ANG KATUPARAN

25 2 0
                                    

[_JOSH POV_]
   Bakit kailangan palagi kami'ng dalawa ang magsasakripisyo? B-bakit kailangan, kailangan si mary-ann palagi ang nagpapaubaya? Bakit? Bakit? Mga tanong na nabuo sa isipan ko.

"Mary-ann, i'm really sorry" bulong ko habang kinakausap siya. "Ayos lang josh" sagot naman niya. "Mary-ann, alam kung nasasaktan ka, ayaw mo lang sabihin. Ang mga mata mo mismo ang nagsasabi niyan" saad ko pa. "Josh, wag mo na akong alalahanin. Ayos lang lahat sakin" sagot ulit niya.

  Alam kong kasinungalingan lang lahat ng mga binitiwang sagot ni mary-ann. Alam kong sobrang nasasaktan at nahihirapan siya sa puntong ito.

"Sige na Josh, baka hinahanap ka na ng wife mo" saad pa ni mary-ann. "Bye" dagdag pa niya at nag-umpisa nang mag lakad. "Mary-ann, pangako, gagawin ko na ang gusto mo" sigaw ko. "Mabuti" sagot naman niya at napahinto.

[_MARY-ANN POV_]

"Salamat Josh" bulong ko nung marinig ko ang sinabi ni Josh. "Alam kung matutuwa si Trisha ng sobra" saad ko pa at nagpatuloy nasa paglalakad.

[_TRISHA POV_]
"Good morning Josh" saad ko. "Good morning din love" sagot niya. "Tinawag mo ba akong love?" tanong ko. "Oo love" sagot niya agad. "Josh, nananaginip ba ako?" tanong ko pa. "Trisha, love, siyempre hindi totoo ako" sabay hawak sa kamay ko. "Totoo ka nga, hindi ako nananaginip" emosyonal kong wika.

  Grabe nakakagulat! Ganito pala kasarap sa pakiramdam.

"Love, halika, maupo ka na" saad pa ni Josh. "Sige love" sagot ko. "Si Joshua, gising na ba?" tanong pa niya. "Hindi pa love" sagot ko. "Ganun ba, tayo na lang muna ang kumain love" saad pa niya. "Sige love" sagot ko.

  Sa palagay ko ang sapat na ang bagay na ito sa babaunin ko sa pag-alis ko sa mundong ito. Maraming salamat mary-ann. Sobrang napasaya mo talaga ako. 

  Lumipas pa ang tatlong buwan, masasabi kong sobrang saya ko kase sa wakas pinaramdam sakin ni Josh ang pagiging asawa niya. Alam kung labag sa kalooban niya ang bagay na ito pero ginawa niya. Magandang baon na ito. I cherish this.

"Hi mary-ann" saad ko. Tinawagan ko kase siya magpapasama sana ako sa pagpaacheck up. Siya lang naman kase ang nakakaalam ng bagay na ito. "Hello trisha" sagot niya. "Napatawag ka?" tanong pa niya. "Mary-ann, busy ka ba? Magpapasama kase sana ako magpapacheck up kase ako" saad ko.

"Napapadalas na kase ang pananakit ng puso ko. Dumudoble ang sakit" saad ko pa. "Sige trisha! Sunduin na kita diyan sainyo" sagot niya. "Sige, salamat" saad ko. "No worries" sagot niya.

Sobrang thankful talaga ako kay Mary-ann kase kapag nagrerequest ako sa kaniya na samahan ako sa pagpapacheck up lagi siyang go. Siguro dala na rin yun ng awa niya sakin. Pero ayos lang! Darating ang araw na masusuklian ko rin lahat ng sakripisiyo niya sakin.

Pasado alas onse na ng makapunta kami sa hospital. Grabe yung sakit ng puso ko, pakiramdam ko uunt-unti na akong pinapatay ngayon sa sakit.

[_MARY-ANN POV_]

"Doc, kumusta po ang kalagayan ni trisha? May changes po ba?" tanong ko. "Tbh miss, mary-ann, sa puntong ito palala na ng palala. As soon as possible kailangan na natin siyang maoperahan. Per" putol na wika ni Doc.

"Pero po ano?" tanong ko. "10% lang ang chances na makayanan niya. Sobrang hina na ng puso niya" sagot pa ni Doc. "Ga-ganun po ba?" emosyonal kong tanong. "Oo ms. mary-ann, excuse me" saad pa ni doc

  Halos mapaupo ako sa iyak at gulat na nararamdaman ko. Sa madaling salita ay taning na ang buhay ni Trisha kahit na magpaopera pa siya.

Gustong gusto ko na sabihin kay Josh ang bagay na ito pero pinipigilan ako ni Trisha. Dapat kase nandito si Josh sa tabi niya at magkasama silang nilalabanan ito.

Hindi na muna ako eeksena sa kanila. Titiisin ko na lang lahat ng sakit, kesa naman na ako ang nakakakita kay trisha. Hindi ko kaya!

TO BE CONTINUE...

JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon