A/N: medyo bitin ba yung chapter 3? Hahahaha nabitin din ako e. Pero I'll make sure na makakabawi ako ngayon!
Belated April Fool's Day!
Happy reading!
_______
Ilang araw na din lumipas simula nang gumuho ang mundo ko. Ilang araw na lumipas mag mula na sabihin sakin ng magulang ko na ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko naman gusto. I don't even think na gusto din ako ni Tyson. But I don't care kung wala o meron, basta ako, hindi ako mag papakasal sa kanya.
"Christine, may mga regalo na namang pinadala sayo" bungad ni Manang nang makapasok sya sa silid ko.
Mag mula kase noong sinamahan ko si Blare sa pinapatayo nyang Café, pag uwi ko ng bahay ay nandito na ang Arison. Ako lang daw ang hinihintay para makakain na sila. As if nasa akin ang mga plato at utensils.
Simula noong araw na iyon, nag papadala na sila ng mamahaling kagamitan, mamahaling regalo na hindi ko naman pinapakealamanan. Ni hindi din ako ang nag bubukas, kundi si Manang. Ayokong buksan ang mga ito kahit sabihin pang sobrang mahal ng mga to. Sa ilang araw na yon, hindi pumapalya ang Arison. Kagulat gulat din isang araw may isang truck nalang na nag parada sa labas ng gate na may nakalagay na isang kotse. Para sa akin daw yon, pero hindi ako nag abalang asikasuhin ito. Kahit matengga o kalawangin pa yon sa garahe, hindi ko gagamitin yun.
"Grabe naman pala ang manliligaw mo, Christine. Mamahalin kung gumastos" manghang sabi ni manang habang isa isang binubuksan ang box na may mga laman na sari saring kagamitan at yung iba ay nakalagay sa paper bags. "Iba din si Tyson eh, gwapong bata din at mabait" dagdag pa nito.
Hindi ako nag abalang mag salita. Mas pinili ko nalang ituon ang atensyon ko sa sinusulat ko sa notebook kung nasaan ang guide ko sa pag sulat ng mga kwento.
"Anak, saan ko ipag lalagay ang mga ito? Halos mapuno na kase ang guest room sa dami ng mga pinapadala nila sa iyo" paliwanag ni Manang.
Hindi ko pa din inaalis ang paningin ko sa sinusulat ko. "Kunin nyo nalang kung ano mga magustuhan nyo, ibigay nyo nalang din sa mga anak nyo" walang gana kong sagot.
I have everything I need, except for one thing. Kung ang usapan lang ay mga material na bagay, meron ako nyan. Lahat ng pinapadala nila, kaya kong bilhin anytime. Pero hindi ko ginagawa. Isang bagay lang naman ang gusto ko, hindi kailangan pag kagastusan, Hindi din mabibili. Pero kung ano pa yung bagay na yon, yun pa yung hindi ko makuha.
"H-ha? Ano iyon, christine?" Sa pag kakataong ito, nasa gilid ko na si manang at nag hihintay ng sagot.
Napabuntong hininga nalang ako bago mag salita muli "hindi ho ba, nag aaral ang mga anak nyo? Baka may mga gamit dyan na kailangan ng anak nyo. Kunin nyo na ho at ipadala sa kanila. Masyadong madami yan, hindi ko mapapakinabangan" nakangiti kong paliwanag.
Ramdam ko ang pag aalinlangan sa mga mata nya. Sino ba naman kaseng tao ang ipapamigay lang ang mga ito? Syempre ako. Ginagawa ko na nga e, diba? Dzuh!
"At kung may magustuhan din ho kayo dyan, kunin nyo na din po. Basta mapapakinabangan nyo" dagdag ko pa at nag patuloy sa pag sulat.
Nasa study table ako ngayon kung saan ko ginagawa ang next chapter ng story na sinusulat ko.
"Ah- eh sige, u-uhm itong laptop?" Pag basag nya sa katahimikan "kailangan kase ng mga anak ko yung laptop, nag gagawa daw kase sila ng research eh wala sila mahiraman" dagdag nya.
"Sige lang po, manang. Kunin nyo lang. Ihiwalay nyo po kung ano ang ipapadala nyo sa kanila" sinsero kong sabi.
"S-sige! Maraming salamat Christine! Ang mahal kase ng mga ito, hindi ko mabilhan ang mga anak ko" paliwanag pa nya.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...