ANG PAMAMAALAM NI TRISHA

25 2 0
                                    

[♡MARY-ANN POV♡]

  Hindi ko na ata kayang nahihirapan si Trisa. Dahil pati ang anak nila naapektuhan na. Halos hindi na makakain ng maayos si Joshua. Ganun din si Josh.

"Joshua, halika na, kumain ka na muna" aya ko sa kaniya. "Tita, busog pa po ako" sagot lang niya sakin. Alam kong walang katotohanan lahat ng sinasabi ni Joshua. Dahil ang totoo, nahihirapan siya sa kalagayan ng mommy niya. Hindi ako papayag na hindi parin siya kumain ngayon. Baka mapano na siya.

"Joshua, pwede ba tayong mag-usap" tanong ko. "Sige po tita" sagot niya. "Joshua, alam mo pare-parehas tayong nag-aalala sa mommy mo" panimula ko. "Tita, bakit alam mo po?" sagot niya. "Joshua, always remember, eyes don't lie" sagot ko.

Pagkatapos kung sabihin yun bigla na lang humagulgol si Joshua.

"Tita" saad muli niya sabay yakap sakin. "Sige lang joshua, iyak ka lang" sagot ko. "Tita, matagal ko na pong tinanggap ang katotohanan na hindi ko na po makakasama ng matagal si mommy" saad pa ni Joshua. "Joshua, ganun talaga ang buhay ng tao" payo ko.

  Sa totoo lang, magwa walong taon pa lang si Joshua. Pero the way he think parang nasa 20+ na siya. Naiintindihan na niya lahat ng bagay na nangyayari. Kaya ganun na lang din siya masaktan ng sobra.

"Tita, saiyo ko lang po hihilingin ito" seryoso niyang saad. "Ano yun, joshua?" tanong ko agad. "Tita, kapag wala na po si mommy, pwede po bang ikaw na lang maging mommy ko ulit?" tanong niya. Napahinto ako sa tinanong sakin ni Joshua.

"Sabi niya po kase sakin, na hilingin ko daw po yan saiyo ei" dagdag pa niya. "Joshua, alam mo hindi kita tatanggihan sa bagay na iyan. Kaso lahat ng bagay nadaan sa proseso" sagot ko. "Ganun po ba? Basta po gusto ko pong ikaw ang magiging mommy ko po ulit kapag nawala na po si mommy trisha ko" saad pa niya.

Niyakap ko na lang siya ng buong pagmamahal. Napakabata pa niya para maintindihan ang lahat pero umaasa ako na naiintindihan niya ako.

Sa totoo lang mag-iisang buwan nang nasa akin si Joshua kase hindi na siya maasikaso ni Josh dahil palagi na lang siyang nasa ospital. Nadalaw din naman kami doon thrice a day.

Hindi rin ako nagtatagal dahil hindi ko kayang makita ang bawat eksena na nangyayari. Bukod sa nasasaktan ako, nakakaramdam ako ng matinding selos. Hindi ko na lang pinapahalata.

  Hanggang isang araw, isang malungkot na balita ang biglang natanggap namin. Hinang hina na daw si Trisha. Kaya ura-urada kaming pumunta ni Joshua sa hospital.

  Nadatnan namin sa loob ng ospital ang mga taong nag-iiyakan. Nung una ay wala pa akong ideya kaya agad akong pumasok. Tumambad sa akin ang hinang hina na trisha.

"Mary-ann, nandito na ka" nanghihina niyang saad. "Trisha" umiiyak kong sagot. "Mary-ann, Josh, pwede bang hilingin mo sa iba na lumabas muna sila?" utos ni Trisha. "Sige trisha" sagot naman ni Josh at nakinig naman sila. Kaming tatlo na lang ang natira sa loob.

"J-josh, salamat sa lahat ng pag-aalaga at pagmamahal" saad pa ni Trisha. Hirap na hirap na siya sa pagsasalita pero pinipilit niya dahil marami siyang gustong sabihin. "Trisha, hindi mo kailangang magpasalamat" sagot naman ni Josh.  "Mary-ann, hindi intensiyon na buwagin kayo ni Josh hah. Sana mapatawad mo ako" saad pa niya. "Trisha, hindi naman ako galit saiyo" sagot ko.

  Sa palagay ko ito na ang huling araw na makakasama namin si Trisha. Masakit ito para samin pero nakatakda siguro itong mangyari.

"Mary-ann, salamat sa pagsasakripisyo at pagtupad sa mga hiling ko" saad pa niya. "Trisha, hindi mo kailangang magasalamat" sagot ko. "Mary-ann, sa-salamat sa pagpapahiram kay Josh. Sobrang napasaya mo talaga ako" umiiyak na niyang saad. "Ibinabalik ko na siya ngayon" dagdag pa niya.

  Trisha, ano bang pinagsasabi mo? Naguguluhan ako.

"Josh and Mary-ann, magpapaalam na ako" saad pa niya. "Josh, you can marry, mary -ann now" saad pa niya. "Inayos ko na lahat. Si attorney na lang bahalang magpaliwanag sa inyo" saad pa niya. "Mary-ann, thank you" saad pa niya.

Dahan dahang nilapitan ni Josh si Trisha kasabay nun ay pagyakap ng mahigpit at halik sa mga labi nito. Alam kong yun na ang pabaon niya.

"Trisha, you can rest now" bulong niya. "I love you" saad muli niya. "I forgive you" saad pa niya. Tuluyan na ngang nawalan ng buhay si Trisha. Ito na ata ang pinakamasakit na tagpo sa buhay ko. Alam kong nasaktan ako ni Trisha ng sobra pero naging matalik na magkaibigan na kami.

Alam kong masaya si Trisha nang mawala sa mundong ito. Dahil bakas ang saya sa mga labi niya. Wala akong kalungkutan na makita sa mukha niya. Sobrang nagpapasalamat din ako sa kaniya kase ang dami kong lesson na natutunan.

TO BE CONTINUE...

JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon