Chapter 6:

1 0 0
                                    

Shine's POV 


Pano siya naging kapatid ni Alex? Magkaiba sila ng apelyedo ah? 

"How? I mean 'di naman kayo same ng last name." Tanong ko. Nasa sala na kami ngayon habang kumakain ng cake na dala ko na may iron man na design. Abot tenga ang ngisi ni Alex nang makita niyang iron man ang design nito. That's how crazy he is. 

Tinignan ako ni Ate Ysobella at ngumisi bago binaba ang platito na may laman na cake. 

"We don't have the same dad." 

"Oh." Ito lamang ang nasabi ko. Nakangiti siya pero kita sa mga mata niya na hindi siya masaya.

Napabuga siya ng hangin. "My Dad died when I was just 2 years old. Then after a year my Mom met Alex's Dad which is the vice president. Masaya ako nang nag mahal ulit si Mom. Halos hindi na kasi siya kumain at matulog after ilibing si Dad."

"Oh. Sorry 'bout that." Sabi ko. 

Ngumiti siya. Isang genuine na smile. "It's okay. By the way, Girlfriend ka ba ng kapatid ko?"

Nanlaki ang mata ko at narinig ko namang umobo si Alex. 

"Hin-" 

"Yes she's my girlfriend." 

Mas nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alex. Okay lang ba utak niya? 

"What are you-" naputol ulit ang sasabihin ko. 

Tumayo si Alex at pinatayo rin si Ate Ysobella. "Kaya hindi ka pwede mag stay dito dahil ayaw niya ng maingay na taong katulad mo." 

"But love! Alam mo namang wala akong matitirahan diba? And besides you agreed that I'll stay for a week!" Reklamo ni Ate Ysobella. 

"Asa ka namang wala kang matitirahan. I changed my mind na patirahin ka dito. Naalala ko na may ibinigay pala si Mom na House & Lot sayo."

Tumayo ako at pumagitna sa kanila. Napatingin silang dalawa sa 'kin na may bahid ng pagtataka. 

Hinarap ako ni Alex. "What Babe?" Sabi nito na ikinainit ng mukha ko. 

Bakit ang init ng mukha ko? Wtf? 

"You're blushing." Ngisi na sabi niya.

Inirapan ko siya at hinarap nalang si Ate Ysobella. "Pwede ka naman tumira dito for a week."

 Naramdaman kong pinatong ni Alex ang kamay niya sa balikat ko at hinarap ako sa kaniya. "Diba ayaw mo sa maiingay, Babe? Ang ingay ng ate ko na 'yan!" Sabay turo kay Ate Ysobella. Sa true lang, ayaw ko mag ate sa kaniya kasi 2 years lang naman agwat namin pero kailangan sa kadahilanang anak ako ng isang Mayor. Dapat marunong ako rumespeto sa mas nakakatanda. Hindi ko nalang sana sinabi na anak ako ng isang Mayor tsk. 

"I'm not! Behave kaya ako." Pa cute na sabi ni Ate Ysobella. Medyo cringe sa totoo lang hehe.

Nahagip ng mata ko ang itsura ni Alex na parang nandidiri sa ginawa ng ate niya. Cute naman ang ginawa ng ate niya pero gaya nga ng sinabi ko, medyo cringe ehe. 

"Tigilan mo nga ang pag papa-cute mo! Para kang aso na hindi na liguan ng ilang araw." Bara ni Alex. Grabe naman 'tong isang 'to makapagsalita sa ate niya. Parang 'di anak ng Vice President ah. 

"Grabe ka talaga sa 'kin, Love! Gina-ganto mo lang ako!" Umarte pa na parang iiyak na. 

"Ewan ko sa'yo." Sambit ni Alex habang nakalagay ang dalawang braso sa dibdib. 

"Sige na, Love! Payagan mo 'kong tumira dito! Just a week, please! Miss na kasi kita at alam mo na 'yong about sa nangyari sa 'min ng ano ko. I need to move on at kailangan ko ng kasama para maka move on! Para hindi ko siya maisip!" 

Alex looked at her with sleepy eyes. "Tapos kana ba sa drama mo? I don't want you to stay here. It would be a disaster. Knowing you? Pag dito ka tumira magdadala ka ng mga kaibigan mo tapos magkakalat kayo dito sa condo ko. Dito kayo magkakalat kasi sabi ni Mom na hindi ka pwedeng magkalat sa sarili mong bahay." Mahabang sabi ni Alex. Ewan ko ba kung 'yon ang pinakamahabang narinig kong sinabi niya. 

"What the h*ll?! You really notice that! Okay I'm done. Ang talino mo talaga, Love ko!" Tuwang-tuwa na sabi ni Ate Ysobella. 

"At isa pa, pang ilang boyfriend mo na 'yan at ilang beses ka na din nag move on na walang kasama." Dagdag pa ni Alex. 

Huminga ng malalim si Ate Ysobella at sumimangot. "Bakit ba ganyan ka sa 'kin ngayon, Love? Sa naalala ko ikaw pa 'yong nagiging immature kapag kasama ako." Sabi nito. Pero ilang segundo palang ang lumipas ay biglang nagliwanag ang mukha nito at tinignan ako. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yeah?" 

Hindi niya ako sinagot at inilipat ang tingin kay Alex. Napataas din si Alex ng kilay dahil sa pagtataka. 

"Dahil ba kay Shine kaya nagiging cold ka sa harapan ko ngayon? Ayaw mong makita niya ang childish side mo? Nako My Pinoy Big Brother huh. Nagpapasikat ka pa talaga." 

Nagtaka ako sa sinabi ni Ate Ysobella dahil may bahid ito ng tukso. Ano bang nasa utak ng babaeng 'to? Tama nga yata sinabi ni Alex na hindi nalang siya patirahin dito sa condo niya. Baka mahawaan pa kami sa kabaliwan ng babae na 'to. 

"What are you talking about? Anong nagpapasikat? Baka ikaw nagpapasikat ang ingay mo." Sabi ni Alex sabay tulak sa ate niya na salita nang salita na may bahid pa din ng tukso hanggang sa nakalabas na ito sa condo ni Alex.


Nang masara na ni Alex ang pintuan ay dali-dali siyang lumapit sa 'kin. "Wag mo nang isipin ang sinabi ng galing mental na babaeng 'yon. Since birth kasi nasa mental hospital na 'yon kaya kahit ano-anong kabaliwan nalang ang nasa utak." Sarkastikong saad nito bago umupo sa couch at nilantakan ang natitirang cake. Kinain niya pa 'yong cake ng ate niya. 

"I didn't know na mahilig ka pala sa cake." Sambit ko at umupo sa couch katabi niya pero ilang metro ang layo. Asa naman siyang didikit talaga ako sa kaniya. 

"Hindi naman ako mahilig sa cake. 'Yong design lang kasi." Sagot niya habang nakatuon lang sa cake. 

"That's my apology. Mukhang nagalit ka kasi kahapon sa 'kin. Medyo natakot ako sa mukha mo ah." Natawa ako ng peke pero konti lang para 'di naman masyadong seryoso ang sinabi ko. Nakita ko siyang napangiti at lumingon sa akin. "I will never get angry to you. Acting lang 'yon." Sabi niya bago tumawa ng malakas. 

Nag-init ang ulo ko at tinapon sa kaniya ang unan na katabi ko. Bumili pa ako ng cake para sa kaniya ah! Nag effort ako dun. What an a$$. 

Tawang-tawa parin siya sa 'kin. "I'm sorry!" 

"Ewan ko sa 'yo, Jerk!" 

"Grabe naman 'to jerk agad! Thank you sa cake, Babe!" Tawang tawa na sabi niya at tumakbo pa ikot sa condo. 

"Now this is my childish side!" Sigaw niya sa 'kin. 

Napatigil ako habang tinitignan siya na nakangiti parin. His smile is so genuine. 

"Kanina lang nang dumating ang ate mo parang ang matured mo. Grabe naman mood swings." Saad ko. "Gusto ko kasi tayong dalawa lang sa condo ko." 

Nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya. Hindi ko masyado narinig kaya mali siguro iniisip ko. Pero still! Namumula ako! Parang timang naman ako oh. 

Tumakbo ako patungo sa kwarto niya at ni-lock ito. Kumatok-katok siya at tinatanong ako kung ano ang problema. 

Ang problema ko? My heart beat is so damn fast and I can't stop it.


Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon