#8 - Distance

151 0 0
                                    

#8- Distance


Sunny's POV..



"Sky! Stop this! Nanggugulo ka na naman! Can't you see we're trying to fix our lives, so you better fix yours!"


Nabigla ako sa sinabi ko, gusto ko sanang bawiin lahat ng mga salitang lumabas sa bibig ko, tiningnan nya lang ako, ngumiti sya,


"Don't worry, I'm helping you fixing yours, and after that I'll fix mine. That's a promise."


Pagkasabing pagkasabi nya ng mga salitang yun, umalis na sya, bigla akong may naramadamang kung anong kirot sa dibdib ko..


Alam ko nasaktan ko sya. Alam ko sa sarili ko yun.


"Hey babe, are you alright?" Tanong sakin ni Greg habang pinupunasan nya yung dugo sa may bibig nya.


"I'm fine. Ikaw? Gusto mo pumunta tayo sa clinic na malapit?"



"I'll be fine. Let's eat?"


"Okay."
Pumasok na kami sa restaurant kung saan sila nag meet ni Sky, pero hindi na kami naupo sa table nila.



"Sunny, babe. Thank you." Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan yun, napatingin naman samin yung nasa kabilang table.



"For what?" Tanong ko.



"For giving me a second chance." He smiled.



And then suddenly a flashback came...



"Sunny! Please, please let me talk to you." Umiiyak syang nakaluhod sa harapan ko, halos lahat ng dumadaan samin nababali na ang leeg kakalingon.



"Wag ka ngang gumawa ng eksena dito! Tumayo ka dyan!" Inis kong sabi.



Pilit nyang hinahawakan ang kamay ko, ayokong tumingin sa mga mata nya kasi pag ginawa ko yun alam kong bibigay ako.



*uy kawawa naman yung lalake*


*grabe naman yung babae, parang bato, hindi na naawa*


*anong problema kaya nila?*


*hala grabe, parang walang puso yung babae, halos maglulupasay na yung lalaki oh.*



Bwiset na mga chismoso at chismosa! Mga wala namang alam sa nangyayari at ako pa ang masama? Eh sya nga tong nang iwan! Lecheeee.



"Sunny please. Kausapin mo ako. Please."



"Ewan ko sayo! Oh eto bente kausapin mo."
Hinagisan ko sya ng bente at nag walk out na sa mall. Hindi na ako magtataka kung nasa youtube, facebook, instagram o twitter na ako bukas, baka mag trending pa kami. At isa pa bakit? Bakit ko pa sya kakausapin? I'm not ready. Maghintay sya!



Lumipas ang mga araw, madalas nasa printing memories sya, naka upo sa may pavements, hinihintay ako, may dalang bulaklak, chocolates at kung ano ano pa. Text ng text, tawag ng tawag, hindi ko alam kung sinong loko ang nagbigay ng number ko sa kanya, hanggang sa pag uwi ko sa tower one nakasunod sya, in short stalker! Pati pagpasok at paglabas ko ng school nakasunod sya, pati si Jessie naiinis na rin sa kanya.



"Bessie ano ba yang ex mo, nakakatakot na! Hanggang dito sinusundan ka. Baka mamaya habang naliligo ka nakabantay pa rin yan."



"Baliw! Hayaan mo nga syang sumunod ng sumunod, mapapagod din yan."



Nagkamali ako. Hindi sya napapagod, umulan man o umaraw. Present pa rin.



"Sunny, bakit hindi mo bigyan ng chance yang si Greg? Tingnan mo kawawa naman." Nasa printing memories ako, kausap ko si Sir Jed.



"Hay naku Sir Jed, alam nyo naman po ang storya namin diba? At isa pa, para san?"


"Ganito kasi yan Sunny, kaming mga lalaki, syempre bilang tao, nagkakamali kami, at ganun din kayo. Siguro may mas malalim syang rason kung bakit nya nagawa yun, bakit alam mo na ba kung bakit ka nya iniwan?"



"Hindi pa Sir. Pero sana naman kung may problema sya nung mga panahon na yun sinabi nya sakin diba? Hindi kung kelan ikakasal na kami, dun sya mag babackout."



"Yan! Yan! Isa pa yan. Marami kang tanong na hindi masagot sagot dahil sya lang ang makakagawa nyan, hindi lang naman para sa kanya kung mag uusap kayo, para rin sayo yun Sunny, at least malalaman mo na kung bakit nya nagawa yun, mas mabuti ng alam mo hindi yung habang buhay mag reregret ka kung bakit hindi mo sya binigyan nga chance. At isa pa, mag uusap lang naman kayo diba? Wala namang nagsabi na pag nag usap kayo, kayo na ulit. Talk to him for closure, para if ever man na hindi mo na talaga sya mahal you can turn the page for the next chapter."



"Hay Sir, basta pag sa love talaga ang galing galing nyong magpayo. Buti pa kayo asensado ang lovelife! Parang si Bessie, ayun umaariba ang buhay pag ibig."


"When it comes to love iha, hindi yan stable. Maaaring masaya kayo ngayon, bukas hindi na, kayo ngayon, bukas wala na. Hindi mo rin kasi masasabi ang mangyayari bukas, pwedeng mahal ka nya ngayon, bukas hindi na. Basta kung anong meron ka ngayon, ingatan mo, gawin mo ang lahat para sa huli no regrets. At isa pa wag mo munang problemahin ang love life mo, ayusin mo muna tong mga ipiprint pa. Lagot tayo kay Madame Gigie nyan."



"Hahahahaha! Ikaw talaga Sir. Eto na nga po piniprint ko na."



"Good. Pero Sunny. Just think about it."



"Yes sir!"


After ng usapan namin ni Sir Jed, medyo nakapag isip isip na ako. Siguro nga tama sya, kailangan ko ng kausapin sya. I must face my past. Masakit man o hindi.



Next day, first shoot sa Steak House Apartment. Ang awkard talaga ng sitwasyon kasi nagkiss kami nung isang gabi, parang kelan lang pinoproblema ko tong si Greg, tapos ngayon naman si Sky na hinalikan ako at errrr, hinalikan ko din sya. Andun sya sa likod ko, pinapanood akong mag shoot. Nakaka ilang. Hanggang sa nag usap na kami sa office nya at sinabi nyang, 'I think, I like you' Jusko naman, bakit naman ganito ang nangyayari, gulong gulo na nga ang buhay ko makikisali pa tong Autistic na Sky na to! At isa pa kelan pa? Ang bilis naman yata?



Sabi ni bessie, hindi ko lang daw talaga matanggap na gusto nya ako. Bakit nga ba? Ewan ko rin ang sagot. Haaaaaayyyyyy. And this is it.. Handa na akong kausapin si Greg. I'm ready to face what's with it.



*Let's talk, Jessie's Bar. 5pm.*



Tinext ko sya at wala pang one minute nagreply sya ng, *Thank you Sunny.*



Nung hapon na din na yun nagkita na kami sa Bar ni Jessie, si Bessie naman wala, may meeting pa daw sya.



Naupo na ako sa couch, mas maaga syang dumating. Nasa kabilang side sya, nag order na sya ng foods and drinks.


"So, tell me." Kinuha ko yung ipad ko at nagsimulang maglaro ng plants versus zombies, gusto kong madistract habang nag uusap kami. Ewan hindi ako makumportable o mapalagay sa sitwasyon namin.



"Still playing that game huh."


"I'm done with the first, this is the second one. Eto lang ba ang pag uusapan natin? About the apps that I'm currently playing?"



"I'm sorry. I just want to lighten up the convo."


"Well you know what Greg, no matter how much you lighten up this talk, still we're going to end up in that topic. Wag na tayong magpaligoy ligoy pa."
I said as I planted my pea shooter.



"Sunny, alam ko nagkamali ako. Pinagsisihin ko yun, maniwala ka man o hindi, walang araw na hindi lumipas na hindi ko naiisip ang katarantaduhang nagawa ko sayo."



"Tapos?"



"Masayang masaya ako nung araw na pumayag kang magpakasal sakin, no words can explain. Masasabi ko noon na isa ako sa pinakamasayang lalaki sa mundo, papakasalan ko ba naman ang isang babaeng tulad mo. Pero may mga bagay na hindi naging stable satin, lalo na sakin."


I paused the game, baka makain pa ng mga zombies yung brain ko, "wala naman talagang permanente sa mundo diba Greg? In just a snap everything can change." Then I started to play again.



"Habang nag peprepare tayo for the wedding, nag iisip ako ng mga bagay bagay, una, ayaw ng parents mo sa relasyon natin, mayaman ka, isang hamak na commoner lang ako. Pero sabi mo nun, okay lang as long as na mahal natin ang isa't isa, okay lang, us against the world nga diba? But whenever that it crosses my mind, wala tayong blessing ng mga magulang mo, at alam ko na sobrang importante sila sayo."



"Oo they're important to me, very important, at ganun din ako sayo. I gave up everything just to be with you, and then suddenly you gave up on me, on us."


"I'm really sorry, nung mga panahon na yun, inalisan ka ng mana, ng connections sa pamilya mo, they cast you away. And I saw it in my eyes how you suffered, how you try to hide to cry every night. Sunny nakikita ko yun, madalas sinasabi mo na everything will be fine, you'll be fine. Pero bilang fiance mo, tinanong ko ang sarili ko, bakit wala akong magawa? Bakit hindi ko maipagtanggol ang relasyon natin sa mga magulang mo? Bakit hindi ako naglakas ng loob na harapin sila. Bakit?"



"Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi mo nagawa yan noon?"



"Simple lang, natakot ako sa pwedeng mangyari sayo at sa pamilya ko. Sunny ikaw ang strength at weakness ko, nung unang beses mo akong iniharap sa mga magulang mo, hindi mo ba naisip na bakit ayaw nila agad sakin? Hindi pa nga kami nagkikita ayaw na agad nila?"



"I know my parents, they investigated you. But I want to prove them wrong. Na hindi ka ganung klaseng lalaki, at alam ko yun."



"Oo babaero ako nun, pero hindi ako manloloko. Hindi rin ako magnanakaw, wala akong ninakawan na kahit sino."



I paused and save the game and pressed the home button.



"Alam ko, at naniniwala ako sayo. Na sinet up lang ng ex mo lahat, para bumalik ka sa kanya, yung Greg kasi na kilala ko, hanggat kaya nya, kakayanin nya, kung may gusto man syang bagay, material man o hindi pag iipunan at pagsisikapan nya yun. Alam ko mahirap para sayo na itinakwil ako ng mga magulang ko dahil sayo, pero Greg, sana inisip mo na ikaw ang makakasama ko pag tanda at hindi sila, pamilya ko sila at tayo gagawa tayo ng sarili nating pamilya."



"Thank you for always believing in me Sunny." Bigla nyang hinawakan yung kamay ko, nakaramdam ako ng lungkot at bigat sa puso ko. All this time kapakanan ko pa rin pala ang iniisip nya.



"Pero Greg,.." Inalis ko agad yung kamay ko sa kamay nya. "Bakit mismong kasal pa natin mo ako iniwan?"



"I'm sorry Sunny, nung gabi bago tayo ikasal, gusto ko na sanang sabihin na wag na lang muna natin ituloy.."



"Bakit hindi mo sinabi?! Bakit sa mismong araw pa na yun?!! Sa pinaka- importanteng araw pa nating dalawa!!"



"Sunny, mahal kita, mahal na mahal kita alam mo yan."
Kalmado nyang sabi. At ako naman eto umuusok na sa galit.



"Eh bakit mo nga ako iniwan!!!? Bakit hindi ka sumipot?"



"Nung gabi, sasabihin ko dapat sayo ang nangyari. Pero biglaan. Hindi ko alam kung anong dapat gagawin, sa dinami dami ng araw mismong nung gabi pang yun."



"Ano ba kasing nangyari?!! Bakit ayaw mong sabihin?!!"




"Sunny, may kumatok na isang babae sa bahay ko ng gabing yun, pumunta sya at sinabing nabuntis ko daw sya."



Unti unti kong iniangat ang mukha ko para tingnan sya, bakas sa mukha nya ang sobrang kalungkutan at pagsisisi.



*slaps*



"Greg, tatlong taon tayo!!! Bullshit!!! tatlong taon tayong magkasama! Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay!! Tapos nakabuntis ka palang gago ka!! Walanghiya ka!!! Yan ba ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mo ako nagawang pakasalan?!! Dahil ayoko pang ibigay ang sarili ko sayo??! Kaya ka ba naghanap ng iba??!!! Fuck you!! Gago ka!!"



"Sunny, heyy. Please calm down."



"Calm down?!!! Hayop ka!!!"



"Sunny, please listen, it's not what you think."



"Ano??!!! Kelan pa? Gaano ng katagal ang relasyon nyo ng babaeng yun? Kelan nyo pa ako niloloko?!!"



"Sunny please listen to me!.."



"Wala na tayong dapat pang pag usapan pa. That's it."



"Sunny, hindi ako sumipot sa kasal natin dahil inayos ko ang lahat. Lahat ng inipon ko naubos para lang mapatunayan na hindi ako ang ama ng dinadala nya. Sunny 10 months, naghintay ako ng 10 months para lang malaman ang resulta ng DNA ng bata. Nung lumabas yung results, nakahinga ako ng maluwag, hindi ako ang ama. At isa pa walang nangyari samin. Maniwala ka."



"Bakit naman sya susulpot sa bahay nyo, at sasabihing ikaw ang ama? Baliw ba sya?"



"Nung gabi na nag away tayo, I was with my friends that night, nag inuman kami sa condo ni Cariv, may mga kasama syang babae, isa na dun si Autum, nalasing kami, pero alam ko ang ginagawa ko, the next day nagising na lang ako katabi ko na si Autum, nasa kama kami. Hindi ko sinabi sayo na may ganung nangyari, kasi alam kong wala naman talagang nangyari samin. Nung lumabas yung results, inamin nya rin sakin na set up lang ang lahat nung gabing yun, hindi ako ang nakabuntis kay Autum, si Cariv ang ama."



"Bakit naman gagawin ni Cariv yun sayo?"



"Because he wants you. That's it."



Nabigla ako sa sinabi ni Greg, hindi ko alam ang sasabihin. Nawala yung boses ko. Ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, akala ko dahil lang sa mga magulang ko ang dahilan kung bakit, may mas malalim pa palang dahilan. Dahil kay Cariv, kay Autum nasira ang lahat ng plano namin sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang pakawalan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap naman ako ni Greg, mahigpit na mahigpit na namiss ko ng sobra.



"Sunny, sssshhhhh.. Stop crying. I'm sorry. I'm really really sorry." Then he kissed my forehead.



"Waaaaaahhhhhh!!!!! Sorry Greg! Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sayo, sana sinabi mo sakin ng mas maaga. *sniffs* Sorry din kasi sarili ko lang ang iniisip ko ng mga panahon na yun, hindi ko alam na mas nasasaktan ka sa mga nangyayari. Sorryyy *sniffs*"



"It's okay now Sunny, tapos na ang lahat. Okay na. Nagawan ko na ng paraan."



End of flashback..



"Did you enjoy the food babe?"



"Yes. May pupuntahan pa ba tayo Greggy?"



"Ehe! Ehe! Ehe!"



"Uy okay ka lang? Water."
Agad nyang kinuha yung baso ng tubig at uminom.



"Sorry, tinawag mo kasi ulit akong Greggy."



"Ayaw mo ba? Sige Greg na lang ulit."



"No. Call me Greggy again Babe, I love you."



"I love you too Greggy."
I smiled and he smiled too.



And YES. GreNny's back.



********



"Bessie! Eto na lang isuot mo mamaya."



"Ano ba naman yan bessie, masyadong mahalay."



"Etong dress na to maganda rin to."



"Ayoko nyan. Baka mapagalitan pa ako."



"Ano ba yan! Lahat na lang rejected sayo. Hindi naman party ang pupuntahan mo. Mag pants ka na nga lang!"



"Bessie naman eh. After one year ngayon lang ulit kami magkikita. Syempre ang tagal na. Kelangan maayos naman akong tingnan, at isa pa bakit kinakabahan ako?"



"Hay naku, natural lang yan, matapos ba naman lahat ng nangyari. Oh last na dress na to sa closet ko, sayo pa yata to."


"Salmon dress?"


"Salmon ba to, ay oo nga. Eto yung suot mo nung kasal ni Mr. and Mrs. Mendez diba. Yung sinukahan ni Sky. Hahahahaha! Uyyyy."



"Bessie! Ano ba. Stop teasing me. May Greggy na ako. Kaya shut up!"



"Sus, Greggy, Greggy, pwe!"



"Alam mo Bessie nakakainis ka!"



"Mas nakakainis ka kaya Bessie, mag uusap lang daw. Ano ngayon?"



"Ha? Ngayon? Magkikita na kami nila mom and dad?"



"Sira! Sige na magbihis ka na, malate ka pa sa dinner date nyo. Tandaan mo Sunny last na to kay Greg ha, papabugbog ko talaga yung lalaking yung pag pina iyak ka."



"Ang sweet talaga ng Bessie ko! Pakiss nga!"



"Yakap na lang!"



*hugs*



"Bessie, paano mo sila nacontact?"



"Uhhhmmm. Sikretong malupit! Hahahaha! Bilisan mo na!"
Sabay tulak sakin sa bathroom.




****


"Are you sure, you'll be fine?" Hinatid ako ni Greg kung san kami mag mimeet ng parents ko.



"Yeah. Mag uusap lang kami, we'll fix the gap and then I'll introduce you again, okay?"



"Okay babe, call me if you're done so that I can fetch you."



"Okay, I love you Greggy!"



"I love you babe."



Pumasok na ako sa isang hotel, may dinner ako with mom and dad, kinakabahan talaga ako. As in. Hindi ko alam kung anong expression ang gagawin ko once na nakita ko na...



"Sunny, anak!" Nakita ko si mommy, agad akong lumapit, katabi nya si daddy, niyakap nila ako.



"Is this my daughter? You look very lovely." Mom said as she wiped her teary eye.



"Sunny, let's eat first?" Mom and Dad escorted me to our table.



Kumain muna kami bago nagkwentuhan, nung una nahihiya ako sa kanila kasi after all what happened, eto kami ngayon, okay na. Humingi na ako ng sorry at ganun din sila. Grabe namiss ko sila parehas. Yung pagiging clingy ni mommy at pagiging strikto ni daddy, sayang wala yung kapatid kong magaling. Busy daw sa trabaho. Hay naku uupakan ko talaga sya pag nagreunion na kaming apat. Palaging absent! After dinner, tinext ko si Greg na sa bahay muna namin ako matutulog, marami pa kasi kaming mga bagay bagay na pag kukwentuhan. Pumayag naman sya, hindi ko muna binaggit kina mommy yung about samin ni Greg, in God's time.



******


Printing Memories..



"Miss Sunny and company daw po." Sabi nung delivery man.. Ay mean ni Mark pala.



"Uy Mark! Anong ginawaga mo dito?"



"Utos ni Sir. Dalahan daw kayo ng pagkain."



"Ah si Sky ba Hunny?"
Sabat naman ni Bessie.



"Oo sya nga."



"Wow talaga naman tong si Sky consistent ang pagpapadala ng pagkain, from breakfast to dinner."
Sir Jed.


"Mark bakit daw sya padala ng padala ng pagkain dito?" Tanong ko kay Mark.


"Baka nililigawan ka Ms. Sunny?"


"Mark naman eh."



"Joke lang po, nagtatrabaho din po kasi kayo sa SHA, ganun naman po talaga yung si Sir. Medyo galante pagdating sa mga empleyado nya."


"Hunny, bakit ka ba sir ng sir kay Sky eh friends naman kayo?"


"Hunny, pag sa work boss ko sya, kaya sir, pero pag sa labas buddies kami."


"Hay ewan sa inyong dalawa! May dessert ba ako dito?"



"Meron Hunny, hindi ka mawawalan nun."


"Hoy! Kayong dalawa! Mamaya na ang landian. Nakakakilabot!"


"Ikaw naman Bessie! Hindi ka na nasanay, eh kayo nga ni Greg ganito din, makapag salita ka dyan."


"Wait. Kayo na ni Greg?"
Pagsingit ni Mark.


"Oo Hunny, sila na sa kasamaang palad kaya wala ng pag asa si Sir Sky mo."


"Kumain na nga tayo, ikaw Mark? Daming pagkain oh. Mukhang masarap pa."


"Masarap talaga yan Sunny, espesyal daw kasi. Sige po Sir Jed aalis na ako, Sunny mauna na ako ha, Hunny sunduin na lang kita mamaya, ako magluto ng dinner natin."


"Sige gusto ko yan! Bye Hunny, I love you!"
Tapos nag kiss silang dalawa sa harapan namin ni Sir Jed. Automatic na yata yung mga kamay namin na itakip sa mukha ng isa't isa. Isang buong linggo ba naman na ganito ang eksena namin.



"Bessie, wag na kaya natin tapusin tong kay Sky? Para araw araw may foods? Hahahaha!"


"Hindi naman yata yung pwede Bessie, ako na lang magluluto ng foods natin araw araw?"



"No way!"



"Sabay pa talaga kayo ni Sir Jed! Masarap naman akong magluto ah?"



"Hindi!!"
Sabay ulit sila at nagtawanan na kami.



-----------


"Bessie ang dami naman nating grocery, ipadeliver na lang kaya natin to?" Pag uungot ni Jessie sakin.


"Reklamo ka pa dyan! Ikaw nga tong maraming kinuhang grocery. At isa pa nasa parking na tayo. Ilalagay na lang yan sa compartment oh." Tig isa kami ng cart na tinutulak papunta sa kotse nya.



"Sige na nga. Text ko si Mark, papatulong ako magpa-akyat nyan sa taas."


"May bellman naman sa lobby, kay Kuya John na lang tayo magpatulong."


"Sige na nga, si Greg ba nasan?"



"Busy sa paghahanap ng trabaho, nag resign na kasi sya sa worka nya sa States. Dito daw muna sya kasama ko."



"Sus, kamusta kayo ni Sky?"


"Kami? Okay lang. Matatapos ko na palang i edit yung sa menu nila, pakisabi na lang."



"Eh bakit hindi ikaw ang magsabi? Aber?"
Nag start na kaming maglagay sa compartment ng eco bags.



"Wala. Awkward lang."



"Ano namang ikina awkward ngayon?"



"Diba sabi nya he likes me daw. Tapos ngayon kami na ulit ni Greg, tapos padala sya ng padala ng pagkain sa Printing Memories."



"So? Anong problema?"



"Wala."



"Wala naman pala bessie, pero if halimbawa hindi kayo ni Greg, papayag ka bang magpaligaw kay Sky?"



"Anong klaseng tanong naman yan Bessie."



"Halimbawa nga lang diba?"



"Siguro hindi rin ako papayag magpaligaw sa kanya. Sa lahat ba naman ng ginawa nya simula nung nasa states kami, remember that phone incident na hindi pa nya binabalik sakin ngayon? Ayun nasa kanya pa rin, pero sa ngayon hindi ko naman na kailangan yung phone na yun kasi Greg's here. Hindi mo ba natatandaan Bessie kung gaano naging kamiserable ang buhay ko simula nung dumating sya? He's just a pain in the ass."



"Sssshhhh. Bessie."



"Bakit?"
Tinuro nya yung likuran ko.



Anak ng putakte si Sky nasa likod namin paparating.



"Hindi naman nya tayo narinig, paparating pa lang oh."



"Kahit na, wag ka na ngang maingay."



"Jessie.. Sunny.. Andito pala kayo?"



"Ah oo. Grocery. Hehehe."



"Do you need help?"



"Bessie, help daw sabi ni Sky."
Pagbubulong ni Jessie sakin.



"Ah.. Hindi na Sky, okay na kami." Sagot ko sa kanya.



"Okay. Alright then, I'll leave first."



"Si.. Sige! Ingat!"



"Thanks kayo din."
He pressed his keys and then started the engine of his Toyota Fortuner.



He honked before he left. Kumaway naman kami ni Bessie.



"That was close Bessie!"



"Oo nga. Tara na?"
Pag aaya nya.



"Ikaw mag drive o ako?" Tanong ko.



"Ikaw na lang Bessie, ang sakit ng paa ko sa kakalakad e."



**************

Second shoot:



Ngayon yung schedule ng second shoot for SHA's teaser and commercial, kasama ko si sir Jed and Jessie, si Sir Jed ang Manager and Boss and at the same time owner ng Printing Memories, since walang shoot si Jessie ngayon for magazine pictorial, sumama muna sya samin, sya muna daw ang stylist ng mga chef. Nag start yung shoot ng 9am, dapat before mag 12nn tapos na kami kasi sarado yung whole restaurant. Kasama namin si Miss Akeisha, sya kasi yung videographer na napili ni Sky, and speaking of him, nasa kitchen sya, si Mark naman tinutulungan ni Jessie sa uniform nya.



Nagstart na si Miss Akeisha mag video, from kitchen, to dinning, may ilang friends sila Sky and Mark na ininvite para kumain, nandito rin sila Mr. And Mrs. Mendez, and I was asked by sir Jed to take some photos from the kitchen.



"Good morning chefs!" Bati ko sa kanilang lahat.


"Good morning miss Sunny." Para silang nasa cheering squad, sabay sabay ang bati.



"So I'm here just to take photos. Okay lang ba? Just do your usual thing. Just don't mind me."


"Chefs please cooperate with Miss Sunny okay?"


"Yes Sir Sky!"



Nagsimula na akong magpicture, from preparing to cooking, and for the plating, bago pala nila ilabas lahat ng foods na sineserve nila, chinecheck muna ni Sky kung approve ba yung plating, sya kasi yung Executive Chef and Owner, so no choice ako kundi picturan sya.



"Uhhhmmm, okay lang ba?" Tapos pinakita ko yung camera ko sa kanya.



"Yeah. Sure. That's part of your job."



"Thanks."



*click*



*click*



*click*



"Sky, matanong ko lang bakit kailangan pang dumaan sayo lahat ng plates na ilalabas?"



"See this?"
Pinakita nya yung sauce na medyo lagpas lagpas sa plate.



"Yeah."



"I'm checking each and every plate because, dito kasi sa kitchen there's a rule na may kung hanggang ilang inches lang pwede yung food from the tip of the plate, sometimes if the food is not properly plated, once na hinawakan ng server, lumalapat yung daliri or nalalagyan ng sauce or something yung fingers nila, it's for sanitation na din."



"Ah ganun pala yun."



"Yup, it's tiring but this is my job."


Yung usapan namin ni Sky, casual lang, hindi na nga lang kagaya ng dati, meron ng gap. Pero at least we talk.


"Andito sila ah, nakita mo?"


"I invited them."


"Okay lang sayo?"


"Of course, the other day Red asked me to cook some pasta for Summer."
Tiningnan ko sya sa mga mata habang sinasabi nya yung Summer, at sa nakikita ko sa ngayon okay na sya. Moved on na.


"Talaga? Nga pala thanks for the food, yung mga dinedeliver ni Mark samin."


"Ah yun ba? I have a rule kasi here na once you're my employee, you're my responsibility."


"Alagang alaga pala dito ang mga empleyado nyo."



"Naku Miss Sunny ganyan talaga yang si Chef Sky, napakaswerte ng magiging asawa nyan, panigurado alagang alaga."


"Chef Karylle asawa agad? Pwedeng girlfriend muna?"
Tatawa tawang sabi ni Sky kay Chef Karylle.



"Ayan oh si Miss Sunny ligawan mo na."



Sasagot na sana ako, kaso inunahan nya akong magsalita. "May boyfriend na yan. Gwapo."



"Kung sabagay sa ganda ba naman ni Miss Sunny, impossibleng walang boyfriend. Sige chef dun muna ako sa cold kitchen."


Umalis na sya at naiwan naman kami ni Sky sa may isang table. Tapos na kasi silang magluto.



"Ahhh sige Sky, dun muna ako. Tapos na naman kayong magluto, sa labas na lang ako."



"Sure.. And Sunny.. Thank you."



Tiningnan ko lang sya nung nag thank you at ngumiti ako, ngumiti naman sya pero sa mga mata nya kitang kita ko yung kalungkutan.



12nn. Pack up na kami. Nagpa alam na kami sa staffs and crews ng SHA, pero bago kami umalis pinakain muna nila kami. Kwentuhan sandali, tapos tiningnan ni Sky yung mga pictures sa laptop, hindi namin sya kasabay kumain. Yung mga friends nila ni Mark nauna ng umalis, hindi ko na rin masyadong nakausap si Miss Summer, busy kasi kay Red at grabe ang laki na ng tyan nya! Next month yata manganganak na sya. Jessie and Mark were busy, ako naman nagmamasid masid lang. Tinext ako ni Greg na anytime he'll be here, susunduin daw nya ako, pumayag na ako since si Jessie dito daw muna, and sila Sir Jed and Miss Karylle na daw ang mag eedit nung pictures.



"Guys mauna na ako ah. Andito na kasi si Greg."



"Sige Bessie, text na lang tayo. Paalam ka muna kay Sky. Nasa may bar sya."



"Sige. Sige."
Pumunta na ako sa bar kung saan nakita kong nagtitimpla si Sky ng coffee nya.



"Sky, una na ako sa kanila."



"Ah ganun ba? Do you want.."



"No, I'm fine, besides andito na si Greg, sinundo na ako."



"Ganun ba? Okay. Take care."



"Sigee.. Ah Sky, wala ka man lang bang sasabihin?"



"Sasabihin? Kanino?"



"Wala, sige aalis na ako. Bye bye!"
I waved my hands.



"Bye bye." Nag wave din sya, nakita kong nakatayo na si Greg sa harap ng pinto ng restaurant ni Sky, hindi na sya pumasok. Baka magkagulo na naman kagaya last time.



"Babe, where do you wanna eat?"



"Medyo busog pa kasi ako, just drop me at tower 1, I just need to rest."



"Are you sick?"
Hinawakan nya yung noo ko.



"Wala akong sakit, napagod lang ako sa shoot kanina. Let's meet na lang tomorrow morning. Besides may interview ka pa mamaya diba?"


"Yep. 3pm sa Makati Shang."



"Pagkahatid mo sakin, umuwi ka na at mag prepare. Okay? Baka malate ka pa sa interview, mahirap na. And also pray muna bago ka pumasok ha?"



"Yes Babe. I'll update you after the interview."



Hinatid nya muna ako sa unit ko tapos umalis na din sya. Nag shower lang ako saglit at nakaramdam ng antok sa sobrang pagod. 7pm ng magising ako, naisip kong mag jog muna sa labas, kinuha ko yung running shoes ko at nagpalit ng damit.



I reached the park at 8:30 pm, madilim na. May pailan ilan din nag jojogging, yung iba pauwi na. Naupo muna ako sa isang bench at nagpahinga.



"Waiting?" Narinig kong sinabi ng katabi ko sakin. Paglingon ko.



"Sky? What are you doing here?" Pawis na pawis, at wala sa timing ang tanong ko kasi halatang halata naman na nag jogging sya.



"Can't you state the obvious?"



"Oo na. Alam ko na. Gabi na andito ka pa rin?"



"Uuwi na dapat ako, kaso nakita kita. Baka gusto mong sumabay pauwi? Or may susundo sayo?"



"May interview sya ngayon, wala pang update. Pwede ba akong sumabay?"



"Of course, but can we go somewhere before heading home?"



"Saan muna?"



"You'll know it later."



"Hoy! Baka kidnapping to!"



"I'm not going to kidnap you. Why would I do that?"



Sumakay na ako ng Fortuner nya. At tinanong sya kung bakit hindi na yung Porsche yung ginagamit nya, for special purposes lang daw yun. Nag drive lang sya, tahimik kami parehas, wala nagsasalita kundi yung gps nya. Sa tagaytay kami pumunta.



"So this is the place."


"Yeah? Nag crave ako sa bulalo."
Sagot nya.


"Nyek, pwede ka naman magluto nun diba?"


"It's a hassle, let's eat?"


"Sige! Hindi pa rin ako nag didinner, ang dami ko kasing nakain kanina sa SHA."



"Really? Hahaahha!"


"Oh anong nakakatawa?"



"Wala. That might be the last one."


"Ha? Last? Bakit?"


"Na libre. Cause sooner or later matatapos na yung photos and videos na pinapagawa ko, no free meal na."



"Ay oo nga no? I-hold ko kaya muna? Joke! Pwede naman ako kumain sa restaurant mo diba? May pang bayad na ako this time."



"Mukhang you have lot's of money na, it means that you'll treat me today."



"Yun lang ba? Sige. Walang problema. Kaso.. Wala akong dalang wallet? Babayaran na lang kita mamaya pag uwi. Okay ba yun?"



"Hahahaha! You didn't bring any money? Paano ka sana uuwi kung wala ako?"



"Uhmmm. Mag lalakad? Malapit lang naman yung tower 1 sa park diba."



"Let's eat. So that we can go home early."



Kumain lang kami ng bulalo sa may tagaytay at umuwi na, inihatid nya ako sa unit ko, pero nag coffee muna kami saglit. Sa 16th floor lang naman sya.



"Sky, decaf gusto mo?"



"Do you have cappuccino?"



"Wait let me check."



Nag coffee na kami sa may veranda ng unit ko. Buti na lang may pastry shop pang bukas on our way pauwi.



"Sky, pwedeng magtanong?"



"Go on."



"Ano kasi.. Nitong mga nakaraang araw.. Hindi tayo medyo okay. Tapos ngayon. Okay tayo.. Itatanong ko lang sana kung..."



"If you're going to ask me if I still like you, my answer is yes. And if you're going to ask me if I love you, my answer is also yes."


"Sky, alam mo naman ang sitwasyon diba?"



"I know. That's why Iim keeping my distance from you. You have Greg now, may boyfriend ka na, so no reason for me to stick to you. Ayoko rin ng gulo. In the first place, I know where should I belong."


"We can still be friends right? We can hang out too, or invite me, or something."



"We can be friends, but the hang outs and something I can't."



"Why?"



"Because I'll fall for you even more if I do that. I respect your decision Sunny."



"Thank you."



"No. I should be the one who's thanking you."



"Sky, I'm really sorry."



"Para san?"
He asked.



"Sorry kasi hindi kita kayang mahalin..."



He sighs, "I know Sunny, because I'm just a pain in the ass right?"



Nagulat ako sa sinabi nya, exact words. That was the exact words na sinabi ko sa parking nung magkasama kami ni Bessie.



"You.. You... "


"I've heard that Sunny. You're convo with Jessie at the parking lot. Narinig ko lahat yun. And to tell you honestly, andito ako para mag sorry sayo, for giving you a miserable life when I entered in your life, sorry sa mga bagay na napilitan kang gawin because I asked you to do it, sorry for the things that caused you so much pain."



"Sky.. Hindi ko sinasadya na masabi yun."



"I'm okay, after all you said it, it's done. Right?"
Pagtingin ko sa mga mata nya, dun ako natigilan, umiiyak na pala sya, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.



"Sky. Please.."



"I should be going. It's almost midnight. Greg might come here too."



"Sky, please. Let's fix this. Ayokong matapos ang gabi na to na ganito tayo."



"Sunny, there's nothing to fix here."



"Meron! Akala mo ba madali lang lahat ng to para sakin? Sky ang hirap! Ang hirap hirap. Oo nagka ayos na kami ni Greg, nagsisimula na ulit kami. Okay na kami ng parents ko, makaka graduate na ako. Everything's according to my plan, pero ikaw. Naging part ka na ng buhay ko, hindi naman kita pwedeng basta basta na lang bitawan, if I can do anything for you tell me. I'll help you."



"I love you Sunny, I really really do. I'm very happy because your life's getting better." And then suddenly he hugged me tight. This was the first time na niyakap nya ako ng ganito, mahigpit. "Kung pwede ka lang maging akin.. Kung pwede lang."



"Sky, wait lang.. Teka lang.. Hmmmmm!!"


Hindi ako makalaban, pagkatapos nya akong yakapin he's kissing me to the point na halos masuntok ko na yung braso nya kasi ayoko.



"Sk.. Hmmmm!! Hmmmm!!! Hmmmmm!!" And then tears suddenly fell.



"Sunny.. Sorry.. I'm...." *slaps*



Isang malakas na sampal ang nabitawan ko sa kanya.



"Anong karapatan mong halikan ako?!"



"Sorry Sunny, I can't even control myself."



"Get out!"



"But.. Sunny.."



"I said get out!"
Tinulak tulak ko sya palabas ng unit ko, baka kung ano pang magawa ko sa kanya.



"Hey Sunny, wait. I'm sorry okay?"



"Layas! Hindi mo ba naiintindihan? I said get out you asshole! English yan para maintindihan mo!"



"I'm an asshole after all. Tssss."



The next thing I saw, nakahiga na si Sky sa sahig..



"Greg!"



"Hayup ka! Anong ginawa mo sa Girlfriend ko?"



"Hey wait Greg. Wai.. Aaaahhhhhccccckkkkkkkk!!!"



"Greg stop it! Baka mapatay mo si Sky!"



"Gago ka! Anong ginawa mo kay Sunny?"



"Greg tama na."
Hinawakan ko agad yung kamay nya nung may pagkakataon akong pigilan sya, duguang duguan na kasi yung mukha ni Sky.



"Sunny... I... I'm really sorry.."



"Sky! Pwede ba lumayas ka na nga dito! Get out! Sinabi ko kanina na hindi kita basta bastang pwedeng bitawan, but you gave me a reason para gawin na yun. Get out and stay away from my life from now on."



Wala syang sinabi pagkatapos nyang marinig yun, tumingin lang sya sakin, duguan at umiiyak. Agad nyang pinahi ang mga luhang yun, tumingin sya sakin na parang nagmamaka awa na wag, hindi ko sya pinansin.



"Let's go Greg."
Hinila ko na lang si Greg sa loob at pumasok na.




--------

Jessie's POV:


"Sky, paano mo nagawan ng paraan yun?"



"After kong malaman what happened between Sunny and her parents, pinahanap ko talaga sila."



"Gusto kong maayos ni Sunny ang buhay nya. I wanted to help her."



"In love ka talaga sa bessie ko ano?"



"This is all I can do for her as of now, ang tulungan syang ayusin ang buhay nya."



"Hay naku in love ka na nga. Sayang lang hindi ikaw, si Greg."



"It's her choice, we just have to respect her. So please don't tell her that I'm the one who arranged this. Kinausap ko na rin ang parents nya. I wanted to keep it secret. Will you?"


"Oo naman Sky, pero paano ka?"



"I'll be fine. As long as she's better."



***********


"Wala naman pala bessie, pero if halimbawa hindi kayo ni Greg, papayag ka bang magpaligaw kay Sky?"



"Anong klaseng tanong naman yan Bessie."



"Halimbawa nga lang diba?"



"Siguro hindi rin ako papayag magpaligaw sa kanya. Sa lahat ba naman ng ginawa nya simula nung nasa states kami, remember that phone incident na hindi pa nya binabalik sakin ngayon? Ayun nasa kanya pa rin, pero sa ngayon hindi ko naman na kailangan yung phone na yun kasi Greg's here. Hindi mo ba natatandaan Bessie kung gaano naging kamiserable ang buhay ko simula nung dumating sya? He's just a pain in the ass."



Bubuka pa lang yung bibig ni Bessie, dumating na si Sky.. Narinig nya lahat ng sinabi ni Bessie. Nabigla ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakita ko na lang si Sky na nag 'ssssssshhh sign' at unti unting umatras papalayo. Nung nakalayo na sya na sa tingin ko hindi na maririnig yung boses ni Sunny, tyaka ako nagsalita..



"Sssshhhh. Bessie."



"Bakit?"


Pag lingon ni Bessie, parang walang narinig si Sky, yung expression nya maayos na parang walang nangayri, na wala syang narinig na masasakit na salita galing kay Sunny. He pretended that hindi nya kami nakita, kaya sinakyan ko na lang yung mga sinabi nya, si Sunny na rin ang pinag drive ko pauwi, mamaya mabangga pa kami dahil nag faflashback yung mukha ni Sky sa isip ko, nakita ko kung gaano sya nasaktan, kung gaano nya pinigilan na hindi umiyak sa harapan namin, paano nya kayang nagagawang magpanggap na okay lang ang lahat? Expert much?



Hay Sunny, marami akong gustong sabihin sayo pero hindi ko magawa, masaya ka ngayon, ayoko naman na ako ang maging dahilan na ikagugulo ng buhay mo, Sky's helping you to fix everything, kahit na ang kapalit masaktan sya ng todo todo.



~~~~~~~~~~


Sky's POV..


There was this storm before, but it was gone when the sunshine came, when Sunny came the typhoon in my life disappeared. And now it's happening again.



"Shit! Shit! Shit!"



"Oh Sky anong problema mo sa lababo?"
Mark asked me. Tinawagan ko agad si Mark to bring some first aid kit, after a couple of minutes dumating sya, si Jessie naman pupuntahan daw si Sunny.



"Alam mo yung pisil na pisil ka sa toothpaste, tapos nung ilalagay mo na sa toothbrush sa lababo nahulog? Pati ba naman toothpaste sa iba nafa-fall?"



"Bro, may hugot talaga? Kawawa naman yang lababo, narindi na sa kakashit mo. Eto toothpaste, bago, gamitin mo."



"Ahhhh. Fuck my life. It's happening again."



"Sky, ganyan talaga, nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka talaga."



"Can you punch me?"



"Anong klaseng utos naman yan?"



"Please punch me, for doing that to Sunny."



"Hay naku, tama na nga yan, sapat na yang mga pasa mo sa mukha, buti hindi mo kailangan tahian sa mukha. Sayang naman ang pagkagandang lalaki mo bro."



"When Greg punched me so hard, that time I was hoping that I'd die that time. I wanted to finish this."



"Bro,hindi sagot ang pagpapakamatay sa problema mo, pag mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo, handa kang gawin ang lahat para sa kanila, para sumaya sya, kahit na hindi ka na magiging part ng happiness na yun."



"Ahhhh.. I need to get away from here. Book me a flight."



"Okay. When and where?"


NZ

Discovering SunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon