Hilton, Kurt at Jasper sa muldtimedia :) <
Ellise pov
Nang makababa na kami dito sa may groundfloor at naglalakad sa may corridor , hindi maiwasan ng mga madadaanan naming mga stusyante ang magbulungan at tumingin ng masama saakin.
"Diba siya yung transferee na nerd?"- yung isang babae.
"Oo nga eh, Haha ang panget nga talaga ,mukha pang manang.Haha"- Sila
Agad namang lumapit sakin sina Carina at Karzill.
"Hey! Ell. Just dont mined them"- Nakangiting ani ni Carina saakin.
"Ba't kasama ni nerdy girl sina miss Carina and Karzill?"
"Oo nga no?"
"Siguro ginayuma sila ni panget"-
"Ayaw nga tayong makausap ni miss Carina eh!"
Ha? Gayuma ? Pero ba't nga kaya sila nakipagkaibigan saakin?
"Uhm . Carina, Ba't nga ba pala kayo nakipag kaibigan sakin?di naman ako kasing ganda at kasing yaman niyo ah ?"- Totoo naman eh. Hindi ako mayaman at mas lalong hindi ako maganda.
"Sinong nagsabing di ka maganda ? Ang ganda mo nga eh ,kaso di mo lang alam mag ayos. Hihihi~ Tsaka gusto ka namin maging friends kase mabait ka.
Di naman kase makikita ang kabutihan sa panlabas na anyo eh. Mas maputi at makinis ka nga sakin eh. "- Carina, Oo maputi ako pero 'nerd'."At tsaka alam namin na hindi ka katulad ng ibang estudyante dito na puro matapobre at walang alam kundi mag yabangan ng gamit"- Si Karzill, ang bait talaga nila. Hayyy.. Masaya ako may kaibigan na agad ako.
-
Nang makarating kami dito sa cafeteria- Oo cafeteria 'daw' hindi Canteen kase private. Medyo marami na ding estudyante . Pagpasok namin agad naman silang napalingon sa gawi namin.
"Siya ba yung panget na transferee?"- Hayyyy! Kailan ba mawawala ang bulungang ng mga estudyante dito. At bakit kalat na kalat ang pag tranfer ko dito bilang isang panget na nerd na transferee? Hayyst. Buhay talaga ngayon parang life -.-
Agad ko namang humanap ng vacant table na pagkakainan namin , at ayun.
"Carina oh ! Sakto pang tatlo"- Sabay turo ko kay Carina sa gawi nung vacant table sa tabi ng glass door umuorder kasi ng pagkain si Karzill.Maglalakad na sana ako papunta dun ng vacant table ng bigla akong hinawakan ni Carina sa kamay dahilan para mapahinto ako.
"H'wag diyan, may nakaupo na Jan."- Huh ? Wala naman eh.
Pansin ko lang ah ? Malabo ba ang mga mata ng estudyante at guro dito ?-.-
"Wala naman eh!"- ako
"No, naka reserved na yan para sa 'The Ultimate Princes'"- Anu daw ? The Ultimate Princes? May mga prinsepe ba dito ?
"Anu?"- Di ko maintindihan.
"I'll explain nalang later"- Carina, di nalang ako sumagot at pumunta sa ibang vacant seat na medyo malayo dun sa sinasabi ni Carina na Reseved para sa mga 'Prinsepe' kuno?
Nang makaupo na kami agad namang lumapit si Karzill na may dalang drinks tas Sandwiches .
Nang nailapag niya na bigla naman na akong nagtanong kay Carina about sa The Ultimate Princes.
"Anu bang ibig mong sabihin Carina?"- Ako
"The Ultimate princes , isa itong grupo na may tatlong myembro , kilalang kilala sila dito bilang pinakamayaman , kinatatakutan sila ng mga Studyante dito, at walang naglalakas loob na kalabanin sila dahil kayang-kaya nilang ipa kick-out ang kahit sino dito.
At higit sa lahat kinakikiligan sila ng lahat ng babae dito-EXCEPT kami ni Karzill. Kilala din sila sa ibang sikat na School dahil sa kanilang talino , at laging kasama sa mga Sports gaya ng Basketball. Si Kurt Montero a.k.a The Casanova prince ay isa din sa magaling na basket ball players, tinawag siyang The casanova prince dahil sa dami ng girlfriend niya, hay naku sobrang landi nun."- Carina."At si Jasper Lee naman ang pinaka friendly sa kanilang lahat at NGSB sa kanilang tatlo , isa din siya sa pinaka magaling na basketball player dito sa walkers, At siya ang tinatawag na The Cute Prince ,yung nakasubsob ang ulo sa desk niya kanina sa room na katabi ni Prince Kurt na Classmates natin"- Singit ni Karzill ,so sila pala ? At yung ngumisi saaken knina ay si Prince Kurt? At si prince jasper yung Cute na katabi niya *U*
Pero sino yung isa ? Diba tatlo si--
"At ang pinagka Leader ng Grupong sa The Ultimate Prince na Captain ng basketball na tinatawag na Titants ay si Prince Hilton, Ang tinaguriang The Cold Prince dahil sa walang kaemo-emosyon nito at pagiging expressionless, Siya din ang kinatatakutan ng mga estudyante at guro dito dahil sa lamig ng boses at tingin nito. Wala ding naglalakas loob na kausapin ito lalo na kapag nakasubsob ang mukha nito dahil tiyak na suntok ang matatanggap mong sagot nito. Wag ka ding magkakamali na mahawakan ang kahit anung parte ng katawan nito lalo na kapag matagal ,maliban nalang sa mga Kaibigan niyang si Jasper at Kurt. At ang kinagulat namin kanina ay ang pagsalita niya dahil hindi pa ito nagsasalita lalo sa harap ng maraming tao at dalawang beses pa ha?maliban sa mga kaibigan niya. At ang pinagtataka namin ay kung bakit ka niya pinayagan na maupo sa tabi niya ,dahil pati ang mga prince ay di niya pinapayagang umupo duon."- Nagtatakang sambit ni Karzill.Kaya ba sobrang bigdeal sa kanila yung pagsalita niya kanina? Bakit kaya siya ganun ? Ba't walking kaemo-emosyon and mga mata niya? At ang lamig ng boses niya? Naputol ang pagiisip ko ng biglang bumukas ang glassdoor at sunod sunod na nagsigawan ang mga babae.
KYAAAAAAA!!!
WAAAAAAAAAAA!!!
OMG!! ANG HOT MO TALAGA PRINCE KURTTTTTT!!
YOURE SO CUTE PRINCE JASPERRRR!!
KYAAAAAAA?!! PRINCE HILTONNNNNNN!!
MY GASH!! ANDITO SI PRINCE HILTONNNN!!
"Hayyy.. Ang lalandi talaga"- Carina
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko , magpupunas sana ako ng bibig ko ng naramdaman kung wala yung panyo ko sa bulsa ko. Hala. Regalo pa naman yun ni lola saken. May burda pa yun ng pangalan ko.
"May problema ba Ell?"- Carina
"Y-yung panyo ko kase nawawa-"Naputol ang sasabihin ko ng nakita kung lumaki ang mata ni karzill at nakatingin sa likod ko at ang biglaang paghinto ng mga sumisigaw na babae na ngayon ay nakatingin na saakin.
Oh my god!
Bakit nasa likod niya si prince ?
Anu daw ? Sinong prince ? Dahan dahan ko namang pinihit ang ulo ko para lumingon sa likuran ko- at lubos na pinagsisisihan ko, Bakit nasa likuran ko si Prince Hilton ? Oo siya Si prince Hilton mismo. Naka tingin ito saakin ng seryoso dahilan para magsitaasan nanaman ang mga balahibo ko .
Nakita kong gumalaw ang kamay niya papunta saakin.
"Is this yours? "- Walang emosyon na tanong nito.
Hanggang sa makita ko ang hawak nito. Ang panyo ko.
Sa pagpapatuloy....
Vote ,Comment and be Fan :)
xoxo-NicoleMacamWatty

BINABASA MO ANG
When She Met The Campus Prince
HumorThe story of Ellise and Hilton. Genre: Romantic comedy :) Date started: xx xx xx Written by: Nicolemacamwatty Story cover was made by: DtripleR