NAGISING ako sa sakit na nararamdaman ko sa ulo. Parang binibiyak ito! Hays! Christine, alak pa.
As usual, I opened my ipad and tried to continue my story when manang entered my room. Gusto kong umiyak nang makita ko kung ano yung hawak nya "Happy Birthday, christine" its a birthday cake... for me. "Chokolate ang flavor nito. Paborito mo to diba?"
Laking pasasalamat ko lang talaga na nandito si manang sa bahay, ewan ko nalang kung anong mangyayari sakin kung wala si manang dito siguro nabaliw na ako. Wala naman akong kapatid para makausap ko lagi. So imagine, nag iisa lang akong anak and yung mga magulang ko laging wala dahil busy sa trabaho. Kung nandito man, laging bangayan ang maririnig ko. Kaya minsan mas gusto ko nalang hindi umuwi kesa manatili dito.
Pinagmasdan ko si manang na sinisindihan ang maliit na kandila sa ibabaw ng cake. Napaka simpleng cake lang ito. Hindi sya yung cake na makikita mo sa mga mamahalin na bilihan. Its just an ordinary cake.... With love in it.
"Oh, iblow mo na candle mo" nakangiting sabi ni manang habang inaalalayan sa harap ko yung cake. "Ano nga pala yung sinasabi kapag mag bblow ng cake? Have a wish ba yun?-ay bahala na basta yun mag wish ka"
"Make a wish yun manang" I giggled.
"Aahh make a wish pala yun, sensya na hindi ako nakapag tapos ng pag aaral" ramdam ko yung lungkot habang sinasabi nya yun. As far as I remember, grade 1 lang ang tinapos ni manang dahil sa sobrang kahirapan nila sa buhay. Kaya napilitan daw syang mag trabaho.
I closed my eyes as I make a wish.
NANG makatapos akong kumain ng umagahan, ginawa ko na rin ang mga routine ko. It's my birthday today, sana naman kahit ito lang maging maayos ang kalabasan ng araw na to.
Pagkatapos kong maligo at mag bihis, bumaba na ako ulit at naisipang tumambay muna sa sala. I opened my laptop and I start logging in my facebook account. I saw some of my friends greeting me, some of them tagged me in their IG stories and their fb stories. I checked their messages too. May mga LSM, may mga video greetings from my batchmates. Ilang minuto din ako nag check ng mga pag bati and nag reply din pabalik nang lumitaw sa screen ko ang calls ni Blare. Agad ko naman sinagot to at bumungad ang nakakasawa nyang pag mumukha.
"Girl! Ano na? Let's hang out." Lagi kaming ganto, kapag birthday ng isa hindi mawawala ang gala at bonding. She understood the assignment, just kidding! After namin mapag usapan kung saan place kami mag mimeet, nag take na ako ng shower and dahil birthday ko, Nag ayos ako ng di naman kabonggahan pero sakto na para mag mukha akong maganda.
Bumaba na akong muli at ginala ang mga mata pero ano bang ineexpect ko? Magulang ko na hindi man lang ata nakaalala na kaarawan ko?
Nang makalapit na ako sa main door, nagkasalubong kami ni manang " Oh ija? May lakad ka ba?" Bungad nya.
"Opo, kasama ko naman si blare" natatawa kong sabi.
"Ganoon ba, osige. Dito ka ba manananghalian? May gusto ka bang ipaluto?" Dagdag pa nito.
"Malabo manang, sa labas nalang po ako kakain. Pero kayo po, kung hindi naman uuwi sina mommy, mag luto nalang kayo ng kung anong gusto nyo dyan. Huwag na kayo mag abala sakin" nakangiti kong sabi. "Sige na ho, mauna na po ako ha?" Dumeretso na ako sa kotse ko at binuksan ang pinto sa back seat. Nilagay ko na muna don ang mga kagamitan ko at pumasok na din sa harap.
Nag busina ako hudyat na aalis na ako. Nakita ko namang tumango si manang habang nakangiti. Nang palabas na ako ng gate, binaba ko na yung window ng kotse at nakangiting binati ako ni manong guard. "Happy birthday, Senyorita Christine"
"Ito talaga si manong! Sabi ko diba, maam christine nalang po." Ever since naging guard namin sya, senyorita na tinatawag sakin.
"Hindi po bagay na maam lang ang itawag sayo, senyorita christine. Nag iisa kang prinsesa ni Don. at Donya Alvarez." Paliwanag pa nya.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...