Chapter 1:

4 0 0
                                    

Shine

"Dad! Nasaan si Mom?!" Pasigaw kong tanong kay Daddy. 

 I'm a third year college student. 

Galing pa ako sa school at marami pa akong kailangan gawin pero hindi ko pwedeng ipagpaliban ang nangyayari dito sa mansion. 

Tinawagan ako ni Dad at sinabing hindi na daw makahinga si Mom kaya nagmadali akong umuwi dito sa 'min kahit oras ko pa ngayon sa pag-aaral. 

 Mabilis na lumingon sa 'kin si Dad o mas kilalang Mayor Vincent sa aming city. Oo, anak ako ng isang mayor. Marami sigurong mga taong iniisip na sobrang swerte ko dahil anak ako ng isang mayor. But actually, they are wrong. Hindi ibig sabihin na anak ako ng isang mayaman at parte ng politika ay masaya na ang buhay ko. 

 "Anak," tumayo si Dad at niyakap ako ng mahigpit, "She's in our room." 

 Hinarap ko si Dad sa 'kin dahil napansin kong umiiyak siya. "Why are you crying?" 

 Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisnge bago ako sinagot, "Nasa kwarto namin ng mom mo ang rason, anak." 

 Bigla akong nanlamig at dali-daling pumunta sa kwarto nila Dad at Mom. Binuksan ko ang pinto at agad tumulo ang luha sa mga mata ko. Nilapitan ko si Mom na nakahiga nang nakapikit at hindi na humihinga. 

 Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo. Wala akong masabi sa nangyari. Parang kahapon lang ay malusog pa siya at ngumingiti habang niluluto Ang paborito ko. 

 Umupo ako pinunasan ang aking luha. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kaniyang Mukha. Napakaganda ng Mommy ko. "Mom, I will miss you. Be happy in heaven. I love you, always." 

 - 3 months later - 

 "Shine bestie!" 

 Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Chelsea pala. Bestfriend ko since highschool. Her Mom and Dad are also part of Politics. 

 "Yes, bakit?" 

 Ngumiti siya ng nakakaloko. 

 I roll my eyes. Alam ko na kung anong kailangan nito. 

 Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Pahingi answer oh." Inilayo niya na ang bibig niya sa tenga ko at mas along ngumiti ng nakakaloko. 

 "Bahala ka nga sa buhay mo." Sabi ko nang nakangisi. 

 Nag pout siya. Nag papa-cute pa. "Fake bestie." 

 Tumawa ako bago binigay sa kaniya ang notebook ko. "Hindi 'yan 'yong sagot pero lahat ng take note ko ay nandiyan. Ibalik mo nalang sa 'kin kung tapos kana." 

 "Hindi naman 'yan ang kailangan ko eh. Sagot lang okay na." Ngumiti siya ng malapad. 

 Minsan hindi ko naiintindihan 'tong si Chelsea. Pinapahiram ko sa kaniya ang notes ko para makapag-aral siya at masagot ang mga activities pero mas gusto niya nalang mangopya. Napaka-tamad talaga nitong bestfriend ko. 

 "Sige na nga." Ito nalang ang nasabi ko. I can't resist my bestfriend. 

 Agad nag liwanag ang mata niya at kinuha ang isa pang notebook na nilahad ko kung saan nandoon lahat ng sagot. 

 "Thank you Shine Bestie! You're the best." Sabi niya bago tumakbo paalis. 

Napailing nalang ako. 

 Pagkalabas ko sa gate ng school namin ay nahagip ko na ang sasakyan namin. Nagtaka ako nang hindi si Dad ang sumundo sa 'kin kundi driver niya. 

May nangyari ba kay Dad? 

 Pinagbuksan ako ng driver ni Dad at pumasok naman ako kaagad. Natagalan ako sa pag-uwi dahil tinapos ko pa ang mga project ko sa school kanina, kaya gabi na. 

 "Bakit hindi si Dad ang sumundo sa 'kin?" Tanong ko sa driver nang makapasok na ito sa driver's seat. 

 "May kailangan po daw siyang asikasuhin sa mansion, Ma'am." 

 Tumango tango ako. Sabi ni Dad ay wala daw siyang gagawin ngayon pero may aasikasuhin naman pala sa Mansion.

Nakarating ka-agad kami sa mansion dahil malapit lang naman ito sa school na pinapasukan ko. Hindi ko na hinantay si Driver at lumabas na nang kotse. 

Pumasok ako ako sa mansion at agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Pati silang dalawa ay nagulat din. Hindi na nahiya. 

 "Da-dad ano 'to?" Utal kong tanong. Nabitawan ko ang mga dala kong gamit nang tinignan ko ang babae. Parang 2 years lang ang agwat nito sa 'kin. 

 "A-anak."

 "Explain this Dad." Malamig kong sambit. 

Tumayo silang dalawa nang maayos. Hindi na ako nagulat nang hinawakan ni Dad ang kamay ng babae dahil nahuli ko nga silang naghahalikan. Lumapit silang dalawa sa 'kin. 

 "My daughter, this is your new mother." Nakangiting sabi ni Dad. 

 Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Nahagip ng mata ko na ngumiti ang babae nang alanganin. Nahalata niya sigurong qalit ako dahil nakasalubong ang aking kilay. 

 "Wala akong bagong Ina." Malamig kong tugon bago kinuha ang mga gamit ko at dali-daling pumasok sa aking kwarto. Ring ko pa ang boses ni papa na sinasambit ang pangngalan ko pero sa mga oras na 'to ay wala akong pake-alam sa kaniya. 

 Humiga ako sa 'king higaan kasabay nang pagtulo ng luha sa mata ko. Napatawa ako. Palagi nalang dahil sa mga magulang ko kaya ako umiiyak. Tama nga ang kasabihan na kung sino ang happiness mo ay someday, sila rin ang sisira ng puso mo.

Tinignan ko ang bintana ng kwarto ko na nakabukas. This past few months nang mamatay si Mommy, parating umiiwi si Dad na lasing. Hindi siya lasenggero pero nang mawala si Mom ay naging ganun siya. Akala ko nga ganun na siya hanggang sa dulo dahil alam kong mahal na mahal niya si Mom. Pero malalaman ko lang na after 3 months may bago na siya at 'yong ka edad² ko pa talaga! Galing! Sigurado akong pera lang ang habol sa kaniya ng babaeng 'yon. 

Umupo ako at nag-isip-isip. Paano kaya kung mag layas nalang ako. 'Di na ako natutuwa sa buhay kong anak ng isang Mayor. Sa tingin ko na man ay wala nang pake si Dad sa 'kin ngayon dahil paniguradong ibibigay niya na lahat ng atensyon niya sa babaeng 'yon. 

 Tumayo ako at nag-impake. Wala na akong pake-alam kung maging pulubi man ako. Ang gusto ko lang ay makatakas sa bahay na 'to. Hindi na si Dad ang kilala kong Dad noon. 

 Pagkatapos kong mag-impake ay agad akong tumalon sa bintana. Hindi naman ganun ka taas kaya tinalon ko nalang. 

Mahinang mga yapak ang ginawa ko at sinilip ang mga bantay sa gate namin. Kumuha ako ng maliit na bato at tinapon sa kabelang pader. Nakita kong napalingon dito ang mga bantay ng gate namin kaya dali-dali akong lumapit sa gate at binuksan ito ng dahan-dahan upang 'di nila marinig. 

 Napabuga ako ng hangin nang nakalabas na talaga ako. Tumakbo ako palayo sa mansion at humanap ng masasakyan. May dala naman akong money at ATM kaya mag ta-taxi nalang ako. 

Pumara ako ng taxi pero tumigil ito sa kabilang gilid ng highway. Napabuga ako ng hangin sa inis. Dahil sa inis ay dali-dali akong tumawid sa kabila pero bago paman ako makatawid ay may pumitong kotse sa harapan ko kaya ako napatumba sa gulat. 

 Nahagip ng mata ko na lumabas ang driver ng kotse at nilapitan ako. 

 "Okay ka lang ba... Miss." 

 Tinignan ko siya at agad nag tama Ang mga mata namin.

Imperial knights series - When our hearts crashed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon