KAHIT ANO'NG PILIT?

56 2 0
                                    

[_JOSH POV_]
    Magta tatlong taon na kaming kasal ni Trisha pero bakit hindi ko parin magawang i-sink in sa puso't-isipan ko na dapat ginagampanan ko ang pagiging asawa ko sa kaniya?

Kahit ilang beses ko nang turuan ang puso ko na mahalin si Trisha, pero hindi ko parin talaga magawa. Sa tingin ko ang anak na lang namin ang naging pundasyon kung bakit umabot kami ng tatlong taon.

"Good morning, Josh" masayang bati sakin ni Trisha. "Good morning!" walang emosyon kong sagot. "Love" paglalambing niya. "Trisha, pwede ba!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya.

Ganito ang palaging nagiging eksena sa tuwing nilalambing niya ako. Imbes kase na kilig at saya ang mararamdaman ko napapalitan yun ng matinding inis at galit.

"Josh, darating kaya ang araw na mapapatawad mo ako?" umiiyak niyang tanong. "Trisha, ano na naman bang drama yan?" tanong ko. "Josh, malinaw parin naman sakin na si Mary-ann parin ang mahal mo at nasa isip mo" saad pa niya. "Kahit ako yung nandito" dagdag pa niya.

  Heto na naman kami. Nag uungkatan ng nakaraan. Ayoko pa namang nadadamay si Mary-ann sa ganitong usapan.

"Trisha, please, pwede bang wag mong idadamay si Mary-ann sa usapang ito" emosyonal kong tanong. "Ok fine!" sagot niya. "Josh, sana naman kahit ngayon lang ako naman. Maging ama ka naman. Alam kong ako ang dahilan ng pagkasira ng mga pangarap mo, sorry" sabay luhod sakin.

"Trisha, pwede ba?" sigaw ko. "Josh, kasal na tayo. Ano pa bang kailangan mo?" tanong niya. "Trisha, baka nakalimutan mo, nagpakasal ako at pinakasalan kita kase yun ang hiling sakin ni Mary-ann" umiiyak kong sagot. "Trisha, kaya wag mong hangarin ma mahalin kita pabalik. Nandito ako kase dahil sa anak ko lang" dagdag ko pa.

  Alam kong masasaktan siya sa mga sinasabi ko. Pero sa tatlong taon naming magkasama parang pinapahirapan ko lang ang sarili at puso ko. Sana nga magawa ko na siyang matanggap.

"Josh, i'm sorry!" sasd niya sabay yakap sakin. "Trisha, please, tumigil ka" sagot ko sabay kumawala sa pagkakayakap niya.

  Naging pusong bato na talaga yata ako. Dahil sa nangyari sa nakaraan ko. Alam kong hindi ako masisisi ni Trisha. Kase siya ang gumawa ng dahilan para magkaganito ako.

[_TRISHA POV_]
"Josh, sorry! Hindi ko intensiyong sirain kayo" saad ko hawak tinititigan siya. Ito lang kase ang way ko para masabi ko lahat. Alam kong hindi naman niya ako naririnig.

"Wag kang mag-alala josh, maitatama ko ito balang araw" bulong ko pa. "A-aray" saad ko pa. Napapadalas na yata ang pananakit ng puso ko. "Josh, love, good night" bulong ko pa sabay halik sa noo niya.

Naiintindihan ko naman ang mga pagtatrato sakin ni Josh. Ramdam na ramdam ko parin na hanggang ngayon mahal na mahal parin niya si Trisha. Kaya sa bawat minuto o segundo na nakikita niya ako. Mas lalo siyang nasasaktan.

  Alam ko rin na ito ang consequences ng mga nagawa kong pagkakamali. Kaya tatanggapin ko lahat ng ito. Alam kong darating ang araw na maitatama ko rin lahat ng mga nagawa ko. Umaasa rin ako na magagwa akong patawarin ni Josh.

TO BE CONTINUE...

JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon