PAG-AMIN

24 2 0
                                    

   Ngayong araw ay iniwan sakin ni Trisha ang anak niyang si Joshua. Grabe napaka cute ang bait niyang bata. Pinalaki siya ng maayos ni Josh at Trisha.

"Hi Joshua" saad ko. "Hello po" sagot niya. "Joshua, halika usap tayo" saad ko. "Sige po" sagot naman niya agad at lumapit sakin. "Joshua, how old are you na?" tanong ko. "I'm now 7 years old po" sagot niya.

"Naks, magbibinata ka na pala hah" pagbibiro ko. "Oo nga po ei, tapos tinatawag pa ako ni daddy na baby" nahihiya niyang kuwento. "Ayos lang yan, joshua" sagot ko.

  Ngayong araw pa lang talaga kami nagkakilala at nagkasama ni Joshua pero nagkasundo na agad kami. Grabe napakabait niya. Napakaswerte ni Trisha at Josh kase may anak silang understanding.

"Tita, wala ka pa po bang wife or anak?" tanong ni Joshua. "Wala ei" sagot ko. "Bakit, hindi ka pa po nag-aasawa?" tanong pa niya. "Naku joshua, masyado ka pang bata para diyan" sagot ko. Gustuhin ko man sabihin kay Joshua ang buong katotohanan hindi ko na lang ginawa.

"Tita, pwede mo naman po akong maging anak ei" saad pa niya. "Kapag pupunta po ako dito" saad pa niya. "Naku, magandang ideya yan" sagot ko. "Yehey dalawa na mommy ko" saad pa niya sabay yakap sakin.

Bigla ako'ng naging emosyonal sa pagkayap sakin ni Joshua. Matagal ko na talaga'ng pinangarap na makabuo ng pamilya kaso di ako pinalad. Masaya ako kase dahil kay joshua, nagkakatotoo yun.

Abala kami'ng dalawa ni Joshua sa pagkukuwentuhan, nang bigla..

*/Ding dong 2x

"Joshua, wait lang hah, baka si mommy mo na yun" saad ko. "Puntahan ko muna" saad ko pa. "Sige po tita" sagot niya. "Sandali lang, palabas na" sigaw ko para matigil na sa kaka doorbell.

"Trisha?" masaya kong saad. Hindi pala si Trisha ang nagdodoorbell. "Josh?" gulat kong tanong. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pa. "Itatanong ko lang sana kung alam mo kung na saan si Trisha at Joshua?" tanong niya. "Ah si Joshua iniwan sakin kanina ni Trisha" sagot ko. "Ah ganun ba, akala ko nandito siya" sagot pa niya.

Himdi rin pala alam ni Josh na aalis si Trisha. Saan naman kaya siya pupunta?

"Josh, hindi ba siya nagpaalam saiyo?" tanong ko. "Hindi ei, kanina kase may mga pinapirmahan siya sa aking mga papers and after nun umalis na siya" sagot niya. "Ah ganun ba, baka may aasikasuhin lang" sagot ko naman. "Siguro" sagot naman niya.

Alam kung nag-aalala lang si Josh kaya pumunta siya sa house ko. Masaya ako'ng hanggang ngayon pinaninindigan niya parin ang hiling ko.

Siyempre dahil nakita ni Joshua ang daddy Josh niya. Nag-aya siyang gumala. Hindi talaga dapat ako sasama kaso mapilit si Joshua ei. Grabe yung mga bulong bulongan ng mga tao ang perfect time naming pamilya ang hindi nila alam walang katotohanan ang iniisip nila. Siguro kung kami yung kinasal ni Josh ganito na rin kalaki ang anak namin. At ganito din kami kasaya.

  Pasado alas syete na ng matapos kami sa pamamasyal sobrang napagod talaga si Joshua kaya nakatulog na siya sa biyahe. Pauwi na rin kami, kaya ayos lang.

"Mary-ann, thankyou" pasasalamat ni Josh. "Para saan?" tanong ko. "Mary-ann, pinasaya mo ako ngayong araw" saad pa niya. "Josh" butong hininga ko. "Basta thankyou, sana maulit ito" saad pa niya. Tumango na lang ako.

Lumipas pa ang isang buwan, na weweirduhan na ako sa mga kinikilos ni Trisha. Madalas na niya saking iwan si Joshua. Lagi niyang sinasabi sakin na matatapos na ang mga inaasikaso niya makakaalis na siya ng masaya sa mundong ito. Sobrang kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.

  Sa kabilang banda, pasado alas dose ng tanghali ng biglang tumawag sakin ang personal doctor ni Trisha. Nananakit na naman daw ang puso ni Trisha kaya agad na akong pumunta.

"Doc, kumusta po ang lagay niya?" tanong ko. "Ms. Mary-ann, di na ako magpapaligoy ligoy pa, pahina na ng pahina ang puso niya" sagot ng doctor. "Kaya as soon as possible, kailangan na natin siyang maoperahan" saad pa ni doctor.

"Ganun po ba?" malungkot kong sagot. "Ms. Mary-ann, kausapin mo na si Trisha. Sige mauna na muna ako, para na rin makapag-usap kayo" saad pa ni doc. "Sige po doc, salamat po" sagot ko. 

  Sobrang kinabahan at natakot ako sa sinabi ni doc kaya agad ko yung sinabi kay Trisha.

"Trisha, ang sabi ni doc, pahina na daw ng pahina ang puso mo" saad ko. "Pumayag ka na kaseng operahan ka" saad ko pa. "Mary-ann, hindi ko na kailangan magpaopera" sagot lang niya. "Trisha, please?" pagmamakaawa ko. "Mary-ann, hihintayin ko na lang ang araw na puso ko na mismo ang mawalan ng tibok" sagot pa niya.

  Ganito pa rin ang palaging sinasagot niya. Kailangan talaga malaman na ito ni Josh. Gusto ko nang ipagtapat ang karamdaman niya. Ngayon pa't dito na siya mamamalagi sa ospital kase oobserbahan siya.

  Sorry trisha, sisirain ko muna ang pangako ko. Ayokong kung kailan huli na tsaka ito malalaman ni Josh.

TO BE CONTINUE...

JUST MARRY HER (SEASON TWO)- (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon