AKISHA XYRA MAE's Point of ViewHabang tumatakbo ako ay meron akong nabanggaan kaya nag sorry naman agad ako at pumunta sa garden.
Maya-maya pa ay bumalik na ako sa room namin, ang ingay-ingay nila at nang makapasok na ako ay nagsitahimik naman sila kaya umupo na lamang ako sa aking upoan.
"Guys, guys, DITO NA DAW MAG-AARAL 'YONG QUEEN NG ANGEL'S SECTION 'YONG TAGA HEVILLIAN ACADEMY!" sigaw ng boses lalaki.
Gulat ang reaksiyon kong napalingon sa direksyon ng lalaking iyon.
How did he know?
"Talaga ba?" Usisa sa kaniya.
"Oo, pero 'di natin makikita 'yong mukha niya kasi nakamaskara daw siya palagi eh." nanghihinayang na sambit nito.
"Pano mo nalaman?"
"Yon ang sabi ng source ko eh." kamot batok niya sagot.
Source?
"Hayst! Alam niyo mga pre, idol ko talaga 'yon." Sabi niya pa. "Ang galing makipaglaban eh."
Talaga lang, huh?! Parang ayaw niyo nga sakin, eh! Duh?
Nag kwentohan pa sila tungkol doon, nahinto lamang sila nang dumating ang aming professor kaya nagsi balikan na sila sa kani-kanilang upoan.
"Good morning, class." Bati samin ni prof.
"Good morning, prof?" patanong na bati ko sa kanya kasi hindi ko naman alam ang name niya.
I looked around. Ako lang talaga ang bumati mga bhie. Takte lang?! Hindi ba nila nakikita o naririnig si prof?
"Ohhh, miss Dela Vega, nice to see you here." Nakangiting sambit ni prof kaya ngumiti na lamang ako pabalik sa kaniya.
Nag simula itong mag turo hanggang sa matapos ang kaniyang oras.
"Class dismiss."
Hindi pa nakalabas ang aming professor pero ang mga kaklase ko ay parang mga zombie na lumabas sa aming class room.
"Hindi naman halatang gutom na gutom sila no?" Natatawang sambit ni professor kay King Damon na naka pamulsang nag lalakad palabas.
My brows furrowed nang hindi pinansin ni King Damon ang aming professor. Walang respeto!
Napapailing na lumabas si professor kaya ako na lamang ang tao na natitira dito sa aming class room.
"Bakit kaya wala pa si Drake? Saan na naman kaya siya nag punta?" bulong kong tanong sa aking sarili.
Napatigil ako sa pagliligpit ng aking mga gamit nang biglang tumunog ang aking phone, kinuha ko naman iyon mula sa bulsa ng palda ko.
From: Jane
Meron akong balita tungkol sa bf mo dito, Mae.
Today 9:15 AM
It was a message from Kyla Jane Smith, one of my friends in Hevillian Academy.
Pumunta ako patungo sa garden nitong Demon Academy upang tawagan siya.
Nang dumating na ako sa garden, agad akong umupo sa ilalim ng puno at tinawagan ko na nga ito.
Wala pang tatlong sigundo sinagot na niya ang aking tawag.
"Hello, anong balita?" Tanong ko.
"Wag ka sanang malungkot sa ibabalita ko sayo." bungad sakin ni Jane mula sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/297391314-288-k684094.jpg)
YOU ARE READING
That Nerd is a Queen of Angel's Section (COMPLETE ✅)
RomanceUNDER EDITING "Walang reynang talonan kaya mas mabuting manahimik ka na lamang." -Akisha Xyra Mae Dela Vega STARTED: MAY 14, 2020 END: JULY 27, 2020