ISANG linggo na ang nakalipas mag mula nung gabing yon. Sa mga araw na nag daan, wala naman nag bago. Actually, pagaan ng pagaan nga ang pakiramdam ko e. Ito yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag pero ito din yung pakiramdam na ayaw ko na matapos.
"Christine! Ambagal bagal mo!" Bungad sakin Ni mika.
Sa isang linggo na lumipas, mas napalapit ako kay Mika. Nasasabayan ko na din ang ugali nitong babaeng 'to. Ang pagiging bungangera, minsan nakakahawa. Kapag sya ang kasama ko, nawawala ang pagiging Alvares ko.
"Wait lang! Ito naaa!" Sigaw ko. Nangako kase ako sa kanya na ipag gogrocery ko sya. "Hindi makapag hintay ha?"
"Tss! Malamang noh! Hindi tayo hihintayin ng truck na sasakyan natin pababa ng bayan." Pagkasabi nya non ay lumabas na sya ng bahay.
Isang linggo na din pala lumipas simula nung madalas kong gamitin ang pera ko. Pambili ng madaming jacket dahil malamig, joggers, pajama and also yung salamin na whole body. Yes! Gumastos ako sa isang linggo at nangako ako sa sarili kong titipidin ko na yung pera ko. Kaso humirit si mika mag grocery kahapon, akala ko nga hindi sya seryoso don dahil lasing sya, kaso hindi nya pala yun nakalimutan. Tsk!
Kinuha ko ang shoulder bag ko na nakapatong sa mesa, pero bago ako lumabas sinigurado ko muna na may pera akong dala baka mamaya madaming bilhin ang isang yon, wala pala akong extra. Nang makuntento ako, isinara ko na din ang pintuan ng bahay.
"Nikolo!" Tawag ko sabay abot ng susi ng bahay ni Fabio. "Ikaw na bahala ha? Hindi kase alam nun na aalis ako. Sabihin mo nalang kay Fabio na pumunta kaming bayan."
"Oo ba! Sige sige, mag iingat kayo!" Tinapik ko ang balikat nya at naglakad na palapit sa sasakyang truck namin ni Mika.
Ito yung truck na ginagamit nila para mag hatid ng mga paninda sa palengke, o kaya pang hakot ng mga naaning gulay, palay, o mga sako ng bigas. I am not sure if its called as Pick up truck? Oo basta yun.
Iniabot ko kay Mika yung shoulder bag ko para hindi ako mahirapan tumaas. Isang trabahante ang lumapit sakin mula sa taas ng truck, he offered me his hand para makataas ako. Dahil ang babaeng kasama ko ay nakasitting pretty na, tss..
"Thank you po" pagpapasalamat ko kay kuya.
May maliit na space kung saan pwede pa ako umupo. Walang kasapin sapin ang uupuan ko kagaya lang kay Mika. Pero sa isang linggong lumipas, nakasanayan ko na din kahit papaano ang pamumuhay nila.
Nakakatuwa ngang pag masdan minsan ang mga bata na naliligo sa poso na tinatawag nila, yung bang may isang tao na nag papump para may tubig na lumabas. Ang sabi naman sakin nina Axel, malinis daw ang tubig na lumalabas don dahil mula sa ilalim ng lupa ang tubig, ultimo ang pinang liligo ko araw araw ay galing naman sa sapa kaya malamig, No... Sobrang lamig, manginig nginig HAHA
Nang maramdaman kong binuhay na ang makina ng sinasakyan naming truck, sinigurado kong may kakapitan ako. Naalala ko kase na medyo pababa ang daan dito, kaya dobleng ingat talaga.
"May naisip ka na bang mga bibilhin? Imake sure mo na magagamit mo yun everyday and stocks mong pagkain ha?" Marunong naman ako mag grocery, since naiiwan ako madalas sa bahay and may sarili akong pera, madalas nag gogrocery ako ng pang akin lang.
Napansin kong may kinuha ito sa bulsa "Nah! Gumawa ako ng listahan." Halos maluwa ang mata ko nang makita ang papel na hawak nya, isang long bond paper na punong puno ng nakalista. As in punong puno! Hindi ko tuloy napigilan agawin sa kanya ang papel.
"Wtf! Mika?!" Bulalas ko habang di pa din makapaniwala na tinitingnan ang listahang ginawa nya.
"Bakit?? Eh salagay iyan ang gusto kong bilhin." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
No Matter What (ON GOING)
RomanceA girl named Christine Alvares who just want to have a normal life and freedom who she wants to marry not because of money and for the sake of their company but because of true love. After her father arranged her a marriage with someone she doesn't...