DRAKE's Point of View
Gulat akong napaangat ng tingin dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
It was Akisha, one of my best friends.
Ano na naman kaya ang nangyari kung bakit ito inilipat rito sa DA. Ang alam ko kasi sa HA ito nag-aaral.
Matanong nga siya mamaya.
Habang naglalakad siya papalapit sa gawi ko ay masamang tinitigan niya ako. Inirapan niya muna ako bago ito umupo sa tabi kong bakanteng upuan.
Well, kailangan ko na yatang ihanda ang katawan ko baka kasi tumalikod lang 'tong si prof ay bubugbugin na ako nitong katabi ko dahil sa pagsisisnungaling ko sa kaniya noon.
Ilang sandali ang lumipas at nagsimula na ang aming professor sa pagtuturo.
"Class dismiss." sabi ni Prof ng matapos ang oras niya sa pagtuturo.
"Hoy, tarantado kang tukmol ka!" sigaw sakin ni Akisha na para bang naghahanap ng away dahil sa tunog ng boses nito.
"Sabi mo samin sa america ka na magaaral. So, ba't ka nandito?" mataray niyang tanong sabay hampas sakin ng libro kong hawak na niya.
"Namiss mo ako no?" pang-aasar ko sa kaniya habang sinasalag ang mga hampas niya sakin.
"Ako?" turo niya sa sarili. "Mamimiss ka?! Duh, kapal ng face natin ngayon ahh!"
Inagaw ko ang librong hawak niya bago ko ito nginisihan.
"Bakit hindi ba?" tanong ko sabay taas baba ng aking dalawang kilay.
"Gago! Hindi— hindi kita na miss. Teka nga, ba't ka pala umalis?!" sigaw nito sa'kin kaya napatawa naman ako.
Feeling ko kasi miss na miss na ako ng babaeng to eh. Halata naman, tinatanggi pa!
"Wala bang yakap diyan?" natatawang tanong ko sa kaniya saka idinipa ko ang mga kamay upang salubungin siya ng yakap.
"WALA!" inis niyang sigaw bago sinuntok ang mukha ko.
"Tangna! Amazona talaga 'tong babaeng 'to." bulong ko habang nakahawak sa pisngi ko.
"Masakit?" painosenteng tanong nito sa'kin.
I glare at her.
"What do you think?" pabalik na tanong ko.
"Kidding." natatawa niyang sabi. "Siyempre na miss kita." nakangiting niyakap niya ako.
"Hey, you slut! Stop hugging my king!" puno ng galit na sigaw ni Stacy sabay tulak kay Akisha kaya tumama sa table ng upuan ko ang ulo ni Akisha.
"O-ouch." Pagdaing ni Akisha.
"Fvcking shit!" mura ko ng makitang dumugo ang ulo nito.
Masyadong malakas ang pagkatama ng ulo niya sa lamesa ng upuan ko.
Agad kong tinulak palayo si Stacy at dinaluhan si Akisha. Itatayo ko na sana siya ng bigla itong nawalan ng malay na lalong ikinabahala ko.
Binuhat ko ito bago sila hinarap at sinamaan ng tingin saka nagmamadaling tumakbo patungo sa clinic.
Nang nasa clinic na kami ay agad din siyang inasikaso nong isang nurse nang makita nito ang pagdudugo ng ulo ni Akisha.
Ilang sandali pa ang lumipas at dumating ang bunsong kapatid ni Akisha na si Ace, bakas ang galit sa mukha nito.
"Who's the fvcking idiot did this?" malamig niyang tanong habang nakatitig sa ulo ni Akisha na kasalukuyang ginagamot ng nurse.
"Stacy." maikling sagot ko, umalis rin agad ito.

YOU ARE READING
That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)
RomanceUNDER EDITING "Walang reynang talonan kaya mas mabuting manahimik ka na lamang." -Akisha Xyra Mae Dela Vega STARTED: MAY 14, 2020 END: JULY 27, 2020