Chapter 11

0 0 0
                                    

Shine's POV

Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng kasama niya. Napakaganda ng kasama niya pero mas maganda ako, syempre. Makinis at maputi ito pero mas makinis at maputi ako. Pinkish ang labi nito pero natural naman na mapula sa 'kin. Maganda ang korte ng katawan niya pero mas maganda sa akin. Lahat nang meron siya ay walang-wala sa meron ako.

Bakit ko nga ba kinu-kumpara ang sarili ko sa kaniya? Mas malamang naman talaga ako kahit ang ibang tao pa ang magsabi. Bakit pinatulan ni Alex ang babaeng 'to. Tsk walang taste.

"Oh? Ikaw pala Alex anong ginagawa mo dito at... Girlfriend mo?" Tanong ko.

Bakas ang gulat sa mata niya nang tinanong ko 'yon. Lumaki pa nga ito at parang napaatras nang konti. Overreacting duh.

"What? She's not my girlfriend." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko at muling tinignan ang babaeng lumilikot ang mata ngayon, kahit saan tumitingin nang ibaling ko ang mata ko sa kaniya.

"Okay." Nagsisinungaling pa siya parang girlfriend niya nga eh.

Inirapan ko silang dalawa at parang nakita naman nung babae dahil lumaki ang mata niya. Sobrang inosente ng mukha niya kumpara sa maldita kong face. Pero sa tingin ko mas marami pa siyang alam sa s3x kaysa sa akin. Mga inosenteng mukha ay dapat hindi pagkatiwalaan dahil mas marami pa silang alam sa mga kababalaghan.

"She's my-"

"So ano mo siya?" I asked Alex, bago nya pa matapos ang dapat niyang sabihin.

"Cousin." Dugtung niya sa sinabi niya.

Parang bigla akong nahiya sa pinagsasabi ko sa isipan ko tungkol sa pinsan niya. Pinsan niya pala. Pero ganun naman padin. Mas maganda talaga ako.

Tumango ako sa sinabi niya at plastic na ngumiti sa pinsan niya. Hindi ko alam pero hindi ako mapalagay sa pinsan niya. May something sa kaniya na hindi ko maintindihan kung bakit.

"What's your name?" I asked his cousin.

"Cielo ang pangngalan niya." Sagot ni Alex.

Tinignan ko siya ng masama. "Ikaw ba tinatanong ko?"

"Oh..." Iniba niya ang direksyon ng mata niya nang sinabi ko 'yon sa kaniya. I don't know what's the matter in me. Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko. Nagagalit ako dahil may kasama siyang ibang babae. Pinsan niya nga pero parang hindi rin. Ewan ko ba.

"Cielo ang pangngalan ko."

Tinignan ko si Cielo at inirapan na hindi niya napapansin. Sinabi na nga ni Alex yung pangngalan niya sinabi niya pa talaga ulit? Huli na uy duh.

"Ano palang nangyari sa loob?" Tanong ni Alex.

"None of your business." Sabi ko at agad silang tinalikuran.

Makapag-usap si Alex ngayon sa akin parang 'di niya ako iniwan sa condo ah. Wala lang naman para sa akin 'yong pag iwan niya sa akin kanina pero ngayon na bad mood ako, bumalik naman sa utak ko 'yon. Bakit kasi 'di niya nalang I-explain sa akin kung bakit ayaw niyang tawagin ko siya sa nickname na 'yon.

Maglalakad na sana ako palayo pero agad may humawak braso ko kaya napatigil ako at napaharap sa taong 'yon. Si Cielo.

Mahina kong hinawi ang kamay niya sa braso ko. Napasigaw kaagad ito kahit mahina lang naman 'yon. Napaka-arte.

"Aray!" Sigaw pa nito.

Dali-dali naman siyang nilapitan ni Alex at tinignan ang braso. Kahit wala namang namumula 'ron ay parang alalang-alala siya. Nakita niya nga na mahina lang ang pagkakahawi ko eh.

Alangan namang 'di siya mag-alala, Shine? Pinsan niya 'yan remember? Tsk.

"Why did you do that?" Medyo galit na tanong ni Alex sa 'kin.

"Ha? Mahinang hawi lang naman 'yon bakit galit ka kaagad? Bakit niya kasi ako hinawakan." Matigas na tugon ko.

"Pero hindi ba pwedeng tanungin mo muna kung bakit mo 'yon ginawa?"

"Bad mood ako ngayong araw kaya ayaw kong may humawak sa akin, kaya ko 'yon nagawa, Lex." Diniinan ko talaga pagkakasabi ng nickname na 'yon.

Parang mas nagalit siya nang banggitin ko ang nickname niya. Kitang-kita sa nag a-apoy niyang mata.

"I told you not to call me by that nickname." Mahina ngunit bakas ang galit na sabi niya.

Napa-tsk ako nang hinawakan siya ni Cielo sa braso upang pakalmahin.

Pinsan niya 'yan, Shine.

"Ano ba kasi meron sa nickname na 'yan? Pwede bang paki-explain?" Tanong ko na medyo may bakas ng pagkairita. Wala akong pake kung magalit siya.

"You don't need to know." Malamig niyang sagot.

"Bakit naman?" I asked again.

"Sabi niya hindi mo raw kailangan malaman. Respect his decision."

Napatawa ako ng mahina nang sabihin 'yon ni Cielo. Siguro 'tong isang 'to may alam. Syempre, pinsan eh.

"Did I asked you?" Sabi ko sa kaniya.

Napayuko siya at hindi kumibo habang nakahawak padin sa braso ni Alex ang kamay niya. Hindi na ako magugulat kung maya't maya ay iiyak siya.

"Don't talk to her like that." Madiin na pagsambit ni Alex.

Tinignan ko siya, "Pano ba dapat mag salita sa kaniya?"

"Just don't be like that to her. She's my cousin."

"Ano naman kung pinsan mo siya?"

"I'm concern about her." Sagot niya.

"And then?"

Napahilamos siya ng mukha.

"You don't need to know what's behind that nickname." Balik niya sa topic.

"Bakit nga?" I asked.

"Ano ba kita para malaman mo?" Malamig na sabi niya.

Kahit saan-saan tumingin ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napatahimik ako. Oo nga naman, sino ba ako para malaaman 'yon? Nakitira lang naman ako sa condo niya diba. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi ko. Nadala yata ako ng damdamin. Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko? Parang hindi tama.

Dahil sa pagkahiya ay dali-dali ko silang tinalikuran at mabilis na naglakad palayo. Wala yata talaga paki-alam si Alex sa 'kin dahil 'di niya naman ako tinawag pag alis ko.

Bakit nga naman siya magkakaroon ng pake sa akin? Sino ba ako sa buhay niya? I'm nothing.

Mabilis akong sumakay ng taxi patungo sa condo niya. Naisipan ko nang umalis 'ron. Hindi naman ako pwedeng magtagal doon at, sino ba naman ako para tumira ron na hindi naman ako ka ano-ano ni Alex.

Pagbaba ko ng taxi ay nagulat ako nang madami akong nakitang mga camera at mga tao sa labas ng condominium na tinitirahan ni Alex. Ano bang meron?

"AYON ANAK NI MAYOR GOMEZ!!!"

Nanlaki ang mata ko nang sumigaw ang isa sa kanila at tinuro. Tumakbo ako ng mabilis dahil papalapit sila sa'kin. Death! Who the hell told them that I'm staying there?!!


Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon