Chapter 17

11 0 0
                                    

New year's Eve.
Masaya kaming nagluluto ni Mama. Nandito rin ang kapatid ni Mama at ang kanyang mga anak. Tinutulungan niya kaming magluto. Tita Bunny Is the younger sister of my mother. Isa syang kasambahay at ang kanyang asawa ay isang Driver nang tricycle. May tatlong anak na lalaki.

Rinig ko ang mga ingay nang mga bata sa labas. May nag vivideoke na nga rin sa labas. Yung mga Pinsan at kapatid ko ay nag ihaw ng Barbecue sa labas.

"Arya, kamusta ang pag aaral nyo nang kapatid mo? Tanong ni Tita saakin

"Maayos naman po tita, sagot ko nagtuloy lang ako sa Pag gagayat nang mga gulay.

"Balita ko eh my boyfriend ka daw sabi nang Mama mo. Hindi ba yan makakasagabal sa pag aaral mo" sabi niya saakin. Hindi ko malaman sa tono niya kung concern siya saakin or what. Pero mas okay na to si tita bunny kesa sa iba naming kamag anak.

Mga kamag anak kasi ni mama mga garapal. Pupunta lang dito sila nun kapag my kaylangan kay Mama pero kapag wala inaaway nila mama ko. Nung namatay nga si Papa ay sinabi pa nilang karma daw yun dahil sa kadamutan ni Mama na hindi naman totoo halos ubusin nila nga Ang Mama ko. Kaya nga galit ako sa kanila.

Sa father side ko naman eh minsan nagpapadala si lola nasa probinsya kasi sila kaso hindi rin kasya. Buti na lang talaga at may trabaho ako kundi baka ano nang nangyari saamin.

"Hindi naman po sagabal, at bago pa lang naman po kami. Hindi rin po sya nakakasagabal sa pagtatrabaho ko sa gabi." Sagot ko kay tita tinignan niya lang ako at tinanguhan at kinausap na si Mama

"Wag kang mag alala bunny ipakikilala ko sayo boyfriend ni Arya. Nako Napakagwapo talaga nung Bata na yun. Mayaman pa swak na swak para saakin" sabi ni Mama kay tita. Hindi talaga mawawala yung yaman sa kwentohan. Nakakahiya, parang ang jinowa ko lang si Cypher dahil sa yaman niya.

"Mabuti naman at nag boyfriend ka nang mayaman. Swerte mo Arya, hindi kung sino lang sa mga tambay jan papatulan mo. Maigi yan" hinawakan ni tita bunny ang balikat ko. Kahit siya gusto si cypher dahil sa Yaman agad. Pero hindi naman dapat ganun, mahal ko si cypher hindi dahil sa Yaman niya.

Hindi bale ipapakita ko sa kanila na kaya kung yumaman na walang tulong ni cypher. Ipapakita ko sa kanila na hindi yaman ni cypher habol ko sa kanya.

Tumawag si Cypher saakin at VC pa kaya sinagot ko. Lumayo ako nang kaunti pero sinabihan ako ni mama na wag ilayo dahil gusto niyang ipakita si Cypher kay tita.

"Hi baby, what are you doing? He asked me. Napakagwapo niya lagi. Hays ang swerte ko talaga dahil pogi pogi nang boyfriend ko. 

"Tumutulong ako kina Mama para sa new years eve namin. Ikaw? Nasaan ka?  Tanong ko sa kanya. Pero parang alam ko na kung nasaan siya

"I'm here at my condo" sabi ko na nga.  Bakit kaya nasa condo niya siya. Magbabagong taon na eh.

"Bakit ka nanjan? Sino kasama mo? Hindi ka ba umuwi sa bahay nyo? Sunod sunod kung tanong sa kanya

"No. I'm alone here. Nasa korea silang lahat. Hindi ako sumunod doon" malungkot na sambit niya. Kawawa naman boyfriend ko mag isa siya sa condo niya. Mag babagong taong, lonely boyfriend ko.

"Kawawa naman baby ko. You know what. Pumunta ka na lang dito let's celebrate new year together baby. I said in a convincing tone. My boyfriend doesn't deserve a lonely new year.

"Is it okay with you baby? How about tita pina? Sabi niya. Hindi ba naisip neto na bias siya ni Mama kaya papayag agad yun.

"Ano kaba okay saakin yun nuh. Masaya pa nga ako nun. Atska si mama papayag agad yun. Tuwang tuwa si Mama sayo remember. Dali na kasi!! Punta ka dito!  Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya habang kumindat kaya natawa ang loko.

"Okay baby, Wait me there. Pupunta na ako jan. Iloveyou" sabi niyang niya saakin. I always love to hear when he say Iloveyou to me. Sarap pakinggan. Lalo ng boses niya

"Iloveyou too. Ingat ka" pinatay ko ang tawag at nagmadali na pumunta kay mama.

"Maaaaàa!! Sigaw ko na pero mahina lang nakakunot na tinignan ako ni mama,

"Ma , ano si cypher pwede bang dito na lang siya magcelebrate nang new years eve? He's alone kasi nasa korea Family niya. Please!! Sabi ko sa kanya ngumiti si Mama saakin

"Ano kaba Arya. Ayos saakin yan noh at nang maipakilala ko siya sa tita mo. Sabi saakin ni Mama kaya pumasok ako sa kwarto ko at Nagpalit nang damit.  Nagsuklay ako at nag perfume nang kaunti para hindi amoy handa ako haha. Lumabas ako at inabangan si Cypher sa labas.

"Ate sino hinihintay mo?  Tanong saakin nang pinsan kong si Baloy . Tinignan ko siya at nginitian

"Boyfriend ko hehe" sagot ko kay Baloy. Tinaasan niya ako nang Kilay. Aba

"Aba talaga? Alam ba ni tita yan" nagmamalditong tanong yan.
"Syempre naman kaya nga hinihintay ko noh. Mas pogi pa nga sayo to eh" pagmamalaki ko kay Cypher.

Dumating si Cypher at may dala siya kaya sinalubong ko ito. Lumabas ang mga Pinsan ko at pati si tito ay naka tulala lang na tingin saamin.

"Goodevening po" he said to everyone. Niyaya ko siyang pumasok sa loob. Napatulala rin si Tita nung nakita niya si Cypher. CYpher is Confidently Walking to my mom and nagmano ito dito.

"Goodevening po Tita pina" pagbati kay mama. Nang gigil pero nakangiti si mama kay cypher. Nakahawak pa nga si mama sa bewang ni cypher.

" Nako cypher buti na lang at pumunta ka rito. Nga pala si Bunny kapatid ko. Bunny Si cypher. Pogi diba" galak na sabi ni Mama. Nilahad ni Tita ang kamay niya at ganun din si cypher.

"Nako Cypher Napaka gwapo mo Naman. Mukha ka ring Mayaman sabi ni tita Ngumiti si cypher kay tita at sinabing Mayaman ang Magulang niya yun lang at niyaya ko sya sa Labas.

Mabuti na lang at tinigilan ni Tita si Cypher lumabas kami para makita at makilala ni cypher mga Pinsan ko.
Natuwa ang mga Pinsan ko at tito ko sa kanya kaya niyaya nya siyang mag inom.

Hindi sana ako papayag pero sabi niya new year naman. Pinakain ko muna sya before payagan uminom. We start eating and having fun with our family.
10 minute's before the new year, naglabas na nang paputok ang iba at ngayon katabi ko si Cypher, lahat kami nanonood ng Fire works.

Masaya ako ngayon dahil Kahit wala si papa ay parang kompleto parin kaming nagcelebrate nang new year lalo na kasama ko si Cypher ngayong Bagong taon.

Nakaback hug ngayon si Cypher habang katabi ko si Mama. Hawak niya ang cellphone nya at nag vivideo.

"5!

" 4 !

"3!  Countdown namin

" 2!

"1 !
HAPPY NEW YEAR ! Pagbati namin sa isa't isa sigawan at puno nang ingay ang naririnig namin ngayon.

"Happy NEW year baby" niyakap ko si cypher at hinalikan niya ako sa noo at binati niya rin ako
"Happy new year too baby"  he said. I want to kiss him kaso nakakahiya kina mama. Kumalas ako nang yakap kay cypehr at pinuntahan si Mama para batiin.

"Happy new year mama!! Niyakap ko si Mama at pati ang kapatid ko ay nakisali. Sobrang saya nang aking pakiramdam lalo na nang nakangiti si Cypher saakin. Wala na akong hihilingin ngayong bagong taon kundi kasayahan lang at walang problema.

Nakakunot at Hindi malaman kong anong magiging reaction sa sinabi ngayon ni Cypher saakin.

"I quit Daddy’s company." Biglaan niyang saad.

Authors note: Waeyo Cypher?

 Road Mist (THE CHAMBER OF SECRETS #2)Where stories live. Discover now