Alex's POV
Napabuga ako ng hangin saka tinignan si Cielo.
"Hayaan mo na 'yon." Sabi ko.
"Bakit kayo magkakilala? Anak 'yon ni Mayor Gomez diba? Siya 'yong hinahanap nila?" - Cielo.
"Basta. Wag mo sabihin sa iba na nakita natin siya."
"Bakit naman 'di ko pwedeng sabihin sa iba? Tinatago mo ba siya?" Tanong niya pa.
Tinatago ko nga ba siya? Parang ganun na nga pero nakikitira lang naman siya sa condo ko diba? 'Di naman siguro pagtatago 'yon.
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Cielo at sinabihan siyang ihahatid ko na siya sa kanila.
Nang makasakay na kami sa kotse ko, in-on ni Cielo ang radio ng kotse.
"Nandito kami ngayon sa isang condominium kung saan sinasabi nilang tumitura sa ngayon ang anak ni Mayor Gomez na si Sunshine Diamond Gomez. Sinasabi nilang nakikitira daw ito sa anak ng Vice President na si Alexander Moon. Kanina ay maraming paparazzi'ng nakalibot dito, ngunit sa ngayon ay konti nalang dahil sabi ng iba ay nakita daw nilang tumakbo si Ms. Gomez palayo sa condo."
What the fvck?! Inikot ko ang manubela ng kotse at pinatungo ito sa condo ko. Nagulat pa si Cielo dahil sa biglaang pag ikot nito.
"Saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa condo ko. Narinig mo ba ang balita? Baka saan-saan na nakarating si Shine."
Nahagip ng mata ko ang pag ikot ng mata niya. Ngayon ko lang nakita na ginawa niya 'yon.
"Hayaan mo nalang kaya 'yon, Buwan? Hindi mo naman 'yon kaano-ano diba."
Tinignan ko siya. Oo nga naman. Why do I care about her? Pero nasali din ako. Kasali din ako dahil nabanggit 'yon sa balita. Sino ba kasing nakakita sa Amin at nag sumbong? Halos nasa condo lang naman kami parati.
"Kasali din ako dito, Cielo." Paliwanag ko.
"Oo nga kasali ka. Pero kapag pumunta ka sa condo ay makikita ka ng mga paparazzi."
Hininaan ko ang pagmamaneho. She's right. Hindi ko naman din alam kung saan si Shine ngayon.
"Doon ka nalang muna matulog sa bahay."
Nilingon ko si Cielo. "Ihahatid nalang muna kita sa bahay niyo, Cielo."
Inikot ko ulit ang manubela patungo sa bahay nila.
"Ha? Ano pa bang gagawin mo pagkatapos mo akong ihatid? Wag mong sabihin sa akin na hahanapin mo pa si Shine? Hayaan mo nalang kasi siya!" Parang naiirita niyang sabi.
Bakit ba naiirita siya?
"Why? Is there something wrong?"
"Concern ka sa kaniya?" Tanong niya.
"I'm not."
"Eh, bakit kailangan mo pa siyang hanapin?"
"Hindi ko naman sinabing hahanapin ko siya."
"Pero sa ginagawa mo palang alam ko nang concern at gusto mo siyang hanapin!"
"Bakit ba?!" Napasigaw ako dahil sa pinagsasabi niya.
Napatikom siya ng bibig. Ang ayaw niya sa lahat ay ang sumisigaw. Natatakot siya. Kinakabahan.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"Sorry for shouting."
Hindi na siya mag salita hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Lalabas sana ako ng kotse para pag buksan siya pero pinigilan niya ako.
"Wag mo na akong pag buksan."
Tumango ako. "Sige."
Tinignan niya ako sa mata. "Bakit ba concern ka sa kaniya? Hindi mo naman siya kaano-ano diba? Ngayon lang kita nakitang naging concern sa taong 'di mo naman kaano-ano."
Inalis ko ang pagkakatingin ko sa kaniya. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin. Kahit kaninong tao, kahit kailangan ng tulong o kahit nahihirapan ay wala akong paki-alam. Ngayon lang ako 'di mapakali, at dahil kay Shine 'yon.
"Hindi ko alam, Cielo. Sa kaniya lang ako ganito. Iba ang nararamdaman kong kaba para sa kaniya. Kinakabahan ako kasi baka ano nang nangyari sa kaniya. Parang ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya kaya gusto ko siyang hanapin kahit gaano katagal ko siyang 'di makita, o kung gaano pa siya kalayo."
Tinignan ko siya at kita sa mata niya ang lungkot at parang nanunubig ito. May sinabi pa siya pero hindi ko narinig. Sinadya niyang 'di iparinig.
"Ganun ba? I think you like her. Bagay naman kayo." Sabi niya na naka ngiti pero may bahid ng lungkot ang boses.
"No, I don't like her."
Nang sinabi ko 'yon, parang may guiltiness sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"You're lying." Bulong niya sa sarili, pero rinig ko.
Hindi nalang ako nag salita para 'di na Humana ang usapan. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya kahit sinabi niya na kanina na hindi ko na kailangang gawin 'yon. Pero kapag hindi ko ito ginawa ay baka mag tagal pa ang usapan naming dalawa.
Bumuga siya ng hangin bago lumabas ng kotse. Tinignan niya pa ako saglit bago yumuko at pumasok na sa bahay nila. Parang biglang naging akward kaming dalawa dahil sa usapan na 'yon.
Binalewala ko nalang muna ang awkwardness sa aming dalawa at pumasok na sa kotse. Agad ko itong pinaharurut dahil ang nasa isip ko lang ay si Shine.
Sana naman ay nakatakas siya. Alam kong 'di pa siya handa para bumalik sa mansion nila. At isa pa, may issue kaming dalawa. Baka iniisip ng ibang tao ay may relasyon kami dahil nalaman nila na tumitira sa condo ko si Shine.
Naisipan kong bumalik sa condominium baka sakaling makita ko siyang nagtatago sa tabi². Hindi ako lumabas mg sasakyan at tumingin-tingin lang sa paligid.
May mga paparazzi sa labas ng condominium. Sa tingin ko ay hindi sila aalis hanggang 'di kami nagpapakita ni Shine.
Tumingin-tingin pa ako sa mga sulok pero walang Shine akong nakita.
"Where are you?..."
Shine's POV
Oh god nasaang parte na ba ako ng earth? Kagubatan na 'to ah.
Gabi na 't hindi ko parin makita ang daan pabalik sa labasan ng gubat. Kanina pa ako nawawala at nilalamig na. Sa tingin ko ay dito ako matutulog ngayong Gabi sa gubat na 'to.
Umupo ako sa sanga ng kahoy at nagpahinga saglit. Tinignan ko ang buwan na nakatutuk sa akin.
Napangiti ako. Kaya siguro hindi ako makaramdam ng takot ngayon kahit nandito ako sa malawak na gubat. May kasama naman ako. Ang buwan.
The moon shines beautifully. Nakakatuwa itong pagmasdan dahil parang sobrang lapit nito sa akin. Napa-isip ako kung sino ba ang taong nakakita sa akin sa condominium na 'yon. Narinig ko kanina sa mga tao na sinasabing may relasyon daw kami ni Alex. So ibig sabihin ay kasali din siya rito? Nalaman nilang nakikitira ako sa condo niya? Goodness.
Siguro nakitulog si Alex ngayon sa bahay ng pinsan niya DAW na si Cielo. Tsk, crazy. Siguro nga nag tabi sila sa pagtulog eh. I'm sure maliit lang ang bahay nila, Cielo kaya siguradong wala silang guest's room. Mag pinsan lang naman sila eh. Pwede naman mag tabi diba kahit magkaibang gender.
Napa-ikot ako ng mata. Ano naman kung magkatabi sila? Basta ako nakatulog na ako sa higaan ni Alex.
Why do I need to compare us?
Hinahanap kaya ako ni Alex? Tsk. Bakit ka naman niya hahanapin, Shine? Sino ka ba sa kaniya?
Dahil sa dami kong iniisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako na naka sandal sa Puno.
—
♡

BINABASA MO ANG
Imperial knights series - When our hearts crashed-
RomansaA masterpiece by Savage_tasha (kindly follow) Imperial Knights -Series- "I've seen you at your worst but I still think you're the best" "I'am a strong person, but every now and then I would like someone to take my hand and say everything is going to...