CHAPTER 3

14 2 1
                                    

A/N: HELLOOOOOO!! Sorry sa late update! Nabusy si Author ee, nag habol ng activities dahil finals namin nitong nakaraan kaya now lang nakapag update! Hihihi

ENJOY READING! :>

Mag isa nalang akong patungo sa bahay nang mag paalam si Blare na uuwi na din after namin bumalik sa parking ng mall kung saan kami nag park kaninang umaga.

Tiningnan ko kung anong oras na sa relo ko and laking gulat ko na alas-diyes na ng gabi. Ganun ba kami katagal gumala nina blare? Hindi ko napansin ang oras kanina. Siguro nga, ganun kami katagal nag sama sama at hindi ko itatanggi na nag enjoy akong kasama sina Axel, Blare at Fabio kahit hindi maganda kung paano kami nagkakilala.

Napapailing nalang ako sa tuwing maaalala ko kung anong nangyari kanina. Kung gaano ako kainis kay Fabio dahil pinahiya nya ako hanggang sa maalala ko na nag laro kaming dalawa at nag pustahan pa kahit parehas naman kaming nanalo sa huli.

Ayoko pa sanang umuwi, ang dami ko pa sanang balak gawin kasama sila dahil ito yung unang beses na nagkaron kami ng bagong kaibigan ni Blare at lalaki pa. Kaming dalawa lang kase ni blare lagi ang nagkakasama, nag sasawa na nga ako sa pag mumukha nya pero malaking pasasalamat ko dahil naging magkaibigan kaming dalawa simula highschool hanggang ngayon.

She knows what to do when I'm sad. Sya din kasama kong mag tapos ng pag aaral. Ang pinag kaiba lang ay ang magulang nya. Sya, malaya syang nakakapili nang kung sino gusto nyang pakasalanan kahit wala pa syang gustong pakasalan. Mabait ang mga magulang nya. Kumpara sakin, na parang willing silang ibenta ako para lang sa kapakanan ng kumpanya nila.

Ayokong sabihing kumpanya namin, because in the first place? Hindi naman ako kasama doon. Sasabihin nila na ako ang magmamana, pero hindi. Alam ko, kung sino ang gusto nilang ipakasal sakin, yun ang mag mamana. Dahil wala naman akong alam sa business e. Ayoko man isipin na gagamitin lang nila ako para mas lumago pa ang kumpanya nila, pero parang ganun na nga.

Habang patungo sa bahay, hindi maalis sakin ang kaba. Alam ko kase, wala naman akong party at wala akong inimbitang bisita sa bahay para icelebrate ang kaarawan ko. Kaya malakas ang kutob ko na tama si Blare, baka mga kabusiness partner to ni dad.

"Magandang gabi, Senyorita Christine" bati sakin ni Manong guard nang makapasok na ako sa gate namin.

"Magandang gabi din po" bati ko pabalik at nag patuloy na papasok at ipinarada ang kotse sa garahe.

Nang makalabas ng kotse agad sumalubong si manang sakin "christine! Buti naman nandito ka na- kanina ka pa hinihintay ng daddy mo" bakas ang pag aalala sa mukha nya at sa tono ng boses nito.

"Nasaan sila? Si mommy, nasaan?" Tanong ko habang inaayos ang kagamitan at sinukbit ang bag sa balikat ko

"Nasa loob na din, nasa hapag kainan na silang lahat. Ikaw nalang ang hinihintay" pagkasabi nya non, pumasok na ako sa loob.

Wala naman akong napansing party or what. Ganun pa din, tahimik pero nangingibabaw ang masasayang tawa ng mga tao na nasa kusina. Tinungo ko naman ang dining room dahil sabi ni manang, nandon nga daw sila.

Sinalubong ako ng malalakas na tawa at kwentuhan nang makapasok na ako ng tuluyan sa dining room

"Oh! There she is!" Si daddy "finally! Nakauwi ka na. Upo ka" tinuro nya kung saan ako uupo. Nasa right side ako ni daddy at nasa tapat ko si mommy.

Nang makaupo ako, napansin ko ang mga kasama namin sa dining room. Bukod samin tatlo nina mommy at daddy, may anim pang tao na nandito kasama namin. Ito siguro yung sinasabi ni manang na bisita. Hindi ko sila kilala, so malamang sa malamang business partner to ni dad.

No Matter What (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon