Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Pero hindi ako agad nakakilos dahil halos mamulupot na ako sa lamig! Parang kulang ata ang kumot na binigay sakin ni Fabio kagabi dahil tumatagos hanggang buto ko yung lamig! Brrrr! Its cold!! Malamig pero may araw na tumatama sa mukha ko?
Gamit ang kanang kamay, pinansalag ko ang palad ko para pigilan ang pag tama ng napakaliit na liwanag sa mata ko. Habang nakasalag sa liwanag, dahan dahan akong bumangon pero nakapulupot pa din sakin yung kumot. Where is Fabio? I need to talk to him. I need to know where I am. Hindi ko nga pala natanong sa kanya kagabi kung nasaan kami dahil na din sa pagod at antok.
Gamit ang natitirang lakas ko, tumayo na ako sa pag kakaupo sa kama. Damang dama pa din ang lamig na bumabalot sa katawan ko. Hinanap ko kung may slippers ba akong pwedeng magamit dahil hindi nga pala ako nakapag baon ng tsinelas. Hindi naman ako nabigo dahil pag kalabas ko sa pinto ng kwarto na tinutuluyan ko, may dalawang pares na tsinelas ang nandoon. I feel glad when the slippers fits.
Mangatog ngatog akong lumabas sa sala, nakakarinig ako ng mga boses na nanggagaling sa labas ng bahay, tawanan at mga boses na nag kekwentuhan. Where is that guy na ba?
Akmang lalabas na sana ako ng bahay nang bigla nalang ako nauntog sa dibdib ng kung sinong lalaking humarang sa dadaanan ko. "Aray!!" Tangna! Nahilo ako don ah!
"Gawing gawi mo talaga hindi tumitingin sa dinadaanan mo no?" That baritone voice... I know that voice. Hindi ako pwedeng magkamali.
Dahan dahan ako lumingon para tingnan ang mukha ng nakabangga ko. Sabi na eh! Hindi ako pwede magkamali.. "F-fab-"
"Tutal, gising ka na. Sumabay ka na samin sa hapag kainan" nilampasan ako nito at pumasok sa bahay. May kinuha lang ito at akmang aalis na sana pero pinigilan ko sya. Tinaasan lang ako ng kilay nito. Moody
"Ah.. May I know where are we?" Hindi ito sumagot, nakatingin lang sya sakin na parang walang gana. Tumikhim ako, baka hindi nya ako naintindihan? "N-nasaan tay-"
"Naintindihan kita." Naintindihan naman pala, bakit di mo pa sinagot tanong ko? Abnormal ka ba?
"Eh kung ganon, bakit hindi mo sinagot agad yung tanong ko kung naintindiha-"
"Dahil inaalala ko kung nasabi ko ba sayo o hindi." Hilig nya talagang di ako patapusin mag salita.
"I'm not gonna ask you if you did, Fabio" I explained, habang walang ganang nakatingin sa kanya.
Tumango ito "Nasa Baguio tayo." At pagkasabi nya non, nag lakad na ito palabas ng bahay. A-ano daw??? Nasa Baguio????
Shet?! Kaya ba malamig dahil nasa Baguio kami???? Malamang, Christine! Malamig dahil nga nasa Baguio ka! Ulit ulit?
Ilang saglit pa ako nanatili sa kinatatayuan ko. Ayaw mag sink in sa utak ko kung nasaan ako. Kung nasa Baguio ako, ibig sabihin... Hindi ako basta basta mahahanap nina Dad, unless mag papadala si dad ng securities sa iba't ibang sulok dito sa Luzon. So means, 50/50... Aish!
"Hindi lalapit sayo ang pagkain"
"Ay pagkain!!" halos mapatalon na naman ako sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ni Fabio sa tabi ko. Pumasok na naman to sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto nya. Nang makalabas ito may bitbit syang isang Jacket na may kalakihan at tingin pa lang ay may kakapalan din.
"Suotin mo, para hindi ka lamigin sa labas." Sabay abot sakin ng Jacket.
"Thanks." Tanging nasabi ko at tinanggap ang inaalok nyang jacket.
Agad ko naman sinuot yon at akmang lalabas na sana pero hinarang nya na naman ako. "W-why??" Halos mag salubong yung kilay ko sa inaasta nya.
"Lalabas ka na ganyan suot mo?" Ang lamig ng pagkakasabi nya.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...