Chapter 7:

1 0 0
                                    

Alex's POV

Anong problema nun? Grabe kung makatakbo sa loob ng kwarto ko. Siya ang unang babaeng nakapasok sa kwarto ko. Napakaswerte niya. Napangisi ako. 

Napalingon ako sa mesa at napangiti nang may natira pang cake. Binili niya daw to para makabawi sa 'kin. Hindi naman ako nagalit sa kaniya. Arte ko lang 'yon. Pero buti naman binili niya 'to kasi sobrang sarap. Ang laki yata ng nakain ko nito. 

Kinuha ko ang natira at kinain nalang din. Buti naman umalis na 'yong kapatid kong makulit.

Napatingin ako sa oras at nakitang 6pm na. Pagkatapos kong ubusin ang cake ay agad kong nilagay ang platito sa lababo para hugasan mamaya. Mamaya ko nalang huhugasan, isasabay ko nalang sa utensils na gagamitin namin ni Shine sa dinner. 

Nag hubad ako ng pang-itaas ko at nagsuot ng apron. Napag-isipan kong magluto ng dinner namin ni Shine. Tinatamad akong magluto pero ayaw ko naman din mag pa-deliver. Hindi naman sa pagmamayabang pero mas masarap pa ako magluto kesa sa mga chef sa restaurant.

Binuksan ko ang refrigerator at may nakitang shrimp. Mag prepare nalang ako ng raw shrimp then spicy sauce. Masarap 'yon. 

Pagkatapos hugasan ang shrimp ay kinuhanan ko ito ng balat. Nilagay ko kaagad ito sa isang rectangular plate at nag prepare ng sauce na nilagay sa maliit na lalagyan. 

Napag-isipan ko din magluto ng sinigang na hipon since marami namang hipon. 

Nilagay ko na sa bowl ang sinigang na hipon at nag prepare na din ako ng rice. Nag labas din ako ng isang pitsel ng tubig. 

Hinubad ko na ang apron pero bago ko pa man masuot ang t-shirt na hinubad ko kanina ay nahagip ng mata ko si Shine nakatingin sa katawan ko at nanlalaki pa ang mata nito. 

Napangisi ako. "Ano Shine? Ang kisig ko ba?" Sinundan ko ng tawa 'to. 

Napatalon siya sa gulat. Hindi niya yata alam na nakatingin na siya sa katawan ko. Mas napangisi ako. 

"H-ha?? Anong pinagsasabi mo diyan?" Utal na sabi niya. 

"Nakakaaliw bang pagmasdan ang katawan ko?" Ngisi kong tanong. 

"H-ha? Ah oo- ay hindi! Hindi ah! Ano bang pinagsasabi mo diyan!" Sabi nito bago padabog na bumalik sa kwarto. 

Napailing nalang ako habang nakangisi padin. Tinignan ko ang wall clock at nakitang 6:45pm na. 

Pumunta ako ng kwarto at tumuktok sa pinto nito. Baka kasi nagbibihis siya o ano kaya nag knock ako. Hindi naman ako kagaya sa ibang lalaki. 

"Kakain na tayo, Shine. I cooked." Sambit ko. 

Hindi siya nagsalita kaya pumasok nalang ako. Pag pasok ko ay hindi ko siya nakita. 

"Shine?" 

"I'm in the bathroom! Naliligo ako!" Rinig kong tugon niya. 

Bakit parang galit 'to? Sigaw nang sigaw 'di naman inaano. Lumabas nalang ako kasi baka palabas na din siya. 

Tinignan ko nalang ulit ang prine-pare kong dinner at wala na akong masabi. Napakaperfect ng pagkaka-arrange ko. Napailing ako at napangisi. 

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko revealing Shine. Basa pa ang buhok niya. She looks so fresh and pretty with those shorts and white over-sized shirt with the word 'Gorgeous' on it. And yeah, she's damn gorgeous.

"You're pretty." Just me complimenting her. 

Tila nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na sabihan ko siya ng ganun. She's pretty naman talaga. 

"T-thanks." She stuttered then blushed. 

Napatawa ako ng konti. She's cute. 

"By the way. Hindi ako dito nag di-dinner." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Sayang naman kung hindi dito. Hindi niya matitikman kung gaano kasarap ang luto ko.

"Oh um.. really?" Baka mag bago pa isip niya. 

"Yeah. I'm having a dinner with my highschool friends." She said na parang nahihiya pang sabihin dahil nagluto ako para saming dalawa. 

"Okay. I'll just eat alone then." Matamlay na sabi ko. 

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Marami ba niluto mo?"

I looked at her. "As you see. Madami nga." Tinignan ko ang mga niluto ko at marami 'to. Naka arrange pa ng maayos ang mga utensils. 

"I'll just eat here with you then." Sabi niya at nagulat pa ako ng dali-dali siyang umupo at nilantakan ang mga niluto ko. 

"Dito nalang ako kakain. Nakita ko kasi paborito ko." Sabi nito habang puno pa ang bibig. 

Hindi naman pala maarte kumain 'to. Punong puno pa ang bibig. 

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at pinagmasdan siyang kumain bago ako kumuha ng kakainin ko rin. 

"Baka magtaka mga kaibigan mo kung bakit wala ka." Sabi ko. 

"Hayaan mo na mga 'yon. Madalas naman talaga ako 'di sumisipot sa mga gala namin. Expected na nila na hindi ako sisipot." Ngiti niyang sambit. 

Napangiti nalang din ako. "Sana sumipot ka nalang para magulat sila." Tumawa ako ng mahina. 

Napatawa din siya. "Talagang magugulat. By the way, the food is great." Ngumiti ako. "Of course it's great. Ako nagluto eh." 

"Chef ka ba?" She asked while still munching the food. 

"No, I'm not." 

She stopped from eating then wipe her mouth with the table napkin. "Really? Mas masarap pa ang luto mo kaysa sa mga restaurant." 

"Thank you for that compliment." Ngiti kong sambit. 

"You should build your own restaurant. Siguradong magiging successful ka."

Ngumisi ako. "I'm already successful since birth." 


"Oh right. You're a son of the vice president." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. 

Magpapatuloy na din sana ako nang marinig kong nabilaukan siya. Dali dali akong kumuha ng tubig at pina-inom sa kaniya. Grabe kasi kumain. Sunod sunod. 

"Thank you." Sabi niya. 

"Bakit kasi ang lakas mong kumain." Natatawa kong sabi. 

"Wow ha. Parang mahihin ka kumain." Sabi niya sabay tinarayan ako. 

Tinawanan ko lang siya bago bumalik sa upuan ko at kumain. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko na siyang tumayo at nilagay ang platong pinagkainan niya sa lababo. Habang nakatalikod siya ay pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang katawan. Perpekto ang korte nito na parang hour glass. She's perfect. Damned. 

"Bilisan mo nang kumain, Lex. Ako na ang maghuhugas ng plato." 

Napatigil ako sa pag tawag niya sa 'kin sa nick name na 'yon. Nag iba ang tingin ko at biglang nag iba ang mood ko dahil sa tinawag niya sa 'kin. 

"Don't call me by that nick name." Matigas kong sabi. 

"Why? It's cute." She said. 

"Just don't call me by that nick name. I hate it." 

Padabog akong tumayo at nilagay sa lababo ang plato ko. Napatingin ako sa mata niya at nakita ko doon ang gulat at takot. Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili. 

Kumalma ka, Alexander. Wala siyang alam sa nangyari sa 'yo kaya wala kang karapatan na magalit sa kaniya o sumbatan siya. 

"I'm sorry. It's just that, I have a past with that nick name. A dark past." I said trying to calm myself. 

"It's okay." Tanging nasabi niya bago tumalikod sa 'kin at nag simulang mag hugas ng plato. 

I need to go somewhere. Bakit kasi hindi pa ako maka move on sa pangyayaring 'yon. 

"May pupuntahan lang ako." Sabi ko bago kinuha ang hoodie ko at dali-daling lumabas sa condo.


Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon