Chapter 4

164 9 9
                                    

AKISHA XYRA MAE's Point of View

"How's school?" dad asked me.

Well, nakatayo pa naman...... my mind kick in.

Napatigil  ako sa pagkain at tumingin kay Ace ng binangga nito ang  braso ko kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Okay lang  naman, dad, diba Ace." nakangiting sagot ko at tiningnan ulit si Ace.

Tumango siya. "Ahh, yes po, dad okay na okay lang po." sagot naman ni Ace.

Tumango-tango si Dad na parang kumbinsido na kahit alam kung hindi.

"I'm done." sabi ko na lamang pagkatapos kong kumain.

Ilang sandali pa at tumayo na ako saka nagpaalam sa kanila bago naglakad patungo sa aking kuwarto. 

Habang nakahiga, nasa kisame lamang ang tingin ko nang bigla na lamang kumirot ang sugat ko  sa ulo kaya napahawak ako doon.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ng maalala ko ang nangyari kanina, napabuntong hininga na lamang ako.

"Hindi ko na dapat iyon pinatulan." Bulong ko sa aking sarili.

Ilang sandali pa ang lumipas at nawala rin ang sakit kaya bumangon ako upang gawin ang aking night routine bago matulog. 

[ M O R N I N G ]

*Kriiiiiiiiiiinnnnnnnng...*

*Kriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnng………*

*boooogggs*

Peste, sinira ko na 'yon kahapon, ahh! Bakit meron na naman?!

*tok*

*tok*

*tok*

"My princess, wake up. The break fast is ready." kuya Ashace shouted.

Hindi na ako sumagot, narinig ko na lamang ang mga yabag ng paa nito paalis. Bumangon na lamang ako at ginawa ang mga dapat kong gawin bago lumabas sa aking kuwarto at nagtungo sa dining room.

"GOOD MORNING, ATEEE!" bungad sakin ni Ace pagkapasok ko sa dining room.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at muling idinilat.

I glared at him. "Nakalunok kaba ng microphone, Ace?" taas kilay kong tanong sa kaniya, ngumisi lamang siya upang mang-aasar.

"Ace, lower your voice." sabi ni mom kay Ace, nakangiting tumango ito kay mommy.

"Sinong naglagay ng alarm clock sa kwarto ko?" kalmado kong tanong.

"Basta hindi ako, ate." sagot ni Ace. "Baka si Kuya." nakangising sabi niya at tumingin pa sa direction ni kuya.

"Anong ako?" takang tanong ni Kuya habang nakataas ang isang kilay niya kaya tinaasan ko rin siya ng kilay, umirap naman ito.

"Ashace, sabihin mo nga ang totoo." sabi ni dad kay kuya habang kumakain kami.

"Ano 'yon dad?" seryosong tanong ni kuya.

"Bakla kaba?"

Nabulunan naman ako, maging si mommy. Binigyan agad kami ni Ace ng tag-isang basong tubig habang si Ace ay nagpipigil ng tawa.

Kunot ang noo ni Kuya at magkasalubong ang kaniyang kilay. "What? I'm straight, dad." sagot niya kay dad.

"Mabuti naman kung ganon." sabi ni dad.

That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now