#14 - The War (Part 1)

37 2 0
                                    

#14 – The War (Part 1)

Sunny's POV...

"aalis ka na naman Bessie?" tanong sakin ni Jessie.

"Bessie kasi... si Sky." Tumingin ako sa kanya. Tumango na lang sya at binitawan ang kamay ko.

Jessie's POV...

Alam nyo yung wala pang tatlong oras lalayas na agad tong si Sunny? Ang sarap tuktukan nitong bespren ko. Pagkababang pagkababa pumunta agad sya sa office ng mom and dad nya, hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan nila pero nung lumabas sya mukhang okay naman. Yun nga lang namumula ang mata ng Bessie ko. Paniguradong pinagalitan yan. Tsk.

"Jessie, Mark. I need to go." Sabay lapag ni kuya Red ng baso nya sa table.

"agad agad? Bakit ba parang nagmamadali ang mga tao ngayon? Kanina sila tita at tito nagmamadaling umalis. Urgent daw."

"Hunny hayaan mo na si Red, may pamilyang nag aantay sa kanya."

"Ay oo nga pala sorry Kuya Red, si Sunny kasi nagmamadaling pumunta sa special place nyo. Ano kayang nangyari kagabi. Nakakacurious ha!"

"Well Jessie, what happened in special place stays in special place." Sabay ngiti ni kuya Red. Nagwave na sya at lumabas na ng living room. Naiwan kami ni Mark sa loob habang nanood ng movie, hindi ko na nga maintindihan kung anong pinapanood namin sa gulo ng nangyayari.

"Hunny, as your husband, I should tell you what Tito Samuel told me."

Napalingon naman ako kay Mark na nagsisip ng Juice nya, "ano yun hunny?"

"Nag usap kami kanina ni tito Samuel, sabi nya mag ingat daw tayo, at wag daw tayong aalis ng walang kasama."

"Walang kasama? Hala!! Si Sunny?!! Sundan na natin!" hinila naman ako ni Mark paupo sa sofa.

"Calm down hunny, may nakasunod sa kanya. Alam na nila tito ang nangyari. Kaya umalis agad sila dahil kailangan natin ng protection."

"Protection kanino? At saan? Ano bang nangyayari Mark?"

Nakita ko naman na huminga muna ng malalim si Mark at nagsalita, "Hunny, Greg is the leader of 9Bloods. It's a group of gangsters, and according to tito Samuel, that's the reason why they don't allowed Sunny to have a relationship with Greg before, he's a gangster, and masyadong delikado si Greg for Sunny, lalo na ngayon na hindi nya nakuha ang gusto nya, hindi sila naikasal ni Sunny."

"Before? So what made Tito Samuel say yes to the wedding yesterday?"

"Greg promised to Tito Samuel na Sunny won't know anything about 9Bloods, and she'll be safe for the rest of her life. She'll live like a normal person."

"Oh my gosh. Ano ng mangyayari satin ngayon?"

"Satin? We're safe; you don't have to worry about us Hunny. And as of now according to Tito Samuel Sky's life is in danger. The moment when Sky held Sunny's hand at the wedding, dun na nagsimula yung gulo. We should stay here and wait for them to come back."

"Mark, natatakot ako kung anong pwedeng mangyari satin. Kay Sunny, kay Sky, sa pamilya natin. Gaano ba kalakas yang 9Bloods na yan?"

"According to Tita Clara, yung 9 Bloods daw ay may 9 members. Sila daw yung grupo ng mga gangster na pangalawa sa pinakamalakas, each member magagaling daw talaga. They have the power to control everything, even the government."

"Wait. Gangsters ba talaga sila? Bakit parang masyadong OA yung description sa kanila?"

"Mayayaman kasi sila Hunny. Apat sa myembro ni Greg ay nasa gobyerno, kaya may connection sila. Alam mo naman ngayon, konting lagay lang kakagat na ang tao."

Discovering SunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon