Chapter 6

157 11 14
                                    

AKISHA XYRA MAE's P.O.V

*KRIIIIIIINNNNNG.....*

*KRIIIIIIIIIIINNNNNNNG.....*

*BOOOOOOGGGGGS...*

Ay, hutang'na ang sakit ng likod ko! huhuhu Alam nyo na kong bakit? Nahulog lang naman ako sa aking pesting kama.

I closed my eyes tightly. Ilang alarm clock pa ba ang sisirain ko?!

"Princess, bumaba kana rito." Rinig kong sambit ni kuya Ashace mula sa labas ng aking kwarto.

"Opo, kuya. Susunod po ako." Nakabusangot  kong sagot at tumayo saka nag tungo papunta sa bath room upang gawin ang morning routine ko.

"Moring, mom, dad, kuya at bunso." Matamlay kong bati sa kanila.

Wala naman kasing kasigla-sigla ang morning ko dahil sa puritang alarm clock na iyon. Nahulog pa talaga ako sa aking kama!

"Morning too, sweety / princess!" bati sakin ni mom at dad.

"Good morning, ate ko!"

Napatingin ako sa direksyon ni Ace. Inirapan ko siya. Himala hindi sumigaw ang batang tukmol na 'to.

"Walang good sa morning ko, Ace." Inis na bulong ko sa kaniya at umupo na para kumain.

"Anyway, me and your mom will have a business trip on States tomorrow."

Napatigil ako sa pagkain at inangat ang aking tingin may daddy.

"Ashace, bantayan mo ang dalawang 'to." Seryusong sambit ni dad at tinuro niya pa talaga ako at si Ace.

"Noted po, dad." Sagot naman ni kuya.

Nailagay ko na lamang sa aking dibdib ang aking kanang kamay. "Dad, I'm 18. Hindi na po ako bata."

"And so?" He asked, raising his brow.

Bumuga ako ng hininga at napailing. Nilaan ko na lamang ang aking buong attention sa aking kinakain.

"Kailan po uwi niyo, mom, dad?" Tanong ng katabi ko na si Ace.

"Hindi pa nga kami nakakaalis ng daddy mo, uuwi agad?" Rinig kong sagot ni mommy. "May binabalak ka na naman, ano?"

"Ito naman si mommy. Nag tatanong lang itong gwapo mong baby eh."

Napatigil ako sa pagsubo at nilingon si Ace.

"Duh?" I said, my right brow raised.

"Umayos-ayos ka, Ace." Warning ni daddy kay Ace kaya napangisi ako.

Ace rolled his eyes.

"Ikaw rin, Akisha." Dagdag pa ni dad kaya napanguso ako.

My brothers, Ashace and Ace chuckled.

"Noted po." Sambit ko na lamang at bumalik sa pagkain.

"Mom, dad, alis na po ako!" Sigaw ko mula rito sa living room.

"Take care, sweety!" Sambit ni mommy mula sa dining room.

"Slow down your speed while driving, Akisha." Boses iyon ni dad.

I smiled. "Yes po, I love you both."

"We love you too, baby." Sambit ni mommy, nag lalakad na ito patungo sakin at nasa likuran niya si daddy.

I hugged them and I received a kiss on my cheek and forehead from them.

"Maduga, ako rin!" Sigaw ni Ace mula sa hagdan.

That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now