IKALAWANG BESES

34 2 0
                                    


KINABUKASAN;
  Pasado alas onse na nang makarating ako sa cafeteria na sinabi ni Trisha. Agad ko ring tinanong ang nasa counter kung may dumating na. Agad naman sinabi nitong wala pa. Akala ko talaga na late na ako.

"Makaupo na nga lang muna. Baka na traffic lang si Trisha" saad ko. Ilang minuto rin akong naghintay. Tatawagan ko na sana si Trisha, nang biglang..

"Mary-ann?" tanong ng babaeng nasa likuran ko. "Trisha?" sagot ko. "Ako nga" sagot naman agad nito. "Sorry na late ako, may nilakad lang kase akong mahalaga" saad pa niya. "Ayos lang" sagot ko. "Halika maupo ka" saad ko. "Oum salamat" sagot naman niya agad.

Grabe hindi ko agad nakilala si Trisha. Ang laki na kase ng pinagbago niya. Hindi na siya yung trisha na maganda at sexy. Pakiramdam ko tuloy may something kay Trisha. Bakas rin sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Trisha, kumusta ka na?" tanong ko. Pansin ko rin na nahihiya siya sakin. "Ayos naman" sagot niya sabay iwas tingin. "Trisha, may problema ba?" tanong ko. "Mary-ann, nahihiya lang kase ako. After all things happen at nagawa ko at kapal ng mukha ko para humarap sa iyo" emosyonal niyang sagot. "Trisha, ang nakaraan ay nakaraan" saad ko. "Wag kang mahihiya sakin" saad ko pa.

  Sa totoo lang oo aaminin ko nasaktan talaga ako pero nangyari na iyon at nakaraan na iyon. Hindi naman ako galit sa kaniya.

"Trisha, kumusta naman kayo ni Josh ng wife mo?" matapang kong sagot. Nagkamali ata ako na tinanong ko ang tanong na iyon. Bigla kase siyang umiyak. "Trisha, sorry!" saad ko pa. "Ayos lang mary-ann" sagot niya. "Sa totoo lang mary-ann, consequences na ata ito ng mga pagkakamali ko. Kaya ganito ang nangyayari sakin at sa amin" sagot niya.

Ramdam na ramdam ko bigat ng dala dala ni Trisha. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari. Bakit naging kabaliktaran?

"Trisha, hindi naman siguro" saad ko pa. "Mary-ann, alam mo minsan naiinis na ako saiyo. Kase bakit ba ang bait bait mo?" natatawa niyang tanong. "Trisha naman" sagot ko. "Mary-ann, alam mo, isang bagay lang naman ang hinihiling ko bago ako mawala" seryoso niyang saad.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Trisha. Ano kayang ibig niyang sabihin sa bagay na "bago siya mawala?".

"Trisha, ano bang sinasabi mo?" tanong ko.  "Mary-ann, malapit na akong mawala sa mundong ito" umiiyak pa niyang wika. "Trisha, ano bang problema?" pag-aalala ko. "Mary-ann, my heart disease ako. Habang tumatagal pahina na mg pahina ang puso ko" umiiyak niyang sagot. "A-ano?" gulat kong tanong.

Halos mapaiyak ako sa bagay na sinabi sakin ni Trisha. Ito siguro ang dahilan kung bakit bumagsak ang katawan niya.

"A-alam na ba ito ni Josh?" tanong ko pa. "Mary-ann, please, wag mog sabihin sa kaniya. Ikaw lang ang nakakaalam nito" pagmamakaawa niya. "Pe-pero?" saad ko. "Please?" pagmamakaawa niya ulit. Kahit nagdadalawang isip ako. Mas pinili ko na lang na bumitaw ng pangako sa kaniya. Gustuhin ko mang ipaalam ito kay Josh.

"Sige, trisha" sagot ko. "Trisha, ito ba ang dahilan kung bakit?" putol kong tanong. "Oo mary-ann" sagot niya agad. Grabe naiiyak na talaga ako. Sobrang lalim pala ng dahilan ni Trisha kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Ang sama ko kase hindi ko agad inaalam ang bagay na iyon.

"Trisha, kalimutan mo na ang nakaraan. Ngayon maliwanag na sakin" sagot ko. "Oum" sagot naman niya. "Mary-ann, may isang hiling lang sana ako" seryoso niyang saad. "Sure, ano yun?" tanong ko. "Mary-ann, sa ikalawang pagkakataon pwede mo ba akong tulungan? Gusto ko kaseng maranasan ang pagiging asawa sakin ni Josh kahit sa huling sandali ng buhay ko" hiling niya.

  Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Sa ikalawang pagkakataon, gagawin ko na naman ito. Masakit ito para sakin kase may feelings parin ako kay Josh at mahal na mahal ko parin siya. Siya parin ang laman nitong puso ko.

Siguro gagawin ko na naman ulit ito para kay Trisha. Dahil doon siya magiging masaya.

"Pwede ba?" tanong niya ulit. "Sige trisha" sagot ko. "Salamat" saad pa niya sabay niyakap ako. "Walang anuman" sagot ko naman. "Sige trisha, mauna na pala ako. May pupuntahan pa pala ako" pagsisinungaling ko. "Sige mary-ann, salamat sa oras mo" saad muli niya. "No worries" sagot ko.

"Mary-ann, ito nga pala ang bagong phone number ko. Dito ka na lang tumawag" saad pa niya. "Sige" sagot ko.

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon at agad na akong umalis. Hindi naman talaga totoo na may pupuntahan ako ginawa ko lang na palusot yun kase sobrang nadurog na naman ako.

Bakit kailangan sa ikalawang pagkakataon, gagawin ko na naman ito? Masakit ito para sakin pero sige gagawin ko na lang ulit. For Trisha's Happiness.  Kahit ikadudurog ko.

TO BE CONTINUE...

JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon