I don't want a rich man because I'm rich. I don't want an overly attractive guy. I just want someone who will love me... as me, forever.
IYAN lagi ang tumatakbo sa isip ko simula nang magkausap kami ni Dad about sa lalaking pipiliin ko. Kesyo humanap daw ako ng lalaking mayaman, matipuno, may business, in short mapera. Can't I just love not because of money and for the sake of my family's name but because it built by real love? Nevermind.
"Christine? Gising ka na ba?" Rinig kong tawag sakin ni Manang. Sino pa nga bang gigising sakin tuwing umaga? Kundi si manang lang naman o kung wala si manang yung ibang maid namin dito sa bahay. Kailanman hindi naman ako pinupuntahan ng magulang ko dito sa kwarto sa tuwing umaga at matutulog.
Binaba ko na muna sa kama yung ipad ko nang marinig kong bumukas na ang pinto ko at tumayo. "Good morning manang!" Nakangiti kong bati sa kanya.
"Gising ka na pala, iha. Halika na, hinihintay ka na ng magulang mo sa kusina" habang sinasabi nya ang mga salitang iyon, inaayos na nya ang kurtina at higaan ko na kanina ay magulo.
"Sabayan nyo na po akong bumaba." Inayos ko na muna ang sarili ko, sinuklay ang malambot kong buhok at nagpalit ng damit. Kinuha ko na ulit yung ipad at phone ko. Naging part na din ng araw ko ang ipad ko dahil mahilig akong gumawa ng stories and pinapublish ito.
"Natapos mo na ba ang kwentong ginagawa mo?" Nakangiting tanong sakin ni Manang habang palabas kami ng kwarto.
"Hindi pa manang, nahihirapan kase ako kung ano bang kalalabasan ng ending" natatawa kong sabi. Its been a month since isulat ko ang kwento, pero hanggang ngayon hindi ko pa din ito natatapos.
"Hinay hinay lang sa kakaisip, tungkol saan nga ba ulit ang sinusulat mo-" naputol ang sinasabi ni manang nang makarinig kami ng sigawan sa kusina.
"You're so stupid! Kahit kailan talaga ang tanga tanga mo! Napakasimple lang ng inuutos ko sayo tapos hindi mo pa magawa!?" Akmang sasampalin na sana ni daddy si mommy kaya agad akong pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tama na! What is happening here??" Nag aalala akong tumingin kay mommy na ngayon ay naiiyak na sa kinatatayuan nya. "Mom?"
"Your mom is so stupid! Napakaliit lang na bagay ang pinapagawa ko, papalpak pa?" Ramdam ko yung galit kay dad while hearing those words coming from his mouth "I told her to give the documents to Mr. Dalgaz, and guess what your mom did??"
"What?" I asked.
"Ask her" naiiritang sabi ni dad
Tumingin ako kay mom na halata pa din sa mukha nya ang pagkahiya at takot na baka saktan sya ni daddy.
"What happened mom? W-why—what happened to the documents?" Alala kong tanong.
Tumingin sakin si mom na halatang nag dadalawang isip kung sasabihin ba sakin pero sa huli hindi nya tinanggi. "I-I lost it" bakas sa mukha nya ang dismaya
"See?! Napakatanga!? She just lost the documents na sobrang importante!" Sabi ni dad. Hinarap ko si dad na may bahid sa mukha ko ang inis.
"Just because she lost that damn document, sasaktan mo na si Mommy?? Dad! She's your wife!" Hindi ko maitago ang inis habang sinasabi ko yun. "And and I don't think its enough para pag buhatan mo si mommy ng kamay"
"You know what christine? Hindi mo pa naiintindihan ang tungkol sa bagay na ito. Pero dadating ka din don once na mag aasawa ka na at hahawak ng negosyo natin." Paliwanag nya.
"Tell me then. I'm turning twenty five. I guess I'm old enough to understand your damn reason" I'm so tired of hearing those words.
"I'm late. I'm leaving. Madami pa akong aasikasuhin sa company dahil sa winala ng mommy mo yung mga mahahalagang papeles ng kumpanya" hindi na ako nakapag salita pa ulit dahil tinalikuran na kami ni daddy at lumabas na sa kusina.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...