#2 - Sides

179 4 0
                                    

#2 - Sides


A/N: how was the first chapter guys? Masyado bang cliche yung story? Well let's see kung anong twist meron ang story ni Sky and Sunny. Heehee. Short story lang po ito. Baka 10 chapters lang. Pero di pa sure. Basta short story to, may pending pa kasi akong mga stories sa utak ko. Hahaha! Let's do this!



Sunny's POV.



"Bessie!! Panaginip lang to diba? Buyset talaga yung Sky na yun! Hinayupak!!" Para akong batang nagtatrantums sa loob ng sasakyan nya. Hudas talaga yung Sky na yun. At mag ready daw ako para sa first wish nya! Hambalusin ko sya ng baseball bat eh!"



"Bessie!! Kumalma ka naman! Halos mapunit na ang throw pillow ko. Mahal yan!"



Dumating na kami sa condo ng bessie ko, dito muna ako makikitulog, baka pag sa unit ko ako natulog masira ko lang lahat ng gamit ko sa sobrang inis sa Sky na yun! Leche talaga! Bakit sya ba ang iniisip ko ngayon? May class pa kami bukas. I need to rest, at sana mag rest in peace na yung damuhong nilalang na yun! Tsk.


"Sorry na! Peste kasi talaga yung hinayupak na yun! Buyseettttttt!!"


"Alam mo bessie malala ka na talaga. Hindi ka naman dati nag cucuss, naging man hater ka pa! Ano ba yan mahihirapan akong hanapan ka ng boyfriend nyan."


"Tse! Mas okay na yung ganito, kesa sa magpaka emo emo ako! Mga lalaki, puro paasa! Mga manloloko! Hay naku sarap nilang isumpa lahat! Kainis!"


"Ehem! Hindi lahat."
Nakita ko na lang si Jessie na humiga na at nakikipagtext sa bago nyang textmate!


"Fine! Good night bessie." Pinatay ko na yung lampshade sa gilid ko, nasa iisang kama kasi kami ngayon, madalas ganito kami sa gabi, sa kanya ako nakikitulog kahit may unit naman ako sa kabilang tower. Sa Tower 1. Andito kasi sya sa tower 3. Nakita ko ang bruha kong bestfriend na ngingiti ngiti na parang baliw sa katext nya. Sino naman kaya ang kalandian nito ngayon? Then my past hits me. AGAIN.



I'm Sunny Hershel, 22 years old. Soon to be a professional food photographer, after kong magtake sa PU ng Business Ad, nagdecide kami ng bestfriend ko na magtake ng short courses nila, which is photography, gusto ko kasi talagang maging isang food photographer, at para na rin makalimutan ko ang pesteng past na yan, at ang bessie ko naman gustong maging photographer sa fashion industry, at ayan nga nga lumalandi na naman sya. Hay!! Forever alone na nga ata ako! Bwiset kasi na past yan! Edi sana isa na ako sa pinakamasayang babae ngayon, leche talaga sya!



******


Sky's POV.


When I saw her face, that was priceless. Ang epic ng mukha nya about sa Master-Genie na sinabi ko kanina.


To: Abnormal Sunny the Genie of Sky the great.


"Be ready on my first wish, and don't you ever change my name here, I'll strip you to death." ;)


After kong itext yun sa kanya, inilagay ko na yung phone ko sa bulsa at pumasok na sa restaurant ko, nakita ko naman si Mark na mukhang gulong gulo sa nangyari kanina.


"Sir mukhang good mood kayo ah."


"Masyado bang halata? Mark.. Kung meron kang first wish, anong hihilingin mo?"


"Sir, ako po? Uhmmmm. Yumaman?"


Yumaman? Marami na kaming pera.


What would be my first wish?


Hmmmmmmm..


I'm Sky Harris Andrews, siguro naman kilala na ako ng iba sa inyo diba? Isa ako sa mga characters sa Meeting Another Chinito, ang naging KAIBIGAN ni Summer Brooklyn sa States, pero sa huli hindi kami ang nagkatuluyan. Sayang ano? Sana sa akin na lang sya napunta. Ano na kayang balita sa kanya ngayon? Ewan ko. Lumabas na ako sa maze kung saan andun kaming dalawa, at ngayon naman nasa maze ako ng anacondang babaeng yun. Tss.


Isa akong Andrews, bakit ba ang hina ko pagdating sa mga babae? Habulin nga ako nung high school kami diba? Andrews ako. At marami ang nagtatanong, bakit daw surname ng mom ko ang ginagamit ko? Simple lang. Hindi nagkatuluyan ang parents ko. Si tito John (Dad ni Janice) ang nagdecide na gamitin ko ang Andrews, at kahit anong gawin nila Andrews pa rin naman ako kasi parehas sila ng surname, pinatrace na nila kung magkamag anak sila pero zero percent daw, nung pumunta ako sa States, kay Dad ako napunta, ayos lang naman yun kay Mom, sana lang dumating yung time na makumpleto kami, pero sa ngayon mukhang malabo.


Tatlong araw na pala ang lumipas, simula nung nagkita ulit kami ng anaconda/Genie na yun. And I guess I have more free time from now on, Chef Billy's back.



It's playtime.



---------

Sunny's POV.



"SUNNY HERSHEL!!"
Patay!!!!! Yung mga pictures nakalimutan kong iprint. LAGOT!! Peste talaga yung Sky na yun, oo tatlong araw ko syang hindi nakikita pero tadtarin ba naman ako ng sangkatutak na text! Buyset talaga yung damuhong lalaking yun.


"Ma'am Vergara, pasensya na po, na-- nawalan po kasi ng ink yung printer ko. Bu-bukas ko na lang po ipapasa." Ang terror pa naman nya! Katakot!!


Ibinaba nya ng ilang inches yung salamin nya at tiningnan ako sa mukha. Napa gulp na lang ako sa sobrang kaba. Jusko po ayoko pong bumagsak sa subject nya!


"Sunny, Friday bukas. Sa sabado pa ulit ang klase natin." Hala!!! Oo nga pala! Shet. Shet. Shet. Ano bang nangyayari sakin ngayon? Kill me now. Kill me!!!!!

Discovering SunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon