#10- Realizations
Sunny's POV..
It's been three years...
Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang umalis ako ng Pilipinas, ngayon eto na pa-landing na yung eroplanong sinasakyan ko sa NAIA.
Tatlong taon. Tama nga si Bessie, ang daming pwedeng mangyari sa tatlong taon.
Natupad ko na yung mga gusto at pangarap ko.
Nagawa ko na ang dapat kong gawin.
Napuntahan ko na yung mga lugar na gustong gusto ko noong puntahan.
Maraming nakilalang ibang tao.
Nagkaron ng mga bagong kakilala..
Experiences na hindi ko malilimutan.
Bumalik kami ni Greg kung saan kami nagsimula..
And next week...
It's our wedding day.
2 years kaming nagprepare, from pre-nup, location, guests, food, theme etc. ready na ang lahat, and nag decide kami parehas na sa Batangas gawin yung wedding, beach wedding, matagal ko ng pangarap yun, simula pagkabata napapanaginipan ko na sa may dagat ako kinakasal. Lahat ng gusto ko nasunod. Everything was planned perfectly, Mom and Dad finally agreed with Greg. At last.
"Bessiiiiieeeeeeee!!!!!" Si Jessie ang pinakamalakas yung sigaw sa waiting area.
"Besssssiiiieeee!!!!" Yumakap agad ako sa kanya pagtawid na pagtawid ko sa pedestrian lane.
"O ano ng balita sayo? Ang laki talaga ng pinagbago mo, sumexy at kuminis ka lalong bruha ka!"
"Ganyan talaga pag malapit ng ikasal, todo work out. So where's your car? And where's Mark?"
"Andun sa parking. Tara na? Wala si Mark busy."
Naglakad na kami sa parking at isinakay namin yung bagahe ko, sina mom and dad nasa Singapore pa, sa Sunday pa daw sila uuwi. At yung magaling kong kapatid nasa Japan, napakalayas talaga, pero sisiguraduhin naman daw nyang makaka attend sya ng wedding ko.
"Bessie, bakit di mo pala kasabay si Greg?"
"Di pa kasi tapos yung kontrata nya sa work. Hanggang friday pa. So nauna na ako para makita ko preparations. And alam mo naman si Sir Jed, kelangan daw nya ako sa shoot bukas."
"Ay oo nga pala, may shoot tayo sa SHA bukas."
"Tayo? SHA? Dun ba? Walang nabanggit sakin si Sir Jed."
"Ikaw kasi yung nirequest na mag shoot dun, pero wag kang mag alala bessie, maghapon lang yun, tapos next day pwede ka ng mag asikaso for your wedding! Hay naku nakakainggit ka talaga, ikakasal ka na. Uunahan mo pa ako."
"Ikaw kasi, ikaw na lang kaya mag propose kay Mark?"
"No way. We're here."
Dumating na kami sa tower 1, nagpatulong na kaming iakyat yung mga gamit ko, walang pinagbago yung unit ko, kung anong itsura nung umalis ako, ganun na ganun pa rin. Umalis din agad si Bessie, may gagawin pa daw sya sa bar nya, ako naman dumiretso sa kwarto ko at nahiga, bigla akong napatingin sa painting na nasa wall ko.
"Sunny and Sky." Yun yung painting na regalo sakin ni Andrea. Ang ganda ganda pa rin kahit hanggang ngayon.
-------
Todays our first shoot for SHA new set of Menu. Actually yearly daw sila nagpapalit ng menu, i don't know but that's how they run their business, I mean Sky's business. And now I'm so freaking nervous. Magkikita lang naman kami ni Sky, three years lang naman yung lumipas. Pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung anong dapat expression or kung paano ko ulit sya i-aaproach just like before. There's a part of me na naguguilty dahil hindi ako nagpaalam sa kanya noon at umalis ako ng hindi kami maayos. Pero sabi nga ni Bessie and Greggy, tatlong taon na ang lumipas, kalimutan na yung past, and focus na sa present.
BINABASA MO ANG
Discovering Sunny
RomanceSi Sky Harris Andrews, nagmahal and at the same time nasaktan. Unti unting nag momove on sa past experience nya sa isang babae, at hanggang ngayon hinahanap pa rin ang babaeng para sa kanya. Si Sunny Hershel, masayahin, malambing at mapagmahal NOON...