"Hi Josh, pwede ba tayong mag-usap? Kase may ibabalita ako" saad ni Trisha. "Go ahead, trisha" sagot ko agad. "Josh, for sure sobrang matutuwa ka sa ibabalita ko" saad muli niya. Bigla ako'ng naging interesado bigla at napatigil sa ginagawa ko.
"Ano ba yung ibabalita mo?" tanong ko agad. "Josh, 'di na ako magpapaligoy ligoy pa. Si Mary-ann, pabalik na dito sa Philippines" sagot niya. "Si Mary-ann? Babalik na dito?" utal kong tanong.
Napuno ng tuwa ang nararamdaman ko. Sa wakas babalik na siya. Sana magkita muli kami.
"Oo josh" sagot pa ni Trisha. Bigla kung nabitawan ang hawak kung mga papers dahil sa tuwa na nararamdaman ko. "Sabi ko na nga ba, magiging masaya ka" saad pa ni Trisha. "Sana ganito ka rin kasaya kapag magkasama tayo" saad pa niya.
[_TRISHA POV_]
Sa tagal naming magkasama ni Josh ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya. Alam kong mas lalo pa siyang sasaya kapag magkikita o magkakausap silang dalawa. Yun ang bagay na pinaplano ko.Siyempre nung gabing din iyon ay agad kong tinatawagan si Mary-ann. Gusto ko kaseng makipagkuwentuhan sa kaniya.
"H-hello, sino po sila?" sagot niya. "Mary-ann, ako ito, si Trisha" sagot ko naman. "Uy trisha ikaw pala yan. Kumusta ka na?" tanong niya. "Ito hindi ok" sagot ko. "Bakit naman?" tanong niya. "Mahabang kuwento ei, tsaka ko na sabihin lahat kapag nagkita tayo. Btw pwede ba kitang ayain bukas?" tanong ko. "Sure, kita na lang tayo sa cafeteria malapit sa school" sagot niya. "Salamat, mary-ann. Wala ka paring pinagbago" saad ko.
Sobrang natutuwa ako kay mary-ann, kahit na masaktan ko siya ng sobra. Maayos niya parin ako pakitunguhan. Sa totoo lang naging magkaibigan na rin kami ngayon.
[_MARY-ANN POV_]
"Sa wakas nakauwi na rin ako. Namiss ko ang lugar na ito" saad ko. "Wala paring pinagbago ang lugar na ito" saad ko pa. "Kahit na hindi maganda ang nakaraan ko rito, pililitin kong makapagsimula nang bago" saad ko pa.Pasado alas otso nang makarating ako rito sa pilipinas. Grabe namiss ko talaga rito. Sa kabilang banda, hanggang ngayon iniisip ko parin si Trisha. Pakiramdam ko kase hindi talaga siya ok. Iba kase ang tono ng boses niya.
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na makita siya pero i isang tabi ko muna yun. Sa palagay ko kase maraming bagay kaming pag-uusapan ni Trisha. Kaya ihahanda ko na ang sarili ko. Umaasa rin ako na hindi ito tungkol kay Josh.
[_JOSH POV_]
"Mary-ann, i really miss you" saad ko habang tinititigan ang litrato niya. "Sana hindi mo ako nakalimutan at sana napatawad mo na ako" saad ko pa.Sobrang saya ko nung malaman kong babalik na siya sa pilipinas. Bigla akong nabuhayan. Sobrang namiss ko talaga siya. Sana handa na siyang harapin ako. Kase ako handang handa na.
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION
FanficA SB19_Josh Fanfiction. This story have eleven parts. "DUMARATING TALAGA SA ISANG RELASYON ANG PAGSUBOK NA MAGPAPAGUHO NG MGA PANGARAP NA BINUO NIYO. PERO LAGI NIYO RING TATANDAAN NA KUNG KAYO TALAGA, GAGAWA AT GAGAWA NG PARAAN ANG TADHANA PARA MUL...