AKISHA XYRA MAE's POV
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa park namamasyal. Lilipat na kasi ako sa Demon Academy sa susunod na pasukan.
"Aki!" tawag sa'kin ng mga kaibigan ko.
Bumaling naman ako as kanila. "Ano 'yon?"
"Babalik ka naman diba? Hindi mo iiwan ang angel's section." mangiyak-ngiyak na sabi sakin ni Kyla.
Napailing-iling naman ako sa inakto nito.
"Oo naman." sabay ngiti sa kanila.
"Mahigit isang buwan lang naman ako doon. Babalik din naman ako sa Hevillian Academy." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Basta ah! Wag mo kaming kalimutan."sabi naman ni Rebeca.
"Of course, hinding-hindi ko kayo kakalimutan. Hindi pa naman ako ulyanin eh!" patawa-tawang sagot ko sa kanila na ikinanguso ng mga ito.
"Group hug!" sigaw naman ni Ysabella kaya nag yakapan kaming labing-lima.
•
NANG matapos kaming mamasyal at magkulitan ay umuwi na ako sa bahay habang silang mga kaibigan ko ay bumalik na sa Hevillian Academy.
"Hi, mom." bati ko kay mommy nang makita ko ito sa grand stair ng aming bahay.
"Oh, sweety you're here." wika niya at sinalubong ako ng yakap.
"Anyway, sa monday na nga pala ang pasukan sa Demon Academy." sabi ni mom, tumango naman ako.
"After one month, mom, babalik na ako sa Hevillian Academy diba?" nakangiting wika ko.
She smiled. "Well, let's see."
Nagtataka ko naman siyang tinignan."Kung hindi na susumpong iyang sakit mo, maaari ka ng bumalik sa HA." wika ni mom.
"Sige na. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo, alam kong pagod ka."
Tango na lamang ang tinugon ko kay mommy bago humakbang sa hagdan papunta sa aking kuwarto.
Napabuntong-hininga naman ako ng maalala ko ang rason kung bakit ako inilipat nila mom at dad sa DA.
"Babalik ako, angel's section." bulong ko sa kawalan at ngumiti bago humiga sa aking kama at unti-unti namang bumigat ang talukap ng aking mga mata.
.
Votes and comments are highly appreciated!💚
Follow me on my social media accounts;
Fb: Maystearypiece Wp
Gp: Maystearypiece Story Updates
Pg: Maystearypiece Stories
TikTok: Maystearypiece3172020
![](https://img.wattpad.com/cover/297391314-288-k684094.jpg)
YOU ARE READING
That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)
RomanceUNDER EDITING "Walang reynang talonan kaya mas mabuting manahimik ka na lamang." -Akisha Xyra Mae Dela Vega STARTED: MAY 14, 2020 END: JULY 27, 2020