginawa ko. Kung hindi ba naman malaki tong school na to edi sana kanina pa ako nakarating. Lihim akong nagpasalamat nang makarating ako sa tapat ng canteen at dinala sa isip ko yung kanina para hindi malaman nina Kristine. Mahirap na baka malaman yun ng kapatid niya na nakikinig ako sakanila, magkapatid pa ba naman sila.
"Bebe girl, tagal mo naman. Ano ba ang ginagawa mo? Sabi mo sa restroom kalang, ano isang drum ba yung ihi mo at ang tagal mo." Salubong sa akin ni Alicia kaya inirapan ko ito habang tumayo naman si Kristine para siya na ang kumuha ng order namin. Nakipagbeso pa yun sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad kaya hinalikan ko din ito sa pisngi bilang pagbati. Umupo ako ng maayos sa upuan bago ulit inirapan si Alicia ni hindi parin tumitigil sa pagsesermon sa akin. Ngumuso ako sa harapan niya kaya bumuntonghininga ito at napasapo sa noo sabay bulong na hindi ko naman naiintindihan.
"Nagdadasal ka ba Al? Wala pa namang pagkain sa harapan natin ah, advance mo naman mag-isip beb" inosente kong sabi habang tinitignan siya kaya napamura ito. Kumunot naman ang noo ko dahil don. Ang gulo naman nito.
"Callixta, mahal kita pero nakakaulol talaga yang kainosentehan mo minsan."
"Ah okie" sabi ko nalang kahit hindi ko naman siya naiintindihan. Hindi naman ako inosente eh, siya nga itong magulo sa aming dalawa. Hay hirap naman magkaroon ng kaibigan na may tupak.
Maya-maya pa ay agad namang nakabalik si Kristine kaya nag-pray muna kami bago nag-umpisang kumain. Yummy, nakakagutom naman yung laro. Salad lang tong nasa harapan ko at tubig pero agad akong nabusog. Hindi ako kumain ng unhealthy kase matagal na'din simula ng kumain ako ng vegetables salad. Nakakamiss din pala kahit noon ay sobrang ayawan ko ito at palagi akong nagtatago sa yaya ko para lamang hindi makain yung salad pero tignan mo nga naman ngayon naging isa na siya sa paborito ko. Umiinom ako ng tubig ng bigla na lamang dumapo ang paningin ko sa table na di kalayuan sa amin. Kita ko si Dominic na katabi si Lily na pasimpleng humahaplos sa braso ni Dominic. Hmp, landi. Bigla naman ako nasa mid ng makitang nakatingin pala sa akin si Dominic.
"Ew callixta. Dugyot mo, yucky" maarte ng sabi ni Kristine at Alicia sa akin kaya napabusangot nalang ako. Kahit umuubo-ubo pa. Tangina ba't naman kase nakatingin eh. Hindi ko nalang yun pinansin at bumalik nalang sa pagkain kesa sa umasa muli ako, hirap nun lods.
Isang Linggo ko nang iniiwasan si Dominic.
Wow naman Callixta feeling hinahanap yarn.
Panira talaga tong utak ko, epal hmp. Trip ko lang din kase tsaka parte to ng pagmmove on ko.
Wews parang naging kayo ah.
Bigla ulit na bara sa akin ng utak ko ket wala naman. Haha, lol, lmao, clown,corny, funny ka lodi. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa mga naisip ko. Ket kelan talaga ang bobo ko, hay ang hirap naman nito. Wala na ngang utak, wala pang pag-asa kay crush. Ouch, agoi, sakit, kirot, hapdi.
Pero totoo isang linggo ko na itong hindi binibigyan ng pansin kahit nasa harapan ko siya. Strong ko diba hindi ako nagpadala sa tukso. Congrats niyo 'ko, napakalaking achievement nito sa isang marupok na tulad ko.
"Luh arte mas dugyot pa yung mukha mo kesa sa akin eh. Sagot ko sa dalawa kong kaibigan at inayos ang sarili ko. Alam niyo para makatakas sa kahihiyan galing sa crush niyo dapat instant amnesia hehe. Act cool kumbaga, isipin niyo nalang walang nangyari oh diba.
"Callixta, kahurt ka naman beb" inarte nito at nagpeke pa ng iyak kaya hindi ko mapigilang mapa-irap.
"Tigilan moko Kristine, baka matusok ko ito sayo" sabi ko at ipinakita at tinidor ko. Umakto naman itong natatakot bago tumawa ng mahina maging si Alice ay napatawa na'din. Kaya napabaling ang tingin ko sakanya, biglang nanliit ang mata ko ng makitang sa phone pala nito siya nakatingin.
"Hay Alice, sino iyan ha? Ikaw, nagtatago Kana sa amin." Tukso ko at humawak pa sa braso ni Kristine para sabayan niya ako sa trip ko. Hinimas-himas naman niya ang likod ko at umaaktong dinadamayan ako.
"Hindi na ikaw ang Alice na kilala namin. Hindi kana namin lisa" sabay nito sa akin at niyakap pa ako.
"Diyos niyo, nganong na-amigo ko man ni sila uy." Salita nito sa wikang bisaya na naiintidihan ko naman. Sabi niya bakit daw naging magkaibigan kami. Si Kristine lang naman ang hindi marunong magbigay dito pero May iba kase itong lenguwahe na inaaral.
"Kase magaganda kami kaya ka namin naging kaibigan" ngising aso ko kaya inirapan ako nito habang nakabusangot naman ang mukha ni Kristine.
"Sige, naiintindihan ko yung sinasabi mo Alice. Sobra" she said sarcastically and sit back on her seat that made us chuckle. Nilibot ko ang paningin ko at biglang tinamaan ng hiya ng makitang nakatingin halos lahat ng tao dito sa canteen sa amin. Ngumiti ako ng kimi Sakanila at nagpeace sign. Kaya natawa nalang sila at nagsibalikan sa ginagawa nila. Nakahinga naman ako ng maluwag doon bago tinignan ang upuan nina Dominic at ng makitang nakatingin ito sa amin, agad ko itong inirapan bago nakisali sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Taming Him
RomanceSynopsis Callixta Azuarez is a girl of every man's dream. She's gorgeous,hot, kind, humble, and fun to be with. She also belong to a wealthy family but it doesn't mean she is a spoiled brat in disguise. If she wants a thing she will work hard for it...