Chapter 13

0 0 0
                                    

Shine's POV

Napamulat ako nang may biglang pumitik sa noo ko. Sobrang sinag ng araw pero natatakpan ito ng isang mukhang nakangiting nakatitig sa akin.

Nanlaki ang mata ko at natatarantang tumayo. Hindi ko kilala ang lalaking 'to. Anong karapatan niya para pitikin ang noo ko.

"Sino ka?" I asked him.

Moreno siya at nakasuot ng sando at basketball shorts. Sa tingin ko ay nakapambahay lang siya. May bitbit din siyang mga kahoy.

Inilapag niya ang mga kahoy na dala niya na nasa balikat niya kanina at inilahad ang marumi niyang kamay. Medyo nagtaka ako kung bakit nilahad niya 'yon. Nag e-expect ba siyang hahawakan ko ang maduming kamay niya?

"Ako pala si Jonas. Nakita kitang nakatulog sa puno habang naghahanap ako ng mga kahoy na panggatong," tumigil siya saglit bago ako tinignan from head to toe, "Sa tingin ko ay hindi ka taga rito. Naligaw ka ba?"

Tumango ako, "Saan ba ako? Taga dito ka ba?"

Tumango din siya, "Nasa lugar ka na hindi Kilala ng karamihan. Hindi nga alam ng iba na may nakatira dito sa kagubatang 'to. Tinatawag ang lugar na 'to na Francisco dahil ang tiyo ko ang unang nakakita ng lugar na 'to."

Tumango nalang ako kahit nai-isip ko na ang haba ng sagot niya.

"Paano ba ako makakalabas mula sa lugar na 'to?" Tanong ko.

"Mahirap makalabas sa lugar na 'to dahil andaming mga daan pero iba't ibang lugar ang nilalabasan. Hayaan mo, tutulungan kitang lumabas sa lugar na ito pero sa ngayon, sa amin ka nalang muna tumuloy dahil baka gabihin ka sa paghahanap ng daan palabas."

Tinignan ko ang lalaki. Mukhang mabait naman siya dahil inosente at gwapo naman ito. Pero dapat hindi ako magtiwala sa tulad niya.

Kinapa-kapa ko ang bulsa ng aking suot na baggy pants para i-kuha ang cellphone ko. Ngunit nakailang kapa na ako ay wala parin akong maramdaman na cellphone. Naiwala ko yata.

"May cellphone ba kayo?" Hopefully meron.

Ngumiti ito ng malapad, "Oo meron! Pero nasa bahay. Kailangan mo ba? May gusto kang tawagan?"

Tumango ako, "Oo sana pero nevermind. Iwan mo nalang ako dito kaya ko naman ang sarili ko," Sabi ko bago ngumiti ng peke.

Wala akong tiwala sa mga ganitong klase ng tao. Baka kasi may balak na masama sa akin. Maganda pa naman ako.

Bumuga siya ng hangin pero may ngiti pa rin siya sa labi. "Kung iniisip mo na may gagawin akong masama sa 'yo kaya ayaw kong sumama, pinapangako kong wala akong intensyon na gawan ka ng masama."

"I'm sorry but I don't trust people easily."

"Pero kailangan mo ng cellphone diba?"

"Wag na," Sabi ko.

Tumango siya, "Baka anong mangyari sa'yo kapag iniwan kita dito. Marami pa namang mga matitinding hayop dito."

Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. How dare he na takutin ako? Akala niya ba madadala ako sa mga sinasabi niyang 'yan para lang mapasama ako sa kaniya.

Napatalon ako sa takot nang may narinig akong biglang kaluskos sa may Puno na maraming dahon.

Narinig ko ang katabi ko na tumatawa. Napatingin ako sa braso niya at napabitaw rito nang malamang nakahawak pala ako rito.

Huminga ako ng malalim, "Hindi ako takot."

"Hindi ka pa ba takot sa lagay na 'yan." Habang mahinang tumatawa.

Tinignan ko siya ng masama kaya napatahimik siya.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo kaya wag mo na akong pilitin na sumama sa'yo. Sa tingin ko ay hinahanap na ako ng boyfriend ko. Baka mahanap niya ako dito maya-maya." Saad ko.

Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi.

Boyfriend? Talaga Shine? Sino boyfriend mo? Si Alex?

No way! Bakit siya ang iniisip ko. As if naman na concern sa akin 'yon at maisipang hanapin ako. Baka nandoon 'yon sa bahay ng pinsan niya ngayon o baka naman gumala sila.

"May boyfriend ka?" Tanong ni Jonas nang hindi nakangiti. Kanina lang ay grabe ang ngiti niya. Abot tenga 'yon.

"Pake mo ba?" Suplada kong sabi para pabayaan niya na ako.

"Hindi ka mahahanap ng boyfriend mo dito. Mas mabuting doon ka muna sa amin para matawagan mo kung sino man ang gusto mong tawagan. May signal naman doon, at isa pa, maganda ang lugar namin. Mas maganda ka nga lang." Sabi niya ngunit hindi ko narinig Ang huli niyang sinabi dahil sinadya niya yatang ibulong 'yon.

Huminga ako ng malalim. Mas mabuti nga sigurong doon muna ako sa kanila. Mukhang 'di naman siya masamang tao pero kahit na, 'di dapat tayo basta-basta nagtitiwala sa mga tao lao pa't ngayon ko lang siya nakilala.

"Sige. Basta ipangako mo sa akin na wala kang gagawing masama sa akin?" Panigurado ko.

He agressively nodded, "Oo naman! Hindi naman ako masamang tao," sabi niya at tumawa.

Kinuha niya na ang mga dala niyang kahoy at nagsimula na kaming mag lakad.

Alexander's POV

Where are you?

Pangalawang araw ko na 'tong paghahanap sa kaniya. Wala akong tulog dahil 'di ako makatulog kaka-isip kung kamusta na siya. Nanghihina pa ako dahil wala pa akong kain simula kahapon sa gabi. Wala din naman akong ganang kumain dahil nawawala siya.

Nakakainis naman kasi! Sino bang nagsabi na sa'kin nakikitira si Shine? Alam pa talaga 'yong address ko. Tapos, nakakapagtaka dahil paano niya nalaman? Wala naman akong sa condominium na tinitirahan ko.

Sobrang layo na ng lugar na 'to. Hindi ko na alam kung anong tawag sa lugar na 'to. Wala masyadong mga bahay at wala din masyadong mga sasakyan na dumadaan. Sa gilid ng sementadong kalsadang dinadaanan ko ay gubat. Imposible naman kung nandiyan si Shine dahil maarte 'yon.

Deretso lang pagpapatakbo ko nang may biglang babae na dumaan sa harapan at muntik ko na 'tong nasagasaan. Tinigil ko ang sasakyan ko at agad na lumabas sa kotse. Ilang beses na ba 'tong nangyari sa akin? Naalala ko nanaman si Shine. Ganito din ang una naming pagtatagpo.

Lahat ng bagay kahapon at ngayong araw na nangyayari sa akin ay nagpapaalala sa akin kay Shine. Parang kasalanan ko rin kasi kung bakit siya nawawala ngayon. Dapat siguro ay sinabay ko nalang siya sa amin ni Cielo pa-uwi. Hindi sana ako ganto mag-alala sa kaniya ngayon.

Saan ka na ba kasi?

Napalingon ako sa araw na sobrang tirik. Sana, habang 'di pa ito lumulubog ay mahanap ko na siya. Pag nahanap ko na siya, sisiguraduhin kong ibabalik ko na sa kaniya ang card niya pero hindi ko siya hahayaang gumastos gamit 'yon. Ako na mismo ang gagastos.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon