CHAPTER 6

18 1 8
                                    

Nandito kami ngayon ni nanay Jessa sa bahay nila. Pinag masdan ko muli ang kabuoan ng loob ng bahay nina nanay jessa dahil hindi ko nagawang pagmasdan ito kanina. Masyadong mabilis lahat ng pang yayari, kasalanan to ni mika e! Sabihin ba namang buntis ako? Tsss sa sexy kong ito?? Dzuh!

Pumayag ako sa sinabi ni nanay jessa na mag usap kami kahit na nakakaramdam ako ng kaba, wala akong nagawa kundi ang sumang ayon.

Lumabas si nanay mula sa kusina na may dala dalang pitsel na nag lalaman ng juice at dalawang baso sa kabilang kamay ni nanay jessa.

Masyadong tahimik dito sa loob, hindi naman mainit pero pinag papawisan ako. Kumalma ka nga, Christine! Wala ka namang ginawang kasalanan, wag kang kabahan!

Ipinag salin ako ni manang ng juice at iniabot sakin ang baso ko. "S-salamat po." Sumimsim ako ng konti.  Hanggang sa makaupo si manang sa harap ko, hindi pa din mawala sakin ang kaba.

Narinig ko ang malalim na pag hinga ni nanay kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.

Tumingin ito sakin at malalim na huminga ulit bago mag salita "Alam ko na ija-"

"H-hind po ako buntis!" Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil inunahan ko na. Totoo naman e! Hindi ako buntis. Pagkakataon ko na to para makapag salita. "Hindi po totoo na buntis po ako. Uhmm hindi po totoo yung sinabi ni mika-"

"T-teka nga. Ano bang sinasabi mo?" Nag tataka akong napatingin kay nanay.

"H-hindi po ako buntis, nay."

Ilang minutong katahimikan ang bumalot samin. Kung iniisip ni nanay na buntis ako, at kung yun ang tinutukoy nya na alam nya na ang totoo, pwes! Hindi yun totoo.

Nagulat ako nang bigla nalang ito hugalpak ng tawa! A-anong nangyayari?

"Alam ko, ija." At natatawa pa din sya hanggang ngayon.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?" Nag tatakang tanong ko.

Umayos ito ng upo at nag salin muli ng maiinom.

"Kilala ko ang anak kong si Fabio, hindi yun basta basta mag uuwi ng babae at ipapakilala samin na nabuntis nya"

Sigh. Kung ganoon, wala na pala akong dapat ikakaba. Pero...

"Bakit ho kayo nahimatay? Kung alam nyo naman po palang hindi magagawa ni Fabio yon?"

"Hindi ka kase nag react, ija. Kumbaga, hindi ka nag salita. Hindi mo pinag laban na hindi ka buntis, na hindi totoo yung sinasabi ni mika." Paliwanag nya.

"I'm sorry po. Nag panic po kase ako kahit hindi totoo." Hindi ko naman kase alam ang mga ugali nila. Hindi naman sa pang huhusga, pero mas okay na din na malaman ko kung paano sila pakikisamahan.

"Kaya ba nanahimik ka nalang kahit pwede ka naman lumaban?"

Makahulugan ang mga salita ni nanay. Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga iyon pero hindi ko maitanggi na tama sya.

"Sa totoo lang, kaya gusto kita makausap dahil sinabi na sakin ni Fabio ang totoo kung bakit nandito ka." Hindi ako nakapag salita nang marinig ko iyon. "Handa naman kaming tanggapin ka dito ng buong puso. Pero bilang isang ina, hindi maaalis sakin ang kaba."

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko.

"Ayoko lang sana mapahamak ang mga anak ko. Si fabio at axel lang ang meron kami ni Tatay joselito nyo. Ayokong may mangyaring masama sa kanila dahil lang sa pag tulong sayo."

Napayuko ako nang marinig lahat ng yon. Hindi ko naman gustong may mapahamak. Pero hindi ko din naisip na pwedeng may mapahamak dahil lang sa pansarili kong kagustuhan na hindi ipakasal.

No Matter What (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon