Alex's POV
I feel guilty for leaving her in my condo alone. Pero hindi ko pa talaga kayang indahin ang mga alala at sakit na nararamdaman dulot ng nickname na 'yon. Mahirap parin talaga kalimutan.
Nakasakay ako ngayon sa kotse ko habang papunta sa tinutuluyan ng pinsan ko — si Cielo. Medyo malayo sa condo ko ang bahay nila Cielo pero siya lang ang maaari kong puntahan kapag may naaalala ako tungkol sa nakaraan na 'yon. Close kami mula pag kabata kaya lahat tungkol sa akin ay alam niya. 2 years ang agwat at halos parehas ang mga problema sa buhay kaya agad kaming nagkaka-intindihan.
Umabot din ako sa bahay nila nang hindi humigit isang oras. Mabilis ang pagpapatakbo ko kanina ng kotse ko dahil natataranta ako. Ganun ang epekto sa akin ng nickname na 'yon. Maraming nagsasabi na bakit daw napaka-oa ko dahil lang sa simpleng bagay na 'yan? Hindi lang talaga nila alam kung anong pinagdaanan ko.
Nahagip ng mata ko si Cielo na kumakaway sa labas ng pintuhan ng kanilang bahay. Kahit kapatid ng daddy ko ang ama ni Tito — Tatay ni Cielo, mas pinili nitong mamuhay nang simple kaysa nakasanayan. Cielo's mom is not wealthy like Tito. Kaya si Tito na mismo ang nag-adjust at namuhay ng simple kasama ang asawa dahil ayaw niyang mabago ang nakasanayan nitong simpleng buhay. Ganoon siguro talaga ang magagawa ng taong nagmamahal.
Can I make that to? For the girl that I want...
Oh! my bad, she's not a girl... She's a lady.
Lumabas ng bakuran si Cielo at agad na lumapit sa kotse ko. Kumatok pa siya sa bintana kaya pinagbuksan ko na ng pintuan sa front seat.
We planned to eat outside and talk about our problems. Kapag isa sa amin ay may problema, kumakain talaga kami sa labas at nagbibigay ng advice sa isa't isa. At ako parati pinapabayad ng bills lol.
Pinaandar ko na ang kotse at agad na pinaharurut.
"Asan ba tayo kakain, buwan?" She asked habang natatawa. Natatawa padin yata dahil sa nickname na ginawa niya para sa 'akin.
Inirapan ko siya nang pabiro. "Hindi ka ba naririndi sa buwan-buwan na 'yan? It's too corny, please."
Natawa ito nang malakas, "Anong corny? Surname mo 'yon uy!"
"Andami mong kalokohan."
"By the way, bago natin pag-usapan 'yong main problems natin, totoo ba talaga 'yong sinabi mo sa 'kin na kasama mo sa iisang bubong 'yong anak ni Mayor- ah ano nga pangngalan ng mayor na 'yon?" Curios na curios.
"Daldal mo." Sabi ko at hindi sinagot ang tanong niya.
"Ang daya! Ikaw nga namilit sa 'kin na samahan kita para may kausap ka tapos hindi mo naman sasabihin." Napasimangot ito.
"Hindi naman 'yon ang problema ko ah. At isa pa, hindi ako madaya kasi ako naman magbabayad ng lahat na kakainin mo eh."
"Oo na. Hindi ko naman kasalanang maliit lang ang binibigay na allowance sa 'kin ni Papa."
"Kapag kasi marami ang ibigay sa'yo ni Tito ay mauubos agad. Sobrang gastosera mo pa naman."
Tinignan ako nito ng masama. "Kailan ba ako mananalo sa asaran?" Inirapan niya ako ikinatawa ko.
Sa malapit na mall lang kami ng bahay nila pumunta. Hindi ko kasi pwede ilayo si Cielo dahil sobrang protective ng parents niya. Kahit dalawang taon lang ang agwat namin ay itinuturing padin itong bata ng mga magulang niya. Minsan nga lang ito makalabas ng bahay dahil sa sobrang strikto nila Tita at Tito. Minsan nga ay naiinis na si Cielo sa kanila dahil hindi siya nakakasama sa mga kaibigan niya tuwing gumagala ang mga ito. Sa akin lang nila pinapasama dahil sa akin lang daw sila may tiwala.
BINABASA MO ANG
Imperial knights series - When our hearts crashed-
RomansaA masterpiece by Savage_tasha (kindly follow) Imperial Knights -Series- "I've seen you at your worst but I still think you're the best" "I'am a strong person, but every now and then I would like someone to take my hand and say everything is going to...