NANG makabalik ako sa pwesto naming magkakaibigan sa parke, hindi ko maitago ang inis ng nararamdaman ko kaya alam kong nahalata ito ni Blare.
"Siguro kung may langgam lang dyan sa noo mo, kanina pa patay yan sa sobrang salubong ng kilay mo" nakita ko pang umikot ang mga mata nito
"Shut up Blare, can't you see? I'm pissed!" Padabog akong umupo sa bench na katabi ni blare.
"What took you so long?" Tanong ni blare. "Mabigat na ba ang ice cream ngayon at halos thirty minutes kang nawala bago ka makabalik dito?"
"So it seems like you're busy while I'm buying you ice cream, huh?" Pag tataray ko.
"What do you mean?" Takang tanong nya.
"Blare, as if hindi mo nakita yung nangyari sakin habang bumibili ng ice cream? Ayun lang ang binilhan ko oh" sabay turo ko sa ice cream stall ni manong.
Agad naman nyang nilingon iyon at bumaling muli sa akin ang tingin nya " oh about that.. sorry. I'm not paying attention to you. Tumawag kase si ate sakin kanina, she's asking where am I. And I told her na its your birthday, so lumabas tayo" she explained.
"Anong koneksyon non sa tanong ko?" Nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"So like I was saying, my sister called. Bilang respeto kay axel and for me to talk to my sister without any distractions, lumayo ako dito" paliwanag nyang muli "and there, dun ako dinala ng mga paa ko habang kausap si ate. So means, nakatalikod ako all the time" and then she chuckled.
Hindi na ako nag abalang mag salita ulit para di na humaba ang usapan tungkol sa nangyari sakin kanina dahil naiimbyerna lang ako sa tuwing maaalala ko yung pag mumukha ng gwa- - erase! erase! Nung kala mo kung sinong gwapong lalaki!
"Where's axel?" Tanong ko nang mapansin kong wala si Axel sa upuan nya. Di ko din to agad napansin nung ilapag ko yung ice cream namin.
"Oh yeah! I forgot to tell you." Panimula nya "May kitain lang daw sya saglit, kanina pa sya di makali kakatingin sa cellphone nya na panay tunog" paliwanag nya.
Tumango ako bilang sang ayon sa mga sinabi nya. "Where did you meet that guy again?" Blare asked.
Kinewento ko sa kanya ulit kung paano kami nag kakilala. Mula sa nag desisyon kaming magkaibigang umuwi na pero mas pinili kong mag lakad lakad hanggang sa may mag tangkang pagsamantalahan ako ng isang lalaki hanggang sa ihatid ako ni Axel sa bahay.
"Hmmm... I see" tatango tango pa nyang sabi. "Mukhang mabuting tao naman sya, christine. And the moment I saw him, I can say na he's a good guy."
"Yeah, I can say it too." Pag sang ayon ko habang kumakain ng Ice cream. "I'm so thankful that night, kase kung hindi siguro sya dumating, akay akay na siguro ako nung lalaking yun" at nag patuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa mapansin naming wala pa din si Axel sa mga oras na 'to.
"Asan na kaya yun?" Tanong kong muli habang ginagala gala pa ang mga mata ko.
Ilang minuto din ang tinagal namin ni blare habang nakamasid sa paligid, nag babakasakaling dumating na si Axel.
Hindi naman kami nabigo dahil nakita namin itong nag lalakad palapit sa pwesto namin.
"Oh there he is!" Energetic na sambit ni Blare.
Tumayo kami ni Blare para salubungin sana sya, pero hindi ko napansin sa likod nito may isang pamilyar na pag mumukha na kanina lang ay halos isumpa ko na!
"Hello" bati ni Axel habang kamot kamot ang batok nya "sorry natagalan ako. Nandyan ka na pala Christine" halatang nahihiya pa ito.
Pero imbis na sa kanya ko ituon ang atensyon ko, hindi ko naiwasang mas mapansin ang kasama nito. At halatang napansin din ako nito dahilan para lumapit ito sakin.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...