Alexander's POV
Kitang-kita sa mukha niya ang gulat nang sinabi ko na anak ako ng Vice pres. 'Kala niya ah.
"You're lying!"
I smirked, "I'm not, daughter of a mayor."
"Wag kanang umasang maniniwala ako sa pinagsasabi mo. Aalis na ako."
Nilagpasan niya ako bago siya pumasok sa kwarto. Ku-kunin niya siguro 'yong mga gamit niya. Talaga bang aalis na siya? Bakit parang ayaw ko pa? Gusto ko lang siguro siyang inisin.
Napangisi ako nang kinuha niya ang mga gamit niya bago tumingin sa 'kin ng masama. Lalabas na siya but she stop immediately when I called her.
"The shirt that you're wearing is mine." Taas kilay kong sabi.
Napabuga siya ng hangin bago namewang, "Gustong-gusto mo talaga akong inaasar eh 'no."
Napangisi ako ng lihim, "Bakit ba? Totoo namang akin talaga 'yang t-shirt na sinusuot mo."
Napadabog siya at huhubarin sana ang t-shirt sa harapan ko kaya agad nang laki ang mata ko.
"Hoy anong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Tinignan niya ako nang nakangisi, "Edi hinuhubad ang shirt na suot ko. Diba sa 'yo 'to?"
Nang-aasar amp.
Ngumisi ako, "Okay."
Nawala ang ngisi niya nang sinabi ko 'yon. "Pervert!" Sigaw niya.
I smile, "Hubarin mo na. Ikaw ang umaktong maghuhubad tapos 'di naman pala gagawin. Stupid."
"Anong sinasabi mong stupid ako!? Baka ikaw!" - siya
"At pano naging ako?" - ako
"Argh!!" Sigaw niya at ginulo ang buhok.
Natawa ako ng mahina sa ginawa niya. Hindi ka matatalo sa asaran nating dalawa Ms. Gomez.
Kinuha niya ang bag niya at tinignan ako ng masama bago padabog na lumabas sa condo ko.
Napangisi ako. Ngayon lang ako natuwa ng ganito sa pang-aasar. Inasar pa talaga ako pabalik. Akala ko pa naman kikiligin siya pag gising niya dahil isang gwapong katulad ko ang makikita niya. Walang batbat ang kagwapuhan ko sa kaniya. Grabe. Pero ako gandang-ganda sa kaniya. Kahit nagagalit na siya ang ganda parin. Cutie Ms. Gomez.
Shine's POV
Hanggang ngayon ay nandito parin ako sa labas ng condo ni Alex. Ngayon ko lang naisip na wala nga pala akong tutuluyan! Ayaw ko namang bumalik sa bahay pagkatapos kong mag layas.
Napabuga ako ng hangin. Saan ba ako pwedeng pumunta? Wala naman akong condo dahil ayaw ni Dad na may ganon ako. Nakaka-frustrate! Ano nalang gagawin ko ngayon. 'Di naman pwedeng pumasok ako ulit sa condo ni Alex. Nakakahiya baka pagtawanan pa ako ng baliw na 'yon.
Kinuha ko ang wallet ko para tignan kung may pera pa ako. Expected ko din na nasa loob ng wallet ko ang black card ko. Kaso pag check ko sa wallet ko ay hindi ko nakita ang aking black card. Nanlaki ang mata ko. Naiwan kaya sa loob ng condo ni Alex?! But that's impossible! 'Di niya naman siguro ku-kunin ang credit card ko diba?
Napasigaw ako at ginulo ang aking buhok. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kinuha ko ang bag ko at akmang aalis nang biglang bumukas ang pinto ng condo ni Alex. Napalingon ako at agad ko siyang nakita. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh ano? Masaya ka bang nandito parin ako sa harap ng condo mo?" Mataray na sabi ko.
"Umm..."
Pinangdilatan ko siya ng mata. Anong ibig sabihin niya sa response niya?
"Ito ba'ng hinahanap mo?"
Napatingin ako sa kamay niya na nakatapat sa mukha ko at agad kong nakita ang aking black card. Wtf?! Bakit nasa kaniya 'yan?
"Ba-bakit?! Bakit nasa sa 'yo ang credit card ko? Kinuha mo ba 'yan sa wallet ko?!"
"Huh? Hindi ko kinuha 'no! Nahulog lang siguro galing sa wallet mo. Bakit ko namang ku-kunin? I have a lot of credit cards."
I rolled my eyes. Okay.
"It's too impossible na mahuhulog ang credit card ko galing sa wallet! Kinuha mo talaga siguro. Akin na nga!"
Ku-kunin ko na sana kaso itinaas niya ang kamay niya habang hawak ang black card. Ano bang nasa utak nitong lalaking 'to. Ay, may utak ba 'to?
"Bakit mo itinaas?!"
"Hindi ko nga sabi kinuha." Sagot niya.
"Bahala ka sa buhay mo basta akin na!" Sigaw ko ulit at inabot ang black card pero mas itinaas niya lang ang kamay niya.
"What's your problem, Alexander?!"
Ngumisi lang siya. Animal.
"Let's have a deal." Napamewang ako, "Ano bang tumatakbo sa utak mo at may pa-deal ka pang nalalaman?! Pwede ba huh! Akin na 'yang card ko sabi eh!"
"Hindi ko 'to ibibigay sa 'yo."
I faked a laugh. "What do you mean? Nakukunin mo 'yang black card ko? Wala na nga akong matitirahan tapos ku-kunin mo pa 'yan?"
Napakunot ang noo niya. "Ano ba talagang nangyari sa 'yo at ayaw mo nang bumalik sa inyo?"
"It's none of your f*cking business!"
Mas lumawak ang ngisi niya. "Let have a deal nga."
"Ano ba naman 'yang deal na 'ya-" naputol ang dapat kong sasabihin nang magsalita siya. Aba'y bastos.
"Titira ka dito sa condo ko kasama ako pero may kapalit."
Napatawa ako ng mapakla, "Mas gugustuhin ko pang manirahan sa gubat kesa diyan sa condo mo na ikaw naman ang makikita ko araw-araw."
"Subukan mo ngang manirahan sa gubat. Promise I'll give you 1 billion." He joked.
Tinignan ko siya ng masama, "Basta hindi talaga ako titira sa condo mo."
"Nakatulog ka na nga sa condo ko."
"Ibigay mo nalang kasi sa 'kin ang black card ko!"
Pinagkrus niya ang dalawang braso niya sa kaniyang dibdib. Bigla akong napalunok sa ginawa niya at hindi matanggal ang mata ko sa sobrang musculine niyang braso.
"Hindi ko ibibigay ang black card mo unless dito ka titira."
Nabalik ang tingin ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Napabuga ako ng hangin. I guess, wala na akong magagawa.
"Oo na."
He smiled, "Great! Pero may kapalit."
Tinignan ko siya ng masama, "Ano ba 'yan."
"You'll be my slave."
"Ano?!" Sigaw ko kaya napatabon siya ng tenga. Kahit ako ay nabingi sa lakas ng boses ko. Parang abot nga ito sa ibang floors.
Pero 'di ko talaga natanggap na magiging slave ako 'no! It's a NO.
"No way!"
Itinaas niya ulit ang kamay niya at ipinakita sa 'kin ang black card ko. "Then, you won't see your black card ever again."
Gusto ko nang patayin ang lalaking 'to.
"Don't worry. Kung may ipapabili ka ay bibilhin ko naman gamit ang black card mo. Ako nga lang ang bibili."
"Sige. It's a deal. Pero hanggang kailan ba ako pwedeng tumira rito?"
"You can stay here forever."
BINABASA MO ANG
Imperial knights series - When our hearts crashed-
RomanceA masterpiece by Savage_tasha (kindly follow) Imperial Knights -Series- "I've seen you at your worst but I still think you're the best" "I'am a strong person, but every now and then I would like someone to take my hand and say everything is going to...