Chapter 2:

2 0 0
                                    

"Okay ka lang ba... Miss." 

 Tinignan ko siya at agad nag tama ang mga mata namin. 

 Bago ko paman siya masagot ay bigla nalang nag dilim ang paningin ko at hindi ko alam kung bakit. 

 Alex

 "Miss? Miss!" 

 Nahilo yata ang babaeng 'to. Kinuha ko ang mga gamit niya at inilagay ito sa likod ng sasakyan ko bago siya binalikan at binuhat nang pina-bridal style. Binuksan ko ang pinto sa back seat at inihiga siya dito. Habang inaayos ko siya sa pagkakahiga ay nahagip ko ang mukha niya. 

She's beautiful. 

May naalala ako sa mukha niya. Oh no erase that, I mean... May kamukha siya. 

Damn. Ilang minuto yata akong natulala sa ganda niya. Ang perfect ng mukha ng babaeng 'to.

Lumabas na ako sa back seat at umupo sa driver's seat. Pinagmasdan ko sa rear mirror ang babae bago pinaandar ang engine ng kotse. Isinabay ko nalang 'tong babae sa condo ko. Hindi naman kasi pwedeng iwan sa daan baka ano pang mangyari sa kaniya. 

 Shine

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at inikot ang paningin. 

Where am I? 

 Nagulat ako nang biglang bumukas ang isang pinto sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko at naglakbay ito sa katawan ng lalaking nasa harapan ko ngayon na bagong ligo at tanging baba lang ang may takip. 

 "Who are you?!"- me 

 Medyo nagulat pa siya sa 'kin pero agad naman siyang tumikhin. 

 "Hindi mo ba muna tatanungin kung nasaan ka miss?" 

 "Nasaan ba ako?" 

 Napangisi siya. Anong nginingisi ngisi niya? 

 "Sinunod mo nga talaga ang sinabi ko." 

 Napataas ako ng isang kilay, "Malamang susundin ko dahil 'yon ang sabi." 

 "Sarcastic kasi 'yon, Miss. What's your name?" Sabi niya at lumapit sa isang Cabinet at kumuha ng under- what?! 

 "Why would I tell you my name? And wtf! Pwede bang wag ka dito mag bihis alam mo namang may babae!" 

 Tinignan niya ako nang nakangisi, "Bakit naman ayaw mong sabihin ang pangngalan mo? Siguro nakatakas ka sa presinto 'no?" Tumawa siya saglit, "At dapat nga ikaw ang lumabas eh! Akin ang kwarto na 'to! Magbibihis ako kahit kailan ko gusto. Pake ko ba kung nandiyan ka."

 "Ang bastos mo." Kumuha ako ng unan at itinapon sa kaniya. 

Nasalo naman niya ito kaagad, pero nanlaki ang mata naming dalawa. Holy sh*t. Tinignan ko lang siya sa mukha. Hindi ako pwedeng tumingin sa baba. Nahulog ang towel sa pang-ibaba niya! 

 "Ku-kunin mo na 'yong towel!" Sigaw ko sa kaniya. 

 At aba 't ngumisi lang. Bastos nga. 

 "Bakit ko naman ku-kunin? Lumabas ka kaya muna bago ko kunin. Kung 'di ka lumabas, edi mag tiis ka diyan." 

 Ang bastos! 

 Padabog akong tumayo habang nakatingin parin sa pagmumukha niyang nakangisi. 

 "Ang bastos mo." Gigil kong sabi bago dali-daling lumabas ng kwarto at agad na isinara ang pinto nito. 

 Napabuga nalang ako ng hangin at napa-roll ng eyes. Taeng lalaking 'yon sino ba siya sa inaakala niya. Bakit nandito siya sa mansio- what? Nasa mansion nga ba ako? Pero sabi niya kanina sa kaniyang kwarto ang tinulungan ko... Anong nangyari?! 

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng ano ba 'to.. Condo ba 'to? Napatingin ako sa bintana at parang nasa pinakataas na floor kami ng hotel. Condo nga ito. So ibig sabihin wala ako sa mansion? Bakit nandito ako? 

Umupo ako sa sofa at inisip ang mga nangyari bago ako napadpad sa lugar na 'to. Ah oo nga pala. Dahil kay Mom.. Napalingon ako sa kwarto ng lalaki kanina nang narinig kong bumukas ang pinto nito. Tinignan ko siya from the top hanggang sa baba. His black shirt and pants are expensive. Alam kong mamahalin ang mga ito dahil sa brand. I bet his rich. Hindi naman makakabili ng ganyang kamahal na gamit kung 'di ka mayaman eh. Ang mahal talaga niyan. I look at his face and he's looking at me already. Agad akong napaiwas at tumukhim. 

 "Ano bang breakfast?" Tanong ko. 

 Naramdaman kong tumingin siya sa 'kin ng masama kaya napatingin din ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko. 

 "Wow. Hindi ka ba nahihiya? Dito ka na nga natulog tapos dito ka pa talaga kakain ng breakfast? Umuwi ka na oy. Baka magpapahatid ka rin sa 'kin?" He laughed, "Hindi kita ihahatid ano ka gold?" 

 Napatayo ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha sino siya sa inaakala niya? Hindi ba ako kilala ng lalaking 'to?! 

 "Oo gold ako bakit?! At teka hindi mo ba ako kilala?" 

 Napatawa siya, "Diba tinanong ko kanina kung anong pangngalan mo? So syempre hindi talaga kita kilala! Sino ka ba?" 

 Siya lang yata ang taong hindi nakakakilala sa 'kin. 

Napahinga ako nga malalim. "Seryoso ka ba?" 

Tumango lang ito at iniwan ako sa sala. Sinundan ko naman siya habang nakapamewang.

 Kumuha siya ng chocolate sa refrigerator at tumingin sa 'kin ulit, "Who are you, Miss?"

 Tinignan ko siya ng malamig, "I'm Sunshine Diamond Gomez. A mayor's daughter." 

 Alex

Hindi ko pinakita sa kaniyang nagulat ako. Hindi naman talaga ako masyadong nagulat dahil nung isinakay ko siya sa sasakyan, may kamukha nga talaga siya. At ngayon na sinabi niyang anak siya ni Mayor Gomez, nasagot ko na kung sinong kamukha niya. 

 Shine 

 Nagtaka ako sa reaction niya. Bakit parang 'di man lang siya nagulat?

"Ah. Nice meeting you then." Sabi niya bago ako iniwan sa kusina. Bakit ba ako iniiwan ng isang 'to. 

Sinundan ko naman siya at hinarangan ang daan niya. "Yun lang ang sasabihin mo? 'Di ka man lang mag so-sorry sa 'kin dahil sa inakto mo kanina? Haler, anak ng mayor kausap mo."

Tinignan niya ako ng malalim habang kumakain ng chocolate. What's with the look. 

"Baka nga ikaw pa ang mahiya pag sinabi ko kung sino talaga ako." Seryosong tugon niya. "Who are you then?" 

 "You curious?"

"Nevermind." Sabi ko at umupo sa sofa. 

 Tinignan ko siya at nakita kong ngumisi siya. 

Inilahad niya ang kamay niya, "Alexander Moon. Son of the Vice President." 

 Nanlaki ang mata ko sa gulat. Wtf?!

Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon