#9 - Begging You.
I made a mistake. A huge mistake. Ang gago ko. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni Sunny. Naging selfish na naman ako, ginawa ko na naman kung anong gusto ko. Oo at alam kong mali ako.
Yan ang tumatakbo sa isip ni ko buong magdamag, I can't sleep. Nagfaflasback sa utak ko ang ginawa ko nung oras na yun. Okay na sana pero eto na naman ang bagong problema. Unti unting bumabalik yung pain, pero this time mas masakit yata. Iba yung pain ngayon, kesa noon. And I don't like it.
Sunny's POV..
After that night, wala na akong naging balita kay Sky, hindi ko na rin masyado iniisip yung pangyayaring yun kasi maiistress lang ako, sabi naman ni Greg kakausapin daw nya si Sky, sabi ko wag na, ayoko na ng away at gulo. Tama na siguro yung sinabi ko sa kanya para tumigil na sya. Besides pagod na rin ako, nagiging maayos na yung buhay ko ngayon, ayoko ng magulo pa, everything's back to normal.
Monday morning ng may pumasok na delivery man sa Printing Memories. May dala syang malaking bouquet, tinawag ko si Jessie, for sure pakana naman to ni Mark.
"Bessie! May delivery boy oh!" Nasa may kitchen kasi si Jessie, nagpeprepare ng meryenda namin for 10am.
"Para sakin?" Tanong nya sa delivery boy
"Miss Sunny?" Sagot nung lalaki habang hawak hawak ang resibo.
"Sunny daw Bessie, hindi Jessie. Sayo pala eh, baka galing kay Greggy mo."
"Ay sakin pala kuya?"
"Ma'am paki pirmahan na lang po dito sa may guhit." Pinirmahan ko naman agad at kinuha ko yung bulaklak na sobrang laki.
"Thank you kuya."
"Sige po ma'am. Have a good day!"
Inamoy amoy ko muna yung bulaklak, kinuha ko ang card at binasa.
'I'm sorry, please forgive me' -Sky.
Pagkabasang pagkabasa ko ng card, automatic na tinapon ko agad yung bulaklak sa basurahan. Napatingin naman si Sir Jed at Jessie.
"Oh Sunny anong problema?" Tanong ni Sir Jed.
"Wala. Ayoko lang nun flowers. Star Gazers."
"Ayaw mo nung bulaklak o yung nagpdala?" Sabat naman ni Jessie.
"Pwedeng parehas? Hindi nya ako makukuha sa ganyang way. And besides aanhin ko yang bulaklak? May boyfriend ako. Hindi ako dapat tumatanggap ng mga kung ano ano galing sa ibang tao."
"Bessie, ibang tao na ba talaga para sayo si Sky? May pinagsamahan rin naman kayo kahit papano."
"Pinagsamahan? Kaya lang naman kami nagkakilala dahil sa pesteng phone ko diba?"
"Sunny, alam ko wala ako sa posisyon para sabihin to, pero sana pahalagahan mo rin yung mga bagay at mga tao na dumating at dumadating sa buhay mo. Oo siguro may mali syang nawagawa sayo, tao lang din sya Sunny, nagkakamali. Alam ko meron dyang lugar sa puso mo yung pinagsamahan nyo ni Sky, hindi mo na yung maalis kasi andito na yan." Then sir Jed pointed my heart.
"Kung si Greg nga napatawad mo, bakit si Sky hindi?"
"Bessie, hindi nyo kasi ako naiintindihan."
"Siguro nga hindi namin naiintindihan, hindi naman kami ikaw, pero ang opinyon lang namin, patawarin mo na sana yung tao."
"Hindi ko alam Bessie, hindi ko pa alam kung papano at kelan."
BINABASA MO ANG
Discovering Sunny
RomanceSi Sky Harris Andrews, nagmahal and at the same time nasaktan. Unti unting nag momove on sa past experience nya sa isang babae, at hanggang ngayon hinahanap pa rin ang babaeng para sa kanya. Si Sunny Hershel, masayahin, malambing at mapagmahal NOON...