AKISHA XYRA MAE's Point of View
Nang bumuti na ang aking pakiramdam, umalis na agad kami ni Drake sa clinic upang bumalik sa aming room.
1:05 na ng hapon nang makarating kami sa harap ng room. Sirado ang lahat ng bintana pati na rin ang pinto ngunit naguumapaw pa rin talaga ang mga ingay nila.
"Anong gagawin mo?" kunot noong tanong sa'kin ni Drake.
Tinaas baba ko ang aking dalawang kilay at ngumisi sa kaniya. "Alam mo na 'yon."
"Okay, sabi mo eh." sambit niya bago sinipa ang pinto na ikinabulabog ng iba.
"Hindi nga pala papasok si prof ngayong hapon." bulong niya sakin bago tuluyang pumasok kaya sumunod na lang din ako sa kaniya.
"Hoy, Stacy!" tawag ni Drake kay Stacy the clown.
"Yes, my Drake?" malanding sagot nito na ikinangiwi ni Drake.
Nilapitan ko naman siya at agad na sinampal, napahawak siya sa kaniyang pisngi.
"Garden." malamig na sabi ko at nag hiyawan naman ang ibang lalaki.
"Teka sino kaba, huh?" takang tanong niya.
Napailing naman ako at nag pakawalan ng buntong hininga, naiwan ko pala sa clinic 'yong salamin ko. Hayuk, 'di ko man lang napansin kanina.
"Akisha Xyra Mae Dela Vega." nakangiting sagot ko sa kaniya.
Nagsalubong naman ang dalawang kilay nito na tila ba'y ako pa ang may kasalanan sa kaniya ng makomperma niya kung sino nga ba ako.
"Okay." tumango-tango ito. "Garden." sabi niya at naunang lumabas kasama ang mga aliporis niya.
"AYOWN OHH! MAG-INGAT KA NA LANG, MISS!" sigaw ng lalaking color red 'yong buhok.
"Pustahan tayo mga pare." sambit ni Drake. "Sinong manok niyo?" nakangiting tanong nito.
Kahit kailan talaga napakagago ng lalaking 'to gagawin pa kaming manok ni Stacy eh!
"Sige, sige." pagsang-ayon ng mga ito sa kaniya. "Kay Stacy kami pupusta." sagot ng kaklase namin.
Marami-rami din 'yong pumusta kay Stacy habang sina Drake at 'yong Damon lang ang pumusta sa'kin.
"Tara?" nakangising tanong ni Drake.
Inirapan ko naman siya bago naunang maglakad patungo sa garden.
Kanina habang pabalik kami ni Drake sa room nasabi niya sa'kin na mas
hinigpitan ang sikyuridad dito sa DA dahil sa mga katarantaduhang ginawa ng mga kaibigan niya raw kuno. Kaya naman kung makikipag away daw ako sa garden na lang para walang ibang makaalam kundi kaming magkaklase lamang.Nag suggest pa talaga siya! Iba din.
"Ow, you're here na pala." maarte niyang sambit, may mapanuring titig ito sa'kin. "Why so matagal?"
Napaawang naman ang labi ko dahil sa pag sasalita nito. Ang arte!
"Are you scared?" pangaasar niya pa.
I raised my brow.
"Ako?" painosenteng tanong ko sa kaniya sabay turo saking sarili. "Takot, kanino?" nagtatakang tanong ko sa kaniya at tumawa pa.
Nawala naman ang mapangasar nitong mukha at napalitan ng pagkainis "Of course from me!"
I giggled.
"Sorry pero hindi talaga kasi ako natatakot sa mga clown eh." Mapanuyang sambit ko sa kaniya at nag cross arm.
YOU ARE READING
That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)
RomanceUNDER EDITING "Walang reynang talonan kaya mas mabuting manahimik ka na lamang." -Akisha Xyra Mae Dela Vega STARTED: MAY 14 , 2020 END: JULY 27 , 2020