[_MARY-ANN POV_]
Sa ikalawang pagkakataon, binigyan ko na naman mg dahilan ang puso ko para masaktan ng sobra. Dahil sa ikalawang pagkakataon muli ko na naman pagbibigyan si Trisha sa hiling niya. Kahit masakit ito sa akin.Bakit kase hindi ko kayang tumanggi? Bakit hindi ko makayang humindi? Ito ang malaking problema ko.
Aaminin ko nasa inyo, ilang taon ako sa states kahit anong subok ang gawin ko para makalimutan si Josh nabigo ako. Every single day siya ang naiisip ko. Nandun yung point na nanghihinayang ako. Kase napako ang mga pangako at ang mga pangarap namin na binuo sa iba nagkatotoo. In short MAHAL ko parin talaga siya.
Ilang araw na ang nakalipas simula nung magkausap kami ni Trisha. Gusto ko siyang kamustahin kaya agad kong tinawagan ang phone number na binigay niya sakin.
*/PHONE DIALING... */TRISHA ANSWER THE PHONE
"Hi Trish" saad ko. "Mary-ann? "Josh?" sabay naming wika. Hindi ko ineexpect na si Josh pala ang makakausap ko. "Mary-ann, ikaw nga!" masaya niya pang saad. "Sa-saan mo nakuha ang phone number ko?" tanong pa niya.
Hindi pala ito ang phone number ni Trisha kay Josh pala ito. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling?
"Ibinigay kase ito ni Trisha sa akin" sagot ko. "Ganun ba, mary-ann?" tanong pa ni Josh. "Oo josh" sagot ko ulit. Alam kong sinadya ni Trisha ang bagay na ito. Nagpapasalamat parin ako kase nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap siya.
"Mary-ann, pwede ba tayong magkita?" hiling ni Josh. "Sige lang josh" sagot ko. "Salamat, mary-ann. Marami kase akong balak ikuwento sa iyo ei" saad pa niya. "Ako naman may sasabihin saiyo" sagot ko naman. "Sige josh, babye na. Kitakits" paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang isasagot niya. Ibinaba ko na agad. Grabe nabigla ako. Ihahanda ko na lang ang sarili ko. Dahil panibagong hiling ang napagpasiyahan ko.
"Josh, sorry medyo na late ako" saad ko. "Ayos lang, mary-ann" sagot niya. "Josh, kanina ka pa ba?" tanong ko ulit. "Oo mary-ann, don't worry ayos lang naman sakin" sagot niya. "Mary-ann, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon" saad pa niya sabay hawak sa kamay ko.
Alam ko sa sarili ko na mali ang bagay na ito kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Alam ko rin na napansin niya yun.
"Mary-ann, sorry" saad pa niya. "Ayos lang Josh" sagot ko naman. "Josh, may sadya talaga ako saiyo" panimula ko. "Ano yun?" masayang sagot niya. "Bago yun, kumusta ka na?" tanong ko.
Alam ko sa sarili ko na mali na itinanong ko ang bagay na ito. Dahil parang alam ko na ang isasagot niya.
"Mary-ann, sa tingin ko alam mo na ang isasagot ko diyan" emosyonal niyang sagot. "Ang josh ko, namumugto na ang mga mata. Iyak kase siya ng iyak ei" saad ko. "Mary-ann, ang hirap ng sitwasyon ko. Pinipilit kong subukan na turuan ang puso ko na mahalin si Trisha pero ikaw at ikaw parin ang sinasabi nito" umiiyak na niyang sagot. "Josh, ganun talaga ang buhay" sagot ko.
Alam kong mas lalo ako o kaming masasaktan sa bagay na hihilingin ko. Alam kaseng dito sasaya si Trisha kaya ibibigay ko kahit masasaktan ako.
"Mary-ann, sana kase hindi na lang ako pumunta sa reunion" saad pa ni Josh. "Josh, nakaraan na iyon. Wag mo nang isipin yun. Ayos na ako" sagot ko. "Josh, may hihilingin sana ulit ako. Sana pagbigyan mo ulit ako" lakas loob kong saad. "Mary-ann, parang alam ko na ito. Please wag" sagot niya.
May ideya na pala siya. Sorry Josh, pero kailangan ko itong gawin.
"Josh, please pakinggan mo muna ako" saad ko sabay titig sa kaniya. "Mary-ann, ayoko" sagot niya. "Josh, please kahit ngayon lang iparamdam mo kay Trisha ang responsibilidad ko sa kaniya bilang wife niya" hiling ko. "Habang hindi pa huli. Alam ko kaseng doon siya sasaya" saad ko pa.
"Mary-ann, ayoko, sinasaktan ko lang ang sarili ko" umiiyak niyang sagot. "Josh, please, kahit gawin mo na lang ito para sakin" saad ko sabay luhod. "Josh, pwede ba?" tanong ko. "Mary-ann, bakit kase kailangan palagi tayong dalawa ang nagsasakripisyo?" tanong pa niya. "Josh, maliliwanagan ka rin sa tamang panahon" sagot ko.
"Gawin mo na para sakin?" saad ko ulit. Alam kong masakit itong hiniling ko kay Josh pero kung may masasaktan dito ng sobra ako yun. Hindi ko lang pinapahalata. Hindi ko lang pinapakita na apektado ako. Kase ang mahalaga lang sakin ngayon maging memorable ang huling araw o buwan ni Trisha.
"Sige mary-ann!" sagot niya. "Salamat Josh" saad ko. "Sige na, mauuna na ako" saad ko pa at tumakbo na palayo.
Katulad lang ng naunang eksena, hindi ko na lang rin nilingon ni Josh. Sobrang nasasaktan na ako. Ang mga luha ko'y walang tigil sa pagtulo. Gustuhin ko mang makipag usap ng matagal kay josh, di ko na lang ginawa. Ayokong ipakita na nasasaktan ako at nahihirapan.
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION
FanfictionA SB19_Josh Fanfiction. This story have eleven parts. "DUMARATING TALAGA SA ISANG RELASYON ANG PAGSUBOK NA MAGPAPAGUHO NG MGA PANGARAP NA BINUO NIYO. PERO LAGI NIYO RING TATANDAAN NA KUNG KAYO TALAGA, GAGAWA AT GAGAWA NG PARAAN ANG TADHANA PARA MUL...