Karzill~
"DADDYYYYYYYY!" pakanta kong sigaw.
"Ay. Ingay mo, Zill." inis na sabi ni daddy.
"Tatay..." suyo ko.
"Kanina daddy, tapos ngayon tatay? Naku, batang 'to,"
"Uh. Papa naman e." reklamo ko. Haha. Wierd ba ?
"Ayt. Diretsohin mo na nga ako, Zill."
Ahihi. Galing talaga ng daddy ko. Alam na alam kapag may kailangan ako.
"Eh? Mamaya ko na sasabihin dad. Ba't niyo pala ako pinatawag?" ciurious kong tanong.
"Kaibigan mo si Ellise Chui, diba?"
"Uhm. Yes, dad. Hehe. Bestfriend ko po yun " nakangiti kong sagot. Bakit niya kaya natanong?
"Bakit po ba ?" kunot-nuong tanong ko.
"Wala naman. Mabuti at kaibigan mo siya. Matalino siyang bata at sana maimpluwensyahan ka niya." pabirong sagot ni dad.
Well, mabait talaga si daddy. Lalo sa mga kaibigan ko.
"Musta na pala kayo ni Jasper?" biglang tanong niya.
Agad naman akong nasamid dahil sa tanong niya.
"Daddy naman ee!"
"Bakit?" natatawang tanong ni daddy. Hmm! Palibhasa alam niya may feelings ako towards Jasper e . Psh.
"Hahaha. Tara na nga dun. Hintayin nalang natin siya. Dala niya yung pagkain e." aya niya.
Pero wait.. Siya? Sinong siya?
Bago pa ako magtanong ay may narinig akong kumatok sa pinto ng office ni dad.
"Buksan mo, Zill" daddy.
"Ah. Sige po" ako, at agad na lumapit sa may pintuan para buksan ito.
Agad ako napa nganga sa bumungad sakin. Bakit siya nandito?
Si Jasper ang tinutukoy ni dad na siya? Na may dala ng lunch naming tatlo? Realtalk?
Ellise~
Umupo na ako sa may hagdan, ngunit nanatili lang na nakatayo si Hilton sa may bandang likuran ko.
"Pare koy!"
"Ellise panget"
"Ell!"
Tawag sakin ng mga pare koy ko at agad na nagsitakbuhan palapit sa kinaruruonan namin.
"Manunuod ka?" tanong ni Gian.
"Oo naman!" nakangiti kong sagot.
"Yey! Mabuti naman! Lagi ka nalang kaseng busy e. Di kana namin nakakasama," nakasimangot na sabi ni Jet. Ayt! Ang cute niya talaga.
"Ah. Hehe." tanging tugon ko. Hindi pa kase nila alam ang pagiging maid ko kay Hilton e.
"Sama ka tol?" biglang tanong ni Kean nang mapansin niya si Hilton.
"Yeah," malamig na tugon nito.
Nakita ko naman ang pagkatulala ng mga pare koy ko.
"Uh, mga pare koy. Ayos lang ga?" kunot-noo kong tanong.
Agad naman na lumapit si Jet sakin at bumulong," ang lamig ng boses niya, Ellise na panget. Katacute!" mahinang sabi nito.
"Ah. Eh. Hehe. Ganyan talaga 'yan. Pinaglihi sa refrigerator e." balik bulong ko.

BINABASA MO ANG
When She Met The Campus Prince
HumorThe story of Ellise and Hilton. Genre: Romantic comedy :) Date started: xx xx xx Written by: Nicolemacamwatty Story cover was made by: DtripleR