CHAPTER 8

15 1 7
                                    

NAGISING ako sa malakas na sigawan na nag mumula sa labas ng bahay, napabalikwas tuloy ako ng bangon at dali daling tumakbo palabas ng bahay. Nadatnan ko ang ilang mga bata na nasa labas, nakapalibot sila sa dalawang taong nag babangayan.

"Bwisit naman oh!" Sigaw ni Mika. "Fabio! Anong ginagawa mo??!" Pero imbis na sagutin sya ni Fabio, Humarap ito sa mga bata habang may hawak na kahon sa kaliwang kamay. "WAAAAAH!! WAIT LANG!!!"

Nakatingin lang ako mula sa terrace ni Fabio. Tanaw na tanaw dito ang mga halo halong reaksyon nila.

"Oh mga bata! Pumila muna kayo ng maayos." Doon ko narealize kung ano ang ginagawa ni Fabio. He really made sure na mabibigyan ng coco-crunch ang mga bata na nandito.

"AKO NAAA!-- BIBIGYAN KO NAMAN EE!" Parang batang nag mamaktol si Mika. Pero hindi ito pinansin ni Fabio.

Mukha akong tanga na nakangiti dito sa di kalayuan. "Pumila ng maayos, lahat ay mabibigyan" kalmadong sabi ni fabio.

Halata ang pagkairita ni Mika, pero si Fabio to e. Walang laban si Mika dito. Napangisi ako sa isiping iyon.

Pinagmasdan ko lang ang lahat ng kilos nila. Si Fabio na isa isang binibigyan ang mga bata na sa tingin ko ay halos isang baranggay na, Si mika naman na nakanguso lang sa ginagawa ni Fabio.

Habang nakatingin ako sa kanila, Hindi nakatakas sa mata ko ang pasimpleng pagsulyap ni Fabio sakin. Bahagyang ngumiti pa ito sakin dahilan para makaramdam ako ng kung ano sa katawan ko.

He smiled at me. Nginitian nya lang naman ako pero bakit iba ang epekto sakin ng ngiting yon?

Lately hindi ko maintindihan ang sarili ko pag dating kay Fabio. It gives me an unexplainable feelings towards him.

Maybe nag sisimula pa lang ako maging komportable? Hindi e. Ay ewan!

"Baka matunaw si Fabio nyan" halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa tabi ko. "Titig na titig ka eh, nag aalala tuloy ako na baka matunaw si Fabio dahil sayo."

"Psh! Pinag sasabi mo dyan." Maang maangan ko kay Nikolo.

"Kanina ka pa nakatingin kay Fabio. Kitang kita ka kaya doon oh" turo ni Niks sa pwesto nina Nanay jessa na ngayon ay nag aalmusal pa pala.

"Hoy! Hindi ko tinititigan si Fabio. Sadyang napatingin lang ako, noh!" Totoo naman ah? Napatingin lang ako sa kanila.

"Grabe namang napatingin yan, Hindi mo na naalis paningin mo sa kanya." Kunot noo kong tiningnan si nikolo kasabay ng pag ngisi nito.

"Shut up, Niks! Napatingin lang talaga ako." Pagkasabi ko non ay naglakad na ako palapit kina Nanay Jessa.

"Oh! Gising na pala si Christine" masayang bati ni Nay jessa sakin. "Halika na, Tayo'y magkape!" Inabutan nya ako ng mug at sya na din nagtimpla ng kape ko. Araw araw na siguro ako nakajacket dito, di ko nga alam paano nakakayanan ni Fabio na mag lakad lakad dito na walang suot na pang itaas e. Samantalang ako, mangatog ngatog sa lamig.

Nagkakatuwaan lang sina nanay jessa at ang mga kasama nila sa trabaho habang ako ay nakatuon ang atensyon sa iniinom na kape.

"Tingnan mo 'to si Fabio" dinig kong sabi ng isang matanda na sa tingin ko ay mas matanda kina nay jessa. "Aakalain mo nga bang lalaking ganyan ang batang iyan. Napakagwapo aba!"

Pasimple naman akong tumingin kay Fabio. Ganun pa din ang pwesto nila, Si Fabio namimigay pa din sa mga bata, si Mika naman ay nakasimangot lang.

"Ang tanong jessa, Hindi pa ba mag aasawa iyang anak mo? Baka tumandang binata iyan!" Natatawang tanong nya.

No Matter What (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon